Pinaka-memorable na experience sa UP?
They asked me kung ano ang pinaka-memorable na experience ko sa UP. Ang hirap sagutin.
Mula sa pagkanta ng SBP '09 ng The Climb ni Miley Cyrus sa first year orientation, pag-memorize ko ng UP Naming Mahal overnight para makanta ko ito perfectly sa first day ng school, pag-memorize ng student number...hanggang sa nakabuo na ako ng sariling circle of friends na nakasama kong 'lumangoy' hanggang maka-Sablay..
...hanggang sa namulat sa mga isyu na kinakaharap ng students at ng bansa...
Ang dami kong iniyakan.
Umiyak dahil nabagsak sa academic paper, hindi nakapag-study, nag-study pero hindi lumabas sa exam (na limited to 27 words lang ang sagot) lahat ng nabasa mo. Umiyak dahil exempted sa Math Exam, napasama sa listahan ng mga 'gahut' students at natapos ko parin ang thesis kahit na nabura ko LAHAT ng documents ko months before the plenary...
Umiyak dahil walang laman ang ATM at walang pera ang roomates, hindi na-approve ang student loan at kung anu-ano pang kahirapan issues.
At sa labas ng classroom...umiyak dahil sa pagpapa-alis kina Nanay Silay para tayuan ng subdivision ang lupa nila, pagkasira ng mga bahay at pananim ng mga magsasaka sa ComVal nung umepal si Pablo, pag-bakwit ng mga Lumad sa talaingod na biktima ng harassment at iba pang HRV.
Ang dami kong iniyakan.. pero mas madami akong happy moments sa UP smile emoticon















