Sige, ngiti pa. Ibigay mo ang ngiti ng isang taong buo
Tandaan mo, sanay ka nang wala siya.
Kaya sige, ngitian mo siya.
Â
Wag mong pansinin ang mga lubid na nagbubuhol-buhol sa sikmura mo.
Hindi ka dapat bumigay sa gulat na makita syang muli.
Hindi ka na dapat mayanig nito.
Â
Bakit hindi mo siya alukin ng mauupuan?
Bakit hindi mo siya ipagtimpla ng kape?
At wag mong ipapahalata na kabisdo mo parin ang timpla nya.
At ang asukal dapat isa lang na kutsarita.
Â
At habang hinahalo mo ito,
wag mong bibilangin ang dami ng beses na ginawa mo ito
at marami pang bagay para sa kanya.
Â
Hindi ito ang oras para maging mahina.
Susubukan nyang kausapin ka.
Ipagpaliban ang libu-libong tanung na nasa isipan mo.
Â
Kapag ngumiti sya, ibaling mo ang tingin mo sa iba.
Tumingin ka sa kisame, sa sahig,
sa mga linya sa kanyang mukha na dati wala naman doon.
Â
Wag mong sasabihin na noonâŠ
ilang beses kang naging haliging asin dahil sa iyong paglingon,
na hanggang ngayon ay may galos ka parin
sa iyong mga kamay sa kasusubok na hilain sya pabalik
na ang kanyang mga halik ay bumibisita parin sa iyong panaginip
Â
Tatanungin nya kung kamusta ka na
Sabihin mo, âmabuti akoâ
Wag mong sasabihin na âeto, gumuguho na naman ako dahil sa pagbabalik moâ
Na âmas kilala ko parin ang kung sino ako nang nasa tabi mo.
Ako ay isang lihim na ang tanging ikaw lang ang may alam
at anong silbi ng isang sekretong nalimutan?â
Wag kang madudurog sa harap nya
Kumapit ka sa kasalukuyan hanggang sa may makakapitan ka pa.
At kapag nagpaalam na âsya,
Wag mong ibagsak ang pinto.
Â
Sana matagpuan mong malinis parin ang silid Â
At kung ano man ang bahagi mo ang napilas, at nabaklas,
Spoken words by Juan Miguel Severo