5 Reasons bakit kailangan ng website ang Business mo
Benefits of a website 1. Product Accessibility 2. Professional Impression 3. Email List Building 4. Post updates & Promote offers 5. To tell business location & how to contact bonus: sell product online (pay first, deliver later)
-------------- 1. Product Accessibility - Kung may website ka, napakadaling i-access ng products mo in just few clicks away. Hindi na kailangang ulit-ulitin mong ipresent yung product mo dun sa live session mo kasi nga nalimutan ng viewer yung mukha ng product mo or yung presyo nito. Anytime pwede mo lang silang sabihan na to view the product na pinapakita mo sa live session (kung nag la live session ka) just click the website in the description and shop now! Pwedeng ganun, napakadali lang. Tas kahit saan pa man silang lupalop ng mundo basta may internet, pwedeng-pwede nila makita ang products mo at bumili sayo. 2. Professional Impression - May kasabihan tayong 'First Impression' lasts ... ika nga diba? Kung may website ka, napaka professional nitong tingnan at nagdadagdag sya ng legitimacy sa business mo at mapaabot mo sa potential customers mo na hindi ka scammer. 3. Email list building
- Ito, ang pag-gawa ng email list ay isang asset at matatawag nating isa sa mga pundasyon ng
isang matagumpay na negosyo. Napakahalagang magkaroon ka ng website upang makagawa ka ng
lead capture pages, kung saan makukuha mo yung contact details, email addresses ng mga
website visitors mo na nagkakainterest sa products or services mo... kung nasa email list mo sila,
any time soon, pwede mo silang kontakin at padalhan ng mga updates patungkol sa business mo,
patungkol sa mga bagong offers at most of all, pwede mo silang i-upsell, or bentahan ng iba
pang mga products na potentially magcoconvert sakanila ito repeating customers.
4. Post Updates & Promo Offers
- Kung may website ka, pwede mo ilagay lahat ng updates ng offers mo pati mga promos at
mga anumang pakulo mo to attract your customers. Pwede mo mainform lahat ng first time
visitors ng website mo at pati existing customers mo kung ano yung bago sa products mo o kaya'y mga
patok o best selling products na meron ka.
5. To tell your business location & How to contact you
- Napakahalaga na alam ng customers mo kung pano ka nila ma re-reach out. Ang mga customers kadalasan
may mga questions yan patungkol sa products at offers mo, mas madali lang na mag visit sila sa
website mo at kung sakali kailangan nilang tumawag o pumunta on-site para bibili edi alam na nila
kung saan sila pupunta kasi nailagay mo yung address ng business mo dun sa website mo.















