Affiliate Marketing Strategies na pwede mo gawin
1. Gumawa ng Blog na ang niche/topics are in relation/related niche ng products mo. Example, kung ang products na offer mo ay patungkol sa sabon, dapat magsusulat ka ng mga topics patungkol sa skin care, mag provide ka ng value like educating them about skin & etc. Another example ay kung ang prinopromote mo ay gaming keys tulad ng affiliate offer na nasa G2A isang affiliate program for gamers, dapat ang blog na isusulat mo ay patungkol din sa games, it could be about game updates, new releases, cheats, codes, etc.
2. Kung naisip mo mag blog, pwede ka mag sulat ng PRODUCT REVIEWS. Pwede moisulat yung mga reviews na meron ang product na yun from legit customers, gawan mo ng article kung bakit nagustuhan ng mga customers yung product at i-highlight mo kung pano nakatulong yung product na yun sa customer kaya naging masaya sila at i-connect mo kung pano makakatulong sa audience mo yung product na yun.
3. Kung naisip mo mag blog, pwede ka gumawa ng isang online store na kung saan dun mo i-didisplay yung products na prinopromote mo. Lagyan mo ng prices at make sure na yung sa button ng products na yun ay yung affiliate links mo na nandun din yung affiliate ID mo. By the time na ikiclick ng website audience mo yung BUY button, ma dadirect sila sa official website ng product na yun at dun na sila magcontinue sa buying process at upon successful purchase, makakaincome ka na kaagad ng commission.
4. I-Promote mo ang link sa social media strategically. Hindi lang basta post ka lng ng link sa social media tas ayun na. Dapat mag provide ka muna ng value like, educate people about what you do or educate them about a certain topic in relation with your niche. Tandaan mo, walang bibili sa unang tingin, bihira lang ang LOVE at FIRST SIGHT sa Business, unless known brand ka na at napakalaki na ng followers mo.
5. Promotional Videos
Direct Promotional Video - Gumawa ka ng video presentation patungkol sa products na offer mo at iexplain mo bakit mo yun nagustuhan, bakit mo prinopromote, ano ang ikinaganda ng product na yun at pano yun makakatulong sa mga audience mo. Kung ginagamit mo ang product, magbigay ka ng testimony, at magdagdag ka ng testimony mula sa review ng customers ng product na yun. Saka dun sa description ng post mo sa social media, isulat mo ang parang overview ng video presentation na yun ,tas gawin mong parang footer sa ibaba yung link ng product at link ng online store mo.
Indirect Promotional Videos - Gumawa ka ng mga video presentations talking about specific topic na related sa niche mo. Ipakita mo sa audience mo na isa kang expert sa larangan na yan. For example, products na inooffer mo ay mga makeup kits at affiliate ka ng isang cosmetics company, dapat ipakita mo sa video mo yung expertise at alam mo patungkol sa pagpapaganda. Gawa ka ng video tutorials pano gumamit ng lipstick, eyelashes, pano magdrawing ng kilay (haha), pano alagaan ang skin at iba pa. Kung products naman na offer mo ay mga online courses about programming, gawa ka ng videos talking or explaining basic programming topics. Unti-unti lang, wag mo ibigay lahat kasi kung ibibigay mo lahat, mawawalan ng importance yun sa part ng audience mo kasi nga ang katotohanan, lahat ng binibigay satin ng libre ay hindi natin pinapapahalagahan :(
Tulad ng direct promotional videos, ilagay mo din sa description link mo yung patungkol sa video na yun tas sa ibaba ay yung affiliate website or affiliate online store link mo.
Bonus: Gumawa ka ng E-Mail list. Cover natin yan sa susunod na topic.
Liste to my podcast at Usap-usap with Chardy Podcast on Spotify & TuneIn.
You can also visit my youtube channel at https://www.youtube.com/channel/UCiJK56Cc6-q_XS9dJ2G3ESQ
Guide pano mo i-build yung business mo from scratch, get your FREE E-Book at https://freedom-life.tk















