Parang kelan lang nung ika'y aking makilala. 'Di ko namalayan, kay dami na palang naging eksena. Parang kelan lang nung ika'y aking makilala. Akalain mo, iiwan mo rin pala ako?
seen from United States
seen from Bangladesh
seen from United States
seen from Italy
seen from United States
seen from Venezuela

seen from United States

seen from Switzerland

seen from T1

seen from Poland
seen from United States

seen from Italy
seen from China

seen from United States
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Poland
seen from Australia
seen from Australia
Parang kelan lang nung ika'y aking makilala. 'Di ko namalayan, kay dami na palang naging eksena. Parang kelan lang nung ika'y aking makilala. Akalain mo, iiwan mo rin pala ako?
Kay tahimik ng kapaligiran, Kay lungkot ng kalawakan. Kasiyahan, kaylan kita muling makakatam? Damdamin kong tigang, Ika'y walang pakielam. Ako'y 'yong nasasaktan, 'Di mo ba nararamdaman?
Minsan na s'yang umibig.
Maaliwalas sa pakiramdam. Kay ligaya ng bawat umagang nagdaraan. Ang bawat kape ay kay tamis sa kanyang panlasa. O, kay linamnam ng bawat kagat sa pandesal na kabibili lang at mainit-init pa. Nagniningnig ang kanyang mga mata sa galak. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mapupulang labi na wari mo siya'y kinikiliti. Parang dinadala ng hangin papuntang langit ang kanyang katawan habang dinramdam ang sarap ng pag-ibig.
Minsan na s'yang umibig.
Minsan na rin s'yang nasaktan. Mabigat sa pakiramdam. Parang meron pasan. Ayaw na niyang magliwanag pa ang kalangitan. Karamay niya sa kalungkutan ang gabi at ang nag-iisang buwan. Walang kasing pait ang kapeng lumamig kaya't iniwang nakatiwangwang sa lamesa kasama ang naluma at walang lasang pandesal. Mayroong namumuong kristal na tubig sa gilid ng kanyang namumugtong mga mata na pilit kumakawala. Hindi maalis sa kanyang mga labi ang sigarilyo na s'yang nagdulot ng pangingitim nito. Wari mo ang kanyang dugo'y binubuo na ng alak sa gabi gabing paglaklak dito. Parang hinihila ng alon pailalim sa karagatan ang kanyang katawan habang patuloy na nilulunod ng alaala na kay sakit pag-ibig.