I am over thinking again. It’s my weakness. I over think a lot of stuffs. Really. I am sorry. I am perfectly imperfect.

seen from Australia
seen from Georgia
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from China
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Germany
seen from United States
seen from China

seen from Germany

seen from United States

seen from Australia
seen from Australia
I am over thinking again. It’s my weakness. I over think a lot of stuffs. Really. I am sorry. I am perfectly imperfect.
Anong alam nila upang humusga? ‘Di naman sila. Tayong dalawa.
Armi Millare
Parang kelan lang nung ika'y aking makilala. 'Di ko namalayan, kay dami na palang naging eksena. Parang kelan lang nung ika'y aking makilala. Akalain mo, iiwan mo rin pala ako?
Kay tahimik ng kapaligiran, Kay lungkot ng kalawakan. Kasiyahan, kaylan kita muling makakatam? Damdamin kong tigang, Ika'y walang pakielam. Ako'y 'yong nasasaktan, 'Di mo ba nararamdaman?
Minsan na s'yang umibig.
Maaliwalas sa pakiramdam. Kay ligaya ng bawat umagang nagdaraan. Ang bawat kape ay kay tamis sa kanyang panlasa. O, kay linamnam ng bawat kagat sa pandesal na kabibili lang at mainit-init pa. Nagniningnig ang kanyang mga mata sa galak. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mapupulang labi na wari mo siya'y kinikiliti. Parang dinadala ng hangin papuntang langit ang kanyang katawan habang dinramdam ang sarap ng pag-ibig.
Minsan na s'yang umibig.
Minsan na rin s'yang nasaktan. Mabigat sa pakiramdam. Parang meron pasan. Ayaw na niyang magliwanag pa ang kalangitan. Karamay niya sa kalungkutan ang gabi at ang nag-iisang buwan. Walang kasing pait ang kapeng lumamig kaya't iniwang nakatiwangwang sa lamesa kasama ang naluma at walang lasang pandesal. Mayroong namumuong kristal na tubig sa gilid ng kanyang namumugtong mga mata na pilit kumakawala. Hindi maalis sa kanyang mga labi ang sigarilyo na s'yang nagdulot ng pangingitim nito. Wari mo ang kanyang dugo'y binubuo na ng alak sa gabi gabing paglaklak dito. Parang hinihila ng alon pailalim sa karagatan ang kanyang katawan habang patuloy na nilulunod ng alaala na kay sakit pag-ibig.
Pag-ibig. Alam mo ba ang ibig sabihin nito?
Ako, hindi ko alam ang eksaktong kahulugan nito. Ang alam ko lang, panay pait at sakit ang dulot nito. Ngunit paano ko nga ba ito nasabi? Naranasan ko na ba ito? Umibig na ba ako? At pag-ibig nga ba talaga ang ang naramdaman ko? Ewan. Hindi ko alam. Kaya nga nagtatanong ako kung ano ang pag-ibig.
Ikaw, alam mo ba ang ibig sabihin ng pag-ibig?
Sinambit ng mga labi ko ang salitang “umaga na pala" na parang may pangamngamba sa paparating na liwanag ng araw na gigising sa lahat ng tulog sa mga oras na iyon. Napatingin ako sa kanyang mukha, napangiti at binati s’ya ng "good morning" sabay halik sa kanyang mga labi na katatapos lang hithitin ang yosing nagmula sa akin. Tumingin s’ya sa akin at napangiti. Sinambit ng may lambing ang mga katagang, “Ang tagal ko nang hindi nakakaro’n ng good morning kiss…" Napatungo at naging seryoso ang tono, "…two years ago.”
“Remember the lesson and forget the boy.”
— Armi Millare