(REVISED & UPDATED) UST AMV COLLEGE OF ACCOUNTANCY FIRST YEAR GUIDE.
Ang mga mababasa ay base sa opinyon lamang ni piaisabellar at maaring magbago batay sa inyong mga karanasan. (At mas madami ka matututunan sa orientation kaya makinig ka dun ha! :D)
1. Ano ba ang UST AMV College of Accountancy?
Ang Alfredo M. Velayo College of Accountancy ay college sa UST na merong programs tulad ng BS Accountancy at BS Management Accounting. Ang AMV College of Accountancy of AMV-Coa ang kaunaunahang college sa unibersidad na ipinangalan sa isang alumnus at ang AMV-CoA ang pinaka batang college sa buong unibersidad.
A. BSA Program - Eto ang BS Accountancy talaga. 5 years itong course na ito. Dito lang sa course na ‘to ka pwedeng maging CPA o makapag take ng CPA Board exam.
B. BSMA Program - 4 years lang ‘to. Parang BSA course lang din ito except mas konti ang Accounting subjects. Sa pagkakaalam ko, may exam din ito pero hindi pang CPA. Pero kung magiging BSMA ka man, nasisigurado ko sayo na basta wala kang ibabagsak, makakapag tuloy ka ng BSA sa ibang school (hindi ko na kasi sure sa AMV kung pwede dun). Pero basta ang point, pwede mo ituloy ng BSA kung gusto mo talaga mag CPA, konting subjects/units lang idadagdag mo para makatapos ka ng BSA.
Pero paano nga ba ako magiging (o mananatili na) BSA?
Dalawang bagay ‘yan. Kasi kapag dating mo palang ng second year, first time mo palang makaka-encounter ng Accounting subjects tulad ng Accounting 1A&B at 2A&B.
Una, dapat makakuha ka ng grade na nasa range na 1.00-2.00 sa parehas Accounting 1 & 2. PARA EXEMPTED KA! :) In short, dapat i maintain mo ang lowest na 2.00.
Pangalawa, kung hindi mo naman makuha ang grade na 1.00-2.00, dapat hindi mo maigbagsak ang 2 Accounting subjects para at the end of your second year para makaka pag take ka ng RETENTIONEXAM at kailangan mo ipasa ‘yun o umabot sa quota. (Ang subjects included sa retention exam ay ang mga sumusunod: Accounting 1 & 2, Logic (Philosophy) at English Comprehension. Sa panahon namin, ang pag cocompute kung aabot ka sa quota ay: 25% Accounting1 grade, 25% Accounting2 grade at 50% Retention exam score.
PERO PERO PERO….TAKE NOTE!
Kung hindi ka umabot sa quota sa retention exam, BSMA ka na.
Pero kung naibagsak mo ang Accounting 1 palang, automatic BSMA ka na. Sorry to tell you, prerequisite subject kasi ang Accounting, hindi ka pwede mag take ng Accounting 2 kung bagsak mo ‘yung 1. Itatake mo ulit sa 2nd sem ang Accounting 1.
Kung pasado naman ang Accounting 1 mo at bagsak ang Accounting 2, BSMA ka na din. Itatake mo naman ang Accounting 2 sa summer.
*Mas marami ka pang malalaman dito sa orientation, at kung mali ang aking mga nasabi, abisuhan mo lang ako para malaman ko*
2. Saan ba makikita (location) ang AMV?
Alam mo yung multi-purpose carpark? Yung may (L-R) McDo, KFC, Ice Monster, Kitchen Emperial, Eva’s Grill, Bianca’s at Greenwich sa baba na tapat ng UST Private Hospital? Kung alam mo yun, punta ka lang sa 4th floor at yun na ang AMV.
P.S. Wag kang gagamit ng elevator kapag naka-uniform ka na, magagalit sayo yung masungit na taga bantay dun kasi nga bawal mag elevator mga student sa AMV. Tyaga lang! Pangpalaki ‘yan ng muscles sa binti. Pero kapag sinwerte ka, at usually pag kasama mo yung magulang mo, masusubukan mo din maka-sakay sa elevator. (At kapag may elevator pass ka na nakukuha lang ng mga pilay may asthma o may sakit at ng mga officers ng organizations, pwede ka mag elevator)
3. Ano-ano ang advantage ng AMV sa ibang colleges?
Unang una, hindi mo na kailangang lumayo para bumili ng pagkain, baba ka lang sa first and second floor, instant pagkain! Maganda rin ang view ng fireworks kapag paskuhan sa lobby. Lahat naman ng instuctor at professor sa UST, magagaling, pero sa AMV din may magagaling at mapagpatawa na taga-turo, enjoy mag-aral. At nasa AMV din ang isa sa mga full professor sa UST, si Sir Aguas yun (will explain later). Wala kang summer sa 1st year unless may bagsak ka.
4. Ano naman ang mga disadvantages ng AMV?
Parang ito lang ata ang building na bawal mag elevator ang mga estudyante bukod sa may elevator pass. ‘Pag panik mo palang sa 4th floor, hingal na hingal ka na at pawis na pawis, posible din na mag amoy usok o pagkain ka kung sa loob ng parking ka dadaan o dadaan ka sa mga kainan.(Uniform) Kung babae ka, wag kang magugulat kung pupunta ka sa Mercury at tatanungin ka kung magkano ang gamot, o kung lalaki ka at bababa ka sa bus, wag kang magulat kung tatawagin kang kundoktor. (Grades) Mahigpit sa grades sa AMV, hindi ka makakakuha ng extra grade sa extra project, pero may mga ganun naman na professor lalo na kapag minor subject lang. Kaya kailangan mo talaga mag-aral kung takot ka sa tres!
5. Totoo bamg debarment capital ang AMV?
Teka, ano ba ang debarment? Uhm. Parang ganito, kick out. Sabi nila debarment capital daw ang AMV. Pero ang kailangan mo lang naman mag-aral ng sobrang mabuti at sobrang sagad para di ka magka-bagsak. Aral lang at dasal ang katapat nyan!
6. Mahirap ba yung Accounting?
Kasi sa Accounting, hindi naman Math ang pinapagana. Kung paano mo iniintindi ‘yung problem, ‘yun talaga ang Accounting. Mahirap kung hindi ka magprapractice mag sagot ng problems o hindi ka mag-aaral ng advance. Actually, kailangan mo lang maging masipag sa pagsagot at kailangan mo din ng madaming pasensya sa pag-intindi ng mga problems. Basta advice ko sayo, advance study ka nalang at mag maging masipag sa pagsagot ng mga problems.
Ano ano ba yung mga subject sa 1st sem?
English - madali lang. Basic english, grammar, ganun, parang high school lang.
Philosophy - eto bagsik. Paghandaan mo ‘to. Kailangan mo ng common sense dito, kung swerte ka at kay Sir Pacquing ka sa Philo, ipapa-aral lang naman nya sa inyo yung chapter 1-9 (buong Philo book) sa first day at may recitation kayo sa susunod na meeting (ibig sabihin, the day after tomorrow). Pero kapag kay Sir Aguas, chapters 1-3 lang. Kay Sir Pada naman, hindi biglaan at may chance ka sa recitation. P.S. Enjoy nga pala kay Sir Pacquing, sobrang enjoy! The best sya! Tip: Kapag natawag ka sa recitation nya, pwede kang magtagalog, galingan mo yung sinasabi mo kahit na mejo lumalayo sa topic, kasi i-uno ka nya kapag deserving ka (sa recitation lang)! Kayo na bahala kay Sir Pacquing pag naging prof nyo sya.
Math (Algebra) - Madali dali lang naman ‘to kung may interes ka sa Math, advantage kapag Math Wizard ka nung high school. Pero kailangan mo din mag-aral kasi may pagka tricky ang mga tanong dito. P.S. Advantage ang galing Science High School at mga school na may advance na turo sa Math, Algebra at Calculus.
Philippine History - Ay. Eto, seryoso ‘to, hindi katulad ng sa high school. Matututo ka ng sobra sobra kahit ayaw mo, kailangan eh. Si Sir Fo, amerikano ‘yan pero nagtuturo ng Philippine History, astig noh? Si Ma’am Panlilio, isa pa yang astig! Advantage kay Ma’am Panlilio kapag magaling kang mag english, disadvantage kapag hindi ka masyado praktisado sa english. Astig din ang recitation nya, astig kung astig!
Biology - hindi kita niloloko, kasama ang Biology! Alam kong kaya ka nag accountancy eh dahil a.)Magaling ka sa Math b.)Sabi ng mga magulang mo c.)Ayaw mo sa science course d.)Di ka marunong mag drawing e.)All of the above. Galingan mo nalang basta! Kabisaduhan din lang naman *daw* ang Biology eh.
Theology - Required yan shempre dahil Catholic school. Marami akong nalaman, hindi lang tungkol sa Poong Lumikha pero sa mga ibang bagay na din lalo na sa Catholic church.
BA - puro business naman dito, kadalasan puro theory at basic words sa business world. Maganda ‘tong subject na ito lalo na kung business minded ka.
Humanities - personally, paborito ko to. Parang arts subject lang noong high school. May mga enjoy na projects din dito, parang high school talaga.
Filipino - Parang english lang. Enjoy din!
7. Ano ano ang mga must haves sa school?
Konti lang. Isang binder, ballpen, sinusugest ko ang mechanical pencil dahil bawal tumayo kapag nagklaklase para lang magtasa ng pencil (pero kailangan mo ng monggol na #2 kapag exam), yellow pad dahil hindi na uso ang intermediate pad, kailangan mo syempre ng bag (kung gusto mo ma-in, mag Jansport bag ka, lahat ata ng taga UST ganun ang bag), ang ID (pero sa August mo pa to makukuha, makakapag swipe ka din, don’t worry). At yung mga add ons para sa mga parang national book store sa classroom, dalin mo pati yung gunting, glue, stapler, tape at kung ano ano pa kung gusto mong maging National Book Store, go lang!
8. Anong mga kailangang dalin sa first day at lagi?
Yung sarili mo at ang pagiging pala-kaibigan mo.
Payong (at kapag umuulan, mag bota ka na)
Bottled water (bumili ka nalang ng lock and lock o kahit anong water bottle na pagmatagalan, gagamitin mo yun araw-araw at may drinking fountain naman para ‘dun ka umigib ng tubig inumin)
Jacket dahil may classroom na malamig, daig pa ang winter.
Pamaypay dahil may classroom na parang summer all year.
At ‘wag kakalimutan ang registration form (yung papel na may schedule sa enrollmen) mo, ‘yan ang I.D. mo bago dumating yung tunay mong I.D.
By block naman ang PE, pero sa second year, ikaw na ang mamimili.
Basta mag-aral ka ng mabuti, samahan mo ng dasal, dedikasyon, inspirasyon at konting perspiration. Kayang kaya mo yan! Ikaw pa? UST NA, AMV PA!
May katanungan ka pa ba? I tumblr ask mo lang ako! :) (Yung mga exam, departmental at kung ano ano pa, sa orientation mo nalang malalaman yun)