Inagurat-yon
Bagamat wala akong maisip na tema para sa aking blog ay nais kong magsimula sa isang napakaikling pagpapasinaya. Ako ay isinilang sa isang masukal na sulok sa lungsod ng Maynila, panganay sa tatlong magkakapatid, anak ng dating factory worker na ngayo'y isa nang manggagawa sa bansang arabo, nakapagtapos sa kursong IT, at ngayo'y patuloy na nakikipagsapalaran upang makahanap ng regular na mapapasukan dahil hindi sapat ang kinikita sa trabahong part time lamang.
Marahil ay naipanday na nga ako ng maraming pagsubok sa buhay: nasakta't nabigo, naholdap, nadukutan, bumagsak sa exam, nagsummer ng tatlong beses sa pamantasan, nabagsakan ng aparador, nalasing sa emperador, nabigo sa pag ibig, di na muli pang umibig, nagloko ang ama’t may ibang babaeng kinakasama, laging napapagalitan ni mama sa tuwing umuuwi ng lasing at kay lakas ng tama, naging tambay ng halos isang taon, gustong bumili ng kung anu-ano wala namang naipon. Ganyan ang buhay ko. Puno man ng kabiguan, pero wala lang yan! Bata pa ako! Darating ang araw na pagtatawanan ko nalang lahat yan. Kumbaga as of 2014: 67% ng entire life ko ay puro kabiguan at 33% lang ang puro achievements, pero malay natin baka kulang-kulang 5% nalang ang failure rate ko after 10-20 years!
So bakit nga ba utolnibarabas?
Uhmm.. Wala lang! Makapal lang talaga ang balbas ko kaya naisip ko agad si barabas. But I think may sense naman siguro kung sasabihin kong nasa balbas ko ang lakas. Sa balbas ko hinuhugot ang lakas ko sa buhay. Ang paglago neto ang nagsasabing kaya kong magsimula sa kabila ng sunod-sunod kong kabiguan. At ang balbas ang palatandaan ng paglaki o tinatawag nating maturity. Ang mga taong rebolusyonaryo at lalong lalo na sa mga namumuno neto ay nakikilala dahil sa taglay nilang facial hair. Magmula kay hitler hanggang bin laden ay sadyang kakikitaan mo ng kalidad ng pagiging isang tunay na lalaki dahil sa pagiging aktibo't agresibo sa kanilang mga adhikain sa buhay: at common dito ang magtagumpay at pagharian ang daidig ( actually, pangarap ko rin yun! ) So, eto na nga. Wag nang magtaka. Balang araw alipin na kita.











