October 3, 2017 | Punto Mindoro
Matagal-tagal na rin tayong nawala sa ere. Halos dalawang taon na rin ang nakakaraan noong huli tayong umupo bilang DJ sa Air1 FM 91.9 sa Batangas City. Pero bago iyan ay nauna tayong naupo sa dating Bay Radio 104.7 FM na ngayon ay Brigada News FM na.
Iniinterview ko dine si Sen. Win Gatchalian noong siya Congressman pa at kumakandidato bilang senador noon 2015.
Pang-gabi ang aking programa sa dalawang istayon. Alin man sa 7:00pm – 9:00pm o 9:00pm – 12:00mn ang aking oras. Mga love songs at love story ang eksena. Napapasabak din sa mga public issues and affairs bilang DJ Xander Cage.
Kasama ko naman dine si Kulas, yung pogi sa kanan, at iba pang DJ sa Air1 FM sa isa naming event na inorganize.
Dine naman ay naswertehan natin na makilala si Sir Rommel ng Bambi FM 104.1 – Mamburao. Nagkahuntahan. Hanggang sa makarating kami buhay radyo. Ayun, napabisita tuloy ako sa istasyon nila.
Isa pang event namin sa labas kasama ko si DJ Kent, Barangay Chairwoman Macatangas ng Brgy. Calumpang, pati ang Public Information Officer ng Batangas City. Binuo namin ang talakayang publiko tungkol sa naputol noon na Bridge of Promise.
Wala pang pinal na usapan, pero baka sakali e mapasabak din dine sa Bambi FM. At kung sakali din ay baka makasama ko pa si Kulas na dati ko ring kasama sa Air1 FM 91.9.
Kaya salamat kay Sir Rommel. Miss ko na nga rin ang ngumawa sa mikropono sa ere.
Sana laang ay matuloy. Abangan ko rin yan.
YUN OH! | Balbas sa Bambi FM 104.1 Mamburao
October 3, 2017 | Punto Mindoro Matagal-tagal na rin tayong nawala sa ere. Halos dalawang taon na rin ang nakakaraan noong huli tayong umupo bilang DJ sa Air1 FM 91.9 sa Batangas City.

YUN OH! | Balbas sa Bambi FM 104.1 Mamburao October 3, 2017 | Punto Mindoro Matagal-tagal na rin tayong nawala sa ere. Halos dalawang taon na rin ang nakakaraan noong huli tayong umupo bilang DJ sa Air1 FM 91.9 sa Batangas City.