Mga ideya ng pag-ibig
Paano kung yung mga bagay na magpapasaya sa atin ay magpapalungkot naman sa iba? Paano kapag pinili mo yung gusto mo tapos nawalan naman yung isa? Kapag pinili ba yung sarili ay ibig sabihin neto ay makasarili ka? Kapag ginawa mo ba yung mga gusto mo ay ibig sabihin nun ay sasaya ka talaga? Gumising ako ngayong araw para lang itanong yung mga bagay na to sa sarili ko. Mga tanong na alam ko naman yung kasagutan pero mas pinili kong ilahad nalang dito para kung sakaling mabasa niyo ay magulumihanan din kayo. A nice person that I know once said na “unahin mo ang sarili mo”. Napagtanto ko naman na laging sarili ko ang inuuna ko. Yung tipong wala akong pakialam sa mga gawaing bahay at ginagawa ko lang din naman yung gusto ko, pero napasaya ba ako ng mga desisyon kong ito? In a way, napunan nito yung pangangailangan ko, given na yung mga pangangailangan ko ay provided na ng pamilya ko. Dami ko nang naisip habang nagtatype na nalihis na sa topic na gusto kong ilahad dito. Siguro ganyan talaga yung isip ko, magulo, walang patutunguhan yung gusto, pero sa ngayon kasi ang sarap sa pakiramdam na malaman na may nararamdaman pa pala ako. Tulad lamang ng dati na hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganito, yung pag-ibig para sa iba, kahit huli na yung sarili ko. At tulad lamang din ng dati, pakiramdam ng pagmamahal para sa taong alam mo namang malabong makasama mo. Pero okay na din sa akin yung maramdaman lang ng ganito at alam ko na hindi ko naman kailangan na gumawa ng mga bagay bagay para mas lumalim pa ito. Pero napapaisip din ako kung paano kung sundin ko yung gusto ng puso ko, yung nararamdaman ko, yung mga bagay na magpapasaya sakin na alam ng isip ko, yung mga bagay na nakikita ko na paraan para mas lumigaya pa. Pero pano kapag pinili ko yung at ginawa yung mga bagay na yun eh siyang paglungkot ng ibang tao. Siguro masyado ko lamang iniisip pero simple lang din naman yung sagot, siguro napapaisip ako masyado kasi hati yung puso at isipan. Statistically, hindi ako yung tipo nyang lalake, generally, hindi naman talaga ako yung tipong lalaki ng karamihan. Tanggap ko naman na yun matagal na. Subalit sa history ng buhay ko, may mga nagkamali parin namang mga babae, mga babaeng akala ko ayun na. Ano ba yung “ayun na”? Yun ata yung kaisipan na ang end goal ng buhay eh mag-asawa, magkapamiilya, at magka-anak/apo. Subalit sa aking pananaw eh hindi ko naman nakikita yung sarili ko na ganun. Sa mahaba kong panahon dito sa mundo, hindi sumayad sa isip ko yung ganon, kung sumayad man ay naging temporary lang naman din. Pero may mga bagay talaga na magaganap at mangyayari at may mga tao kang makikilala na biglang mapapaisip ka na parang gusto mo na. Gusto mo mag settle down, maging normal na mamamayan na magpamilya at ipasa yung “genes” mo sa susunod na hinerasyon. Eto nanaman ako, andun nanaman ako sa punto na maiinlove ka sa isang tao pero alam mo namang sa dulo na matatapos din. Kaso iba yung ngayon eh, parang lahat ay kay ganda, na hindi mo iniisip na matatapos, yung kahit alam mo yung kabaliktaran ng mga bagay na masasayang kaganapan eh hindi ko pa din maisip na mangyayari. Ewan ko ba, nasa “peak” siguro ko ng nararamdaman ko, alam kong lilipas din to, di ko alam, baka mamaya, bukas, sa makalawa, sa susunod na mga araw o linggo, hindi ko alam kung kailan matatapos to pero susulitin ko nalang yung nararamdaman ko. Walang end goal tong sinulat ko, gusto ko lang mag type ng kung ano ano, sayang kasi, alam ko pagtulog ko mamaya makakalimutan ko na ulit to. Basta ewan ko ba, bigla ko nalang nakita ang sarili ko na magkapamilya, siguro tinutulak lang din ito ng edad ko at ng pre-disposition idea of evolution na kailangan magsuruve ng species ko. Hahahaha tangina, tama na nga kung saan-saan na lumilipad yung isip ko. Sarap din talaga lumipad, saan naman kayo ako mapapadpad?









