Matagal-tagal na rin akong nakakakita/nakakabasa na iba pang fellow Little Ponies na nagti-tweet din ng "Bise". Ang cute lang. :D
Well, yung "Bise", natutunan ko lang naman 'yan sa mga pioneer members ng ViceGandaFever. :) Adapt-adapt, ganern... Hahaha!
Siguro, "Bise", kasi ang Filipino ng "vice" is either "bisyo" o "bise". Puwede rin naman galing sa surname ni Meme na "Viceral", matigas na pronunciation nga lang. "Biseral". Buwahahaha! Ganern!
Pero, yung "#GoBise", may story... (Istorya! Istorya! Istorya! Kbye. XD)
October 5, 2013 (Saturday)
• Game 2 ng DLSU vs. UST UAAP Basketball Championship. Fan ako ng UAAP, pero hindi ako masyadong nanunood ng basketball. Sa CDC pa, asahan mong akin ang TV. LOL!
No'ng time na 'yon, manunood din si Meme sa venue straight from QC Memorial Circle (It's Showtime. Kapamilya 60 Years Special.). Huwedi nood-nood din. Hahaha!
• Habang nanunood (at habang naghihintay sa glimpses ni Bise sa screen), todo cheer ang DLSU at UST sa basketball team nila. Sa totoo lang, ang pinaka favorite kong pang-cheer, yung sa UP, second yung sa USTe, then yung sa FEU. Bet ko talaga 'pag labanan na ng cheer. School pride. Ganern.
Ng pinakita na si Meme sa screen, ay sauce, siyempre tuwang-tuwa. Haha. Sabay din nun, biglang bugso rin ng excitement ko para sa volleyball game nila bukas. It's not everyday we get to watch our fave celebs in action, yah know. At live manunood. YEHEY!!!
• Habang naririnig pa rin ang pag-cheer ng USTe, pinakita si Meme, plus excitement. Biglang bright idea't pasok sa isip ko ng "Go Bise". Agad naman akong nag-post sa Facebook Group Page naming official members, "change USTe to Bise". Haha!
October 6, 2013 (Sunday)
• GAME DAY! Kapamilya All-Stars. Volleyball Game. Team Green.
"Go, Bise! Go, Bise! Go, Bise! Go! Go! Go! Go!"
Ang saya lang, nakapaghanda kami ng cheer! Haha! Pak! Nai-push! Bongga! Nakatabi rin namin ang KimXi fans, Team Green din si Kim Chiu. Naka-green kaming lahat! Ang saya. :)
October 24, 2013 (Thursday)
• The very day, Showtime's 4th year anniversary. At ang performance day ng Magpasikat ni Meme. May part na interlude in between Wild-Applause pacing. Sa part na 'yon, nakapag-cheer na naman kami ng #GoBise. Buwahahaha XD Nasa tapat pa naman namin ang mga Hurado. Pasensya na talaga, lalo na kay Ms. Aiai. HEHE XD (VIDEO: Vice's 4th Magpasikat)
So, ayun. Now you know. Hahaha! Sana, lahat ng Little Ponies, as in LAHAT, sabay-sabay tayong mag-cheer ng #GoBise! :))