Sa gitna ng ulan…
Hindi ka kawalan sa akin pakiusap lang, tama na tumigil ka, hindi na kita mahal.. Wala man ako ngayon sa piling mo, pwede ba? eto masaya pa rin naman ako, Makausap man kita, wag mo na tatanungin saken kung pe’pwede pa ba.. Di na pwede pa, ikaw kase ayoko na sa’yo.. Kabigha’bighani ang mga pangyayari sa buhay ko, Nang dumating ka na oras ko'y ang bilis na ng takbo.. Unti-unti ng nawalan ng sigla habang tumatagal ang panahon tila, Ang lamig mo na sakin, ayaw mo na sakin di nagkatotoo ung Hiniling natin nung may dumaan na tala sa ating dalawa.. Iniwan mo ako (luhaan), sakit na nararamdaman Ngayon umasa kang wala ka ng babalikan.. Sa gitna ng ulan, kinausap mo ako at sabi mo Ang sigaw ng puso mo'y ako mahal.. Sabik sa piling mo, binibini ko totoo, Titigan mo ang aking mata, mahal pa din kita Kaso di na pwede pa.. Pagkatapos matapos maubos at maibuhos lahat ng sakin sa’yo, Muli kang babalik kung kelan masaya na ako at limot na ang mga dulot mo. Mga sakit ng dulot ng nakaraang kabaliwan, Matuturing na ngayo'y tinatawanan ko na lang. Sayang at di ako nakasabay sa’yo, sa larong pinagbidahan mo’t pingbidahan ko. Akala ko pa naman ay ikaw na, katangahang ibigin ka Yan ang tangi kong nalaman mula ng aking malaman Na di tayo para sa isa’t-isa.. Matapos mong lasunin ang damdamin ay sasabihin mong ako'y mahal mo, Kaya ko pa namang umibig at muli sanang magpatawad kaso ay hindi sa’yo.. Isang lingon na lang para ika’y makalimutan na. Wala naman sating hadlang, sadyang pinabayaan lang. Ang lahat naman ay nilaan ko para lang sa’yo, Yan na ang una at huling malaking pagkakamali ko na nagawa. Tila ba ang pangarap ko'y biglang nag-iba, Pero kahit na magbalik ka pa ang tanging sigaw ng puso Hindi na pwede pa.. Sa gitna ng ulan, Hindi ka kawalan sa akin.. Pakiusap lang tama na tumigil ka, hindi na kita mahal.. Wala man ako ngayon sa piling mo, eto masaya pa rin naman ako. Makausap man kita wag mo na tatanungin saken kung pe’pwede pa ba, Di na pwede pa, ikaw kase.. Ayoko na sa’yo..
Credits: “Sa gitna ng ulan” by Curse One ft. Smugglaz, Vlync













