"Kailangan malaman nila kung ano ba dapat ang ginagawa ng bawat posisyon."
- Oyomansi, patungkol sa mga botante

seen from Germany
seen from China

seen from Germany
seen from Malaysia

seen from Japan

seen from Spain
seen from India
seen from Türkiye
seen from United States
seen from Germany
seen from United Kingdom
seen from France

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Germany

seen from Türkiye
seen from Germany
seen from United States
seen from United States

seen from Germany
"Kailangan malaman nila kung ano ba dapat ang ginagawa ng bawat posisyon."
- Oyomansi, patungkol sa mga botante
Bobong Botante Noon. Matalinong Botante Ngayon. PWEDE!
Noong nagparehistro ko bilang legal na botante para sa Eleksyon 2001, hindi ko man lang naitanong sa sarili ko kung paano ba ang tamang pagpili ng iboboto o paano ko masasabi na tama ang iboboto ko. Ang alam ko lamang ay ang responsibilidad kong bumoto dahil sa commercial noon ng bagong botante na si Elsa. Ini-encourage nila ang malawakang partisipasyon ng mga bagong botante. Saka pa lamang papasok ang katanungan na, “Sino nga ba ang iboboto ko?” At naisip ko lamang ito noong malapit na ang eleksyon. Ano ang nakaapekto sa pagboto ko noon? Unang-una, kung sino ang kinakampanya ng tiyohin ko dahil supporter siya ng isang party. Hindi na ko nagtanong. Hindi ko na inalam kung karapat dapat ba sila. Tiwala ako sa tito ko kaya tiwala rin ako sa kinakampanya niya. Ikalawa, hindi ko kilala lahat ng kandidatong pagpipilian ko. Dumalo naman ako sa kampanya pero sa kampanya lamang ng mga taong sinusuportahan ng mga kakilala ko. Magaganda naman lahat ng sinasabi nila. Mukha naman silang magaling. Anong dahilan ko para sila pagdudahan at hindi iboto? Ano bang alam ko sa gobyerno at politika? Noong makaboto ko at pakiramdam ko naiboto ko ang karapatdapat na politiko, masaya na ko. Naging parte ako ng isang makabuluhang pangyayari na magpapabago sa buhay ng lahat ng mga Pilipino - ang HALALAN. Pagkatapos noon wala na kong pakialam. Umasa na lang ako na gagawin ng mga nanalo ang mga dapat na ginagawa nila. Hindi ko naisip na maari palang ang ibinoto ko o nahalal ng karamihan ay hindi alam kung paano mamuno, at kung ano ang dapat ipatupad at baguhin. Noong kampanya, mukha namang alam nila ang gagawin nila. Magaganda kasi ang mga sinasabi nila at marami na rin silang nagawa para sa mga tao ayon sa sinasabi nila. Muli ang tanong ko sa sarili ko, “Ano bang alam ko sa gobyerno at politika?” Ah, wala na akong pakialam noon. Basta ang alam ko, ginawa ko na ang parte ko, gawin naman nila ang parte nila. Pero kung iisipin, gayong hindi ko naman inalam ng personal kung sino dapat ang iboboto ko, gayong hindi ko sila totoong kakilala, ang kanilang kapasidad, abilidad upang manungkulan, mga nagawa at uri ng pagkatao, paano ko aasahan na gagawin nila ang inaasahan kong dapat nilang gawin? Unang-una, alam ba ng mga kandidatong ito ang gagawin nila sa kanilang posisyon? Alam ba nila kung para saan ang posisyon na tinatakbo nila? Hindi ko ‘to naisip noon pero deep inside siguro inaasahan kong alam nila. Ilang taon na silang nanunungkulan kaya alam na nila ang dapat nilang gawin, ang maglingkod sa mga mamamayan. Hindi nga ba kaya sila tumatakbo sa posisyon para roon? Iyon lang ang alam ko noon. Ano bang kamalayan ko noon na mayroong mga ulupong at mapagsamantala sa gobyerno? Na may mga mangmang na mga politiko gaya rin ng mga mangmang na botante. Pagsapit mo sa legal na edad na disiotso, may kapangyarihan ka ng magluklok ng pinuno na nais mong mamuno sa'yo at sa mga kababayan mo. Nagrehistro ka, makakaboto ka na sa darating na eleksyon. Siguradong alam mong napakahalaga nito pero alam mo nga ba kung gaano ito kahalaga? Kung alam mo nga, paano mo pinahahalagahan ang kahalagahan ng isa mong boto? Iniisip mo ba o inaalam mo ba ang gagawin mo upang hindi ito masayang? Ano ang batayan mo sa taong iboboto mo? May nagturo o nag-orient ba sa iyo kung anong dapat mong hanapin sa iboboto mo; kung anong dapat o hindi mo dapat gawin; kung paano nakakaapekto ang boto mo sa kaganapan sa paligid; kung ano ang hindi mo alam? Nakaapat na halalan na ko. Hanggang ngayon nga nakikita ko pa rin sa gobyerno at munisipyo ang ilan sa mga taong ibinoto at hindi ko binoto. Malaki na rin naman ang nagbago sa pagpili ko ng iboboto. Kung dati bumoboto ko dahil responsibilidad ko iyon bilang mamamayan ng bansa, ngayon bumoboto ko dahil naunawaan ko nang responsibilidad ko iyon sa bayan, ang boto ng isa ay boto para sa lahat. Kaya nga may mga ibinoboto na rin akong natatalo at apektado ko dahil nangangamba na ko sa maaaring kalabasan sa pagkakaluklok ng taong hindi ko ibinoto. Kaya nga hindi maiiwasang may mga bakanteng espasyo sa ihuhulog ko sa balota. Kaya rin hindi ko maatim na huwag bumoto dahil dagdag na puntos iyon para sa taong hindi dapat nakaupo sa pwesto. Come 2013 Election, what we don’t know would hurt us all. It is never too early to talk about election or what a certain politician missed or accomplished because we are already governed by an ignoramus culture of voting and it already came to a point that applying for candidacy no longer amounted to the capabilities of a politician to perform exactly what his/her duty require. There are also voters who have no means of knowing or are easily tricked by pretense goodwill, promises that are good to the ear and fictitious and little or unimportant accomplishments that for those who don’t know may sound big. How do we become the wise voter we should have been since our country started for a downfall and corruption took the form of a virus that causes the (near) collapse of our system? Voting should be fair and by fair it means it should be an independent choice. Not easily influenced as whom to vote, not forced, not bribed, not tricked on who to vote. Let’s equip ourselves to be the wise voter our country need. If the politician knows you know what you’re looking for, he has no choice but to be the politician to give you what you need. That said, one can say that you are the mirror of the candidate you’re going to vote. So who’s it going to be? Harharhar!
At paano mo naman nasabing isa kang matalinong botante, aber? Sige nga. I-review mo kung anong mga nagawa ng mga ibinoto mo noong nakaraang eleksyon. Ansabeeeeeeeeh?
Alam ko ba na ang boto ng isa ay boto para sa lahat? Ngayon alam ko na. <;]