Naghintay lang ako sa wala...
Dalawang oras akong naghintay sayo pero hindi ka naman dumating. Dalawang oras akong naghintay sa taong hindi naman ako kilala at wala namang pakialam sa akin.
Ako naman talaga ang mali eh. Kasi bakit nga ba kita hinintay? Di ko din alam eh. Basta ang alam ko lang gusto ko yung ginagawa ko. Kasi alam ko naman na pag nakita kita kahit minuto lang o kahit nga sana isang segundo lang ayos na. Mapapapawi na non ang ilang oras na paghihintay ko sayo.
Kaso hindi. Hindi ka naman kasi dumating. Nakakalungkot… Nakakapanghina… Nakakawalang gana.














