This is my second time na makasama sa Intensified Camp ng Y.A (Youth Alive Ministry).
May nag-iisang Ate sa YA lang ang nakakaalam ng dahilan ko kung bakit ayoko sumama before the Camp. Yes, tama po. Ayoko sumama. Minsan gusto ko pero mas malaki yung porsyento na ayoko talaga. Ayoko dahil sa maraming dahilan isa na rito is yung problema ko sa pamilya ko.
Sa bahay kasi, I've been tortured sa mga sinasabi nila sakin dahil sa wala akong trabaho. Yung everyday ka na lang nakakarinig ng mura at sermon.
Tapos dahil nga sa wala akong trabaho, nag-aalangan talaga ko sumama kasi wala akong Source of money for the Camp fee.
But God never fails to provide. Praise God and super thank you sa mga ginamit ng Lord to provide my Camp fee.
One day before the Camp, nabuo ung pambayad ko sa Camp tapos may sobra pa na ginamit ko para pambili ng supplies for Camp at para sa pamasahe ko papunta ng Church at para pauwi.
Grabe talaga si Lord! Hinding-hindi niya ko pinabayaan.
At ito na, sa loob ng 4 days sa Camp. God always speak to me ng paulit-ulit na mahal na mahal niya ko, na may halaga ako ano man ang tingin ng magulang ko sakin. And he spoke to me sa mga bagay na dapat ko na talagang isuko sa kanya.
God knows how I struggled one week before the Camp. I admit, I was tempted to commit suicide dahil sa pain at lahat ng bigat ng nadarama ko. Maaring nakikita niyo kong masaya pero I pretend para walang may mag-alala sa akin. But praise God because of His grace, I'm alive and free!
All the learnings and experiences that I have from Camp, panigurado di ko iyon malilimutan. Kahit na some part ng Camp alam ko na. Di pa rin talaga sapat na alam mo na. Kasi mas Valuable parin talaga kapag na experience mo yun in a different way.
Nadagdagan pa ng naging Grab Master ako ng Flock namin. Yung may nagtanong sayo nito na:
"Hala bakit wala kang invitation for pre-camp so di ka magiging Counselor or Staff?" and "Camper ka, Jen?!" mga tanong nila sakin before the Camp, kasi LG leader naman daw kasi ako at nakapagcamp naman daw na ko before .
Pero may sagot po ako kung bakit hindi.
I know God has a reason and a purpose. I believed si God ang may dahilan kung bakit hindi ako nakapag pre-camp and I believed siya ang nag assigned at nag allow na ito ang maging role ko para ituro sakin ang mga bagay na ako mismo nalilimutan ko na.
Hindi biro maging Grab Master, yung feeling ng bigat na bigat ka sa dala mong dalawang bag na kung saan nakalagay yung gamit ng mga ka Flock mo tapos tatakbo ka pa during Camp activities with those bags.
At sa pagiging Grab master, dito ka matutong maging mabilis at disiplinado. Matutunan mo maging masaya kahit nahihirapan ka sa dala-dala mo. Matutunan mo rin na hindi sapat na tumutulong ka lang pero dapat iniisip mo din ang kapakanan ng mga members mo. At matutunan mo ring unahin ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili mo.
And God revealed me this:
Na yung mga bags or gamit represents your burdens and responsibilities in life and your flock members represents as your church. Though may bitbit ka mang problema, you need to still continue your journey in faith and serving God.
Grab master is all about having a right motive in service and to be humble and happy in serving. And being accountable sa mga taong ipinagkatiwala sa iyo ng Lord, ano pa man ang circumstances or estado mo sa buhay. Humaharap ka man sa pagsubok o may dala-dala ka mang problema but still you need to stick with your commitment in service.
And I also learned na kahit ano mang role mo sa Ministry, kapag si God mismo ang nag assigned sa'yo diyan, you need to be responsible and accountable for it, ano man ang mangyari.
Sabi nga eh, "One for all, All for one" and sa pagiging Kristyano, you need to do your part as a member of the body of Christ.
I thank the Lord sa strength, protection, humble heart and sa lahat ng learnings. Pati na sa pagbuo niya ulit sa akin at sa pag-alab ng pananampalataya ko sa kanya.
I'm humble and grateful to serve as a grab master and I'm so thankful for all.
All the credits belongs to God 😄☝
Flock of Esther | Grab Master
#IntensifiedCamp2017 #Alab