Kandila
patay na ang mga ilaw at nagtatago ang buwan sa ganda mo'y nasisilaw madilim man at maulan
ang kinis ng iyong balat maaari bang hawakan? ngunit takot na magkalat sakali mang mapatakan
at mapaso ng 'yong luha ayaw ko munang masaktan kung ikaw ay 'di makuha wala ring pakakawalan
ngayong malalim ang gabi baka p'wedeng sumalisi payakap muna sandali sana ika'y makumbinsi
liwanag mo'ng nagpainit dito sa aking katawan sarili ko'y pinipilit na 'wag ka sanang mahagkan
'pagkat alam kong 'di p'wede kahit gawan ng paraan kailanma’y hindi pup'wede dahil iba'ng nilalaman
ng puso mong lumiliyab ito'y naiintindihan mga mata'y kumikintab tuwing ika'y tinitingnan
matapos man itong gabi magdamag nama'y nasulit bawat oras sa'yong tabi sana lahat ay maulit











