Biktima ako ng pag ibig ng kahapon, ng pagkakalimot pag dapit ng umaga, at muling pagkakilala pagka dapit-hapon. Biktima ako ng atensyon mong nakakapawi ng uhaw ng humahapo kong puso. Isa akong deboto ng mga labi mong panlilinlang ang dinudura, at ng mga salita mong tila may pinupunla sa isip ko. Di ko namalayan nahulog na pala ako sa taong tawag ng laman ang kalaban, at kahit kailan hindi pa natutong manalo. #picsay #wednesdayHugot #huweBES #masakit (at Dulong Bayan, Cavite, Philippines)













