Eto talaga namiss ko. Ewan ko ba dito, di ko alam kung nasang planetang walang signal at hindi ata narereceive ‘yung mga text ko. Kaya nga akala ko tuluyan na ‘kong nakalimutan neto eh :( Kaya muntik ko na din syang tuluyang makalimutan. Kailangan pala maging pterodactyl muna ‘ko sa panaginip nya bago nya ‘ko maalala :( I’m not sure if it was last night o a night before last night nung naalala ko ‘tong babaeng ‘to. Sabi ko lang sa sarili ko..huuu ni hindi na nga ata ako kilala nung babaeng ‘yan eh. Tapos ayan napanaginipan mo tuloy ako hahaha! Totoo pala minsan ‘yung ‘pag naaalala ka nung taong, napapanaginipan mo! hahaha! Ikaw kasi! :(
On the other hand, this message just came in the right time. Ewan ko ba pagkadating ko sa bahay nadepress nanaman ako. The fact na 8PM na ‘ko umuwi at ang saya saya ko pa bago umuwi. Buti nalang Got to believe na at napasaya ako ni Joaquin Manansala! HAHA! Tapos etong gremlin binangungot ata kagabi kaya minessage ako hahaha! Sa sobrang miss ko sa kanya sobrang natuwa ako sa corny nyang panaginip :( I literally laughed. buti walang ibang tao nung binasa ko. Haaaay ‘yan talaga ‘yung namiss ko eh. ‘Yung simpleng bagay eh napapatawa ako nung babaeng ‘to. Sana nga kaklase ko sya hanggang makagraduate ako sa college kasi ewan ko ba makita ko lang muka neto buo na araw ko. Kumbaga sa buntis, sya ‘yung lagi mong gustong makita hahaha! Ewan! she’s just so irresistible na kahit inis ka na dahil sa kacornyhan nya di mo magawang mainis! Hahahaha! Seriously.
Haaaay Carla, hindi mo pa rin ako nakakalimutang pasayahin :( I miss you terribly than you could ever imagine :* xx