True Confession
May mga pagkakataon na darating na may mga bago taung makikilala. Sa love hindi mo alam kung syan na ba si "The One". Hindi mo alam na nakasalubong mo na pala sya. Yung tipong, tatawid ka ng kalsada tas may makikita ka pero may dadaang bus at pag wala na yung bus wala na din xa. Pwede ring, magkakasalubong na kayo pero kelangan mong itali sintas ng sapatos mo kaya hindi pa din kayo nagkita. Sobrang komplikado pero panu mo nga ba makikita ang taong nakalaan para sayo? Saan mo ba sya daapat hintayin? The question is dadating ba sya kung hihintayin mo lang sya ng wala kang ginagawang paraan?
Sa mundo natin ngayon, hindi lahat dapat nating i-asa sa "DESTINY". If you are destined to be with each other kayo talaga. May mga bagay talaga na dapat mong gawin, mga sakripisyo na dapat mong tiis, sakit na dapat ay hindi mo indahin. Pero panu kung nakita mo na sya, pero may kasama nang iba? Paano mo lalagpasan lahat ng mga bagay na dapat mong lagpasan?
Maraming tanong na sobrang hirap intindihin, mga tanong na hindi natin halos alam kung saan kukunin ang sagot. Pero panu natin malalaman kung tama ang sagot na inaantay natin? May tao bang magsasabi satin kung alin ang tama at kung alin ang mali?
Nagsimula ito nuong 2009, akala ko nung una wala lang, I met him sa isang social site for third sex. Nung una sabi ko, he is just an ordinary guy. As in wala lang. Walang kakaiba, walang bago. Isang normal college student sa isang school sa lugar namin sa Bulacan. Nung una parang nagdadalawang isip ako kung papayag ba akong makipagkita sa kanya because of our ages. He was too young that time. He invited me to have a drink somewhere in Bulacan with his friends. Hindi naman sya nahirapan na isama ako dahil sumama din ako kagad sa kadahilanan na gusto ko makilala sya ng lubos.
Habang nag iinuman kasama mga kaibigan nya, dun ko sya nakilala ng sobra sobra. Sya yung tipo ng tao na malalim pero madaling pasayahin. Hindi mahirap pakisamahan at mas lalong hindi mahirap mahalin.
After that very long day, nagkausap pa kami through phone. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang kami nawalan ng communication. Siguro dahil sa nawalan ako ng phone nun at ganun din sya? I didn't know exactly what happened.
After four years, naisip ko na lang bigla na magbukas at gumawa ulit ng account sa site kung saan ko sya nakilala. Tumagal ng three months bago ko nakita yung profile nya. (I forgot his profile name kasi). I tried na makipagkita ulit sa kanya, syempre una andun ung palitan ng numbers, nagkatext and at last nagkita ulit kami! Nagulat ako kasi ibang iba sya mula nung una ko syang nakita. Anong ginawa namin nung nagkita kami?
We both play the same sport (Volleyball). Varsity player sya ng college and a team captain. Habang ako varsity naman nung High school. Dun ko narealize na "wow! we have common interest!" Hindi na ko nagdalawang isip isama sya sa game namin to know him more. Hindi naman ako nabigo! Yun ung unang araw na naging masaya ako. Araw na hinding hindi ko makakalimutan.
After few more days, napapadalas na pag punta nya sa bahay. Lagi na kami magkasama. Sa pagkakatanda ko it was in April kasi yun yung araw na nag punta kami ng GROTTO CHURCH dahil holy week nun.
Sakto naman na pupunta mga tropa ko that day sa Grotto para mag alay lakad. So, I grabbed the opportunity para makasama sya. Yes! Hindi nya ako binigo dahil sumama sya! Ang saya nun db? Pero hindi dun natatapos yung sayang naramdaman ko. Dahil dun mismo sa GROTTO CHURCH, dun nya ako sinagot!
Ang laki ng nabago sa buhay ko mula nung naging kami. Yung mga bagay na akala ko hindi ko kaya ay kaya ko naman pala. Dahil alam ko na kahit anung mangyari, nasalikod ko sya at naka-suporta.
Tumagal din ng ilang months relasyon namin (walang FOREVER pero asahan nyo may LIFETIME! hehehe). Yes, you read it right! Ilang months lang kami. Pero we both decided na maghiwalay muna. Akala ko nung una ganun lang yun kadali kaya ako naman "oo" kagad ang sagot. Nung una medyo naging bitter din ako kasi mahal ko ee. Normal na siguro yun. Akala ko kaya ko pero dumating yung time na hinahanap hanap ko sya. Yung lambing nya at pagiging makulit na ni minsan hinding hindi ko makikita sa iba.
Habang ginagawa ko to ngayon, feeling ko mapapaiyak na ko. Kasi ngayon yung time na umamin na ako sa kanya na sobrang mahal ko pa sya. Pero kagabi lang naging sila. Hirap nu? Sa tingin mo sya kaya yung nakalaan para sakin? Sya kaya yung tao na habang nagtatali ako ng sintas ng sapatos ay biglang dumaan? Sya kaya si Mr.Right?














