UNTI-UNTING NALULUNOD
eto ay isa sa mga blog entry ko na isusulat ko ng tagalog, kaya lang naman ako nage-english madalas ay dahil pina-practice ko ang sarili ko, pero sa sitwasyong ito iba ang aking agenda. Magboblog ako hindi para practisin ang english ko kundi para ilabas ang mga nararamdaman ko. Mga nararamdamang di kayang i-direcho kaya nararamdaman kong magiging matalinhaga to.
Hindi ko alam kung saan nagsimula, basta ang alam ko e noong una naman e kuntento na kami sa pampang, sa mababaw, sa safe. Pero nag-iba ang ihip ng hangin. Na-violate na ata ang RULE #1: WALANG SALATAN NG PUSO. Isa-isang nasalat ang puso ng bawat isa. May umamin ng pagkakamali, may merong lihim na pagtingin, may usapang mahirap tuparin, hayyyy! ewan ko ba.
Binalikan ko ang mga nagyari, inisip, inalala at pinagbulay-bulayan, at eto ang mga naganap:
- kung di ako nagkakamali ako pala ang unang nalunod! e di ko kasi napigilan ang damdamin ko at na-fall ako kay Jes. Ang mali ko pa nasabi ko sa tropa at sinabing kong kasalanan ko dahil nagustuhan ko sya, e anlalakas manlagay ng tropa kawawa naman dahil parati nalang sya ang nalalagyan. Hoy! ikaw oo ikaw, kung alam mo na ikaw si Jes at mababasa mo to, gusto ko lang malaman mo na nag-enjoy ako kasama ka. Na gusto kitang makasama pa. Tsaka sorry talaga. (Eto yung version na alam ko kung bakit nagkailangan kami ni Jes pero recently may nalaman akong ibang version.)
- (Kwento ni Mamen version) Ang akala daw ni Jes na may gusto si Franz, at dahil nga tropa nag-give way daw sya. (Eto yung version na gusto kong paniwalaan.)
- Well enough of me, Si Mamen naman suffered a recent heartbreak, tapos dinamayan sya ni Juan. Sabi ni Mamen gusto nya si Juan, sabi ni Juan ganun din sya. Pero ang problema ay...
- Isa pa palang tropa ang umiibig kay Mamen. Inlove din pala sa kanya si Bro. Hindi ko alam na matagal na palang may gusto si Bro kay Mamen, basta isang araw sumabog na lang ysa bigla. Nagkailangan si Juan at Bro. Sa mga panahong ito e unti-unti nang nagkakagap ang tropa. Hindi ko ito gusto.
-Si Paps naman e hindi ko maintindihan, ok naman kami tapos biglang nagdadrama. Yung alam kong may gusto sya pero ide-deny nya sakin pero aaminin nya sa iba. Ang mali ko lang naman e naghanap ako ng mahihingahan, e katulad ko pala yun mag pagkamadaldal :p Pero walang problema sa kin yun :) So etong si Paps gustong kumalas sa tropa na feeling ko di naman dahil ako naman ang may kasalanan kaya feeling ako ang dapat lumayo.
Yang mga nakasulat e yan yung tingin ko sa mga bagay-bagay. kung may mali, pasensya opinyon ko po yan :)
Hindi ko gusto na nagkakalunuran sa tropa. Sabi nga ni Franz, ok lang naman e basta marunong kang magdala.
Mga tropa, tarana't umahon! mahirap sa malilim e.
Sana makaahon tayo.













