Bakit kaya ang hirap paniwalaan na importante ka din?
Sabi nila, lahat tayo may halaga. Lahat tayo may importanteng role kaya tayo nabuhay. Pero bakit may mga pagkakataon na pakiramdam natin hindi naman tayo mahalaga? Bibigyan kita ng halimbawa: Kaya kang tiisin na hindi kausapin sa loob ng isang araw kahit magkasama kayo sa iisang tirahan; Hindi ka kinukumusta kung ayos ka pa ba o nababaliw ka na; Kaya nilang tumuloy sa gagawin nang hindi ka kasama, kumbaga "di ka kawalan", ang presensya mo ay di gaanong mahalaga. Pero naisip ko, ito lang ba ang sukatan ng halaga ko? Kung ito lang, parang ang babaw ko naman pala. Kaso naisip ko din, baka may mga tao na dito din umaasa, na ito lang sapat na. Wala naman kasi sa simple o engradeng paraan para malaman mong importante ka. Ang kailangan natin ay maramdamang may halaga tayo, simple man o engrande, ang mahalaga masaya ka.













