Bakit pa nga ba lalaban kung alam namang sa bandang huli ikaw parin ang talunan?
seen from United Kingdom
seen from United Kingdom

seen from Malta
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States
seen from Italy
seen from Libya
seen from China

seen from New Zealand

seen from United States
seen from China
seen from Libya
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from India
Bakit pa nga ba lalaban kung alam namang sa bandang huli ikaw parin ang talunan?
Bakit sila ganun, yung tipong ginawa mo na nga lahat, pero humanap parin sila, bakit kulang parin?
Bakit kaya ang sarap matulog 'pag malungkot ka?
Aminado akong puyatero, minsan nga naiisip kong nocturnal ako kasi gising na gising talaga diwa ko kapag gabi pero isang beses na sobrang lungkot ko, 8pm pa lang tulog na ako. Bakit kaya no? May sleeping particles ba yung pagkalungkot para antukin ka? O dahil mas pinipili ng katawan mong 'wag maisip ang lungkot kaya patutulugin ka na lang. Galing siguro kung ganon, no? Buti pa yung katawan mo nagi-initiate na patulugin ka na lang kaysa malungkot ka di tulad nung mga nagpapalungkot kasi walang pakialam kung nasasaktan ka na nila. Sana din kapag ginising ka na ng katawan mo, wala na din yung lungkot. O kahit yung nagpalungkot na lang sayo yung mawala sa buhay mo.
Bakit kaya ang hirap paniwalaan na importante ka din?
Sabi nila, lahat tayo may halaga. Lahat tayo may importanteng role kaya tayo nabuhay. Pero bakit may mga pagkakataon na pakiramdam natin hindi naman tayo mahalaga? Bibigyan kita ng halimbawa: Kaya kang tiisin na hindi kausapin sa loob ng isang araw kahit magkasama kayo sa iisang tirahan; Hindi ka kinukumusta kung ayos ka pa ba o nababaliw ka na; Kaya nilang tumuloy sa gagawin nang hindi ka kasama, kumbaga "di ka kawalan", ang presensya mo ay di gaanong mahalaga. Pero naisip ko, ito lang ba ang sukatan ng halaga ko? Kung ito lang, parang ang babaw ko naman pala. Kaso naisip ko din, baka may mga tao na dito din umaasa, na ito lang sapat na. Wala naman kasi sa simple o engradeng paraan para malaman mong importante ka. Ang kailangan natin ay maramdamang may halaga tayo, simple man o engrande, ang mahalaga masaya ka.
Bakit kaya mahirap makuntento?
Isang buong araw akong nanood, naglaro, nagbasa, nagtrabaho, kumain, at natulog. Pero bakit may kulang? Iniisip ko kung bakit hindi ako nakukuntento. Bakit palagi akong may hinahanap pero hindi ko naman alam kung ano? Bakit kasi kailangan ko pang hanapin 'yon? Para sumaya ako? Para makuntento ako? Sigurado ba akong 'pag nahanap ko 'yon, wala na akong hahanaping iba? Baka likas lang talaga sa taong 'di makuntento, 'wag ko na lang siguro pansinin masyado.
Dear Kuya, 30mins mahigit na ang lumipas Ndi pa rin ubos ang slice of chocolate cake mo? Masarap ba yan talaga? #bakitkaya https://www.instagram.com/p/Bzc4urQHnb1/?igshid=12ztu3ccftnuj
Dear @starbucksph, Bakit po may big umbrella pa keo eh may bubong na naman po? Hahaha #bakitkaya https://www.instagram.com/p/Bzc3kV3H5C2/?igshid=1lbf8ymu8fqmd
Kung sino pa yung nakalimot sa iyo ang siya mo namang naaalala ng lubos.
Me