CHASE YOUR DREAM CKIDDO, CHASE IT!
Where it all started? Long post ahead.
Lahat nang ito hindi ko nakita 17 years ago, 10 years ago, 5 years ago... simple lang pangarap ko, sumayaw lang, makapag intermission, makapag intercollegiate dance competition (mapabilang sa isang competing team), hanggang sa nilubos ko na pangarap ko, mag represent ng isang bansa.
Nag simula lahat ‘to noong bata pa ako, indian dance lagi namin sinasayaw tapos lagi kaming champion way back preschool, time goes by and if im not mistaken grade 4 ako non sumali ako sa Cheering squad. Unfortunately hindi ako nakapasok sa audition nila. Pero nagkaron ako ng isang chance gawin ko lang daw yung stunt na yun (So inaral ko) baby freeze yung stunt na yun, na hanggang ngayon dala ko padin. HAHAHA.
So ayun, lagi ako best dancer, kilala ko sa pagiging flexible, naging team coach parang ganon kaya feeling ko ang galing galing ko talaga, so high school ako sasali na dapat ako sa mga street dancers sa school which is yung HCHS Street dance troupe, unfortunately nabuwag yung grupo na ‘yon so no choice, cheering squad ulit.
(Fast forward) ⏩ ⏩ So 2nd year high school ako (lumipat ako ng school) nung nag start ako mag urban wala akong ibang kilala kung hindi si Chachi, Ian Eastwood, Brian Puspos, Poreotics, Jabbawockeez at Quest Crew lang hahaha. Tapos ayon, naging best dancer padin ako so yung mindset ko magaling talaga ko, tho hindi ako mayabang haha alam ko yun haha bibo kid lang pero hindi ‘pabibo’ til 4th year parang monthly na kami may sayaw ganon, inaabangan kami pag nutrition month, lahat ng may mga intermission andoon kami haha, hindi pa naman uso mga famewhore noon pero sikat talaga kami “Danger Zone” name ng grupo namin. Shout out to Edrick, Bugs, Jiane, Khel, Jiane and Aki!
⏩ ⏩ College na, bago ako pumasok ng college unang course na gusto ko is all about dancing lang kaso sabi ni mama dapat daw yung makakakuha daw ako na diploma so nag IT Digital Arts ako sa FEU Tech, pero bago yun bakasyon pa lang, unang unang hinanap ko sa mga schools e yung mga dance crew I saw Salinggawi, Exude, and Cast (?) Kasi UST (family choice), FEU(my choice and tita), Adamson(Mama) yun. So ayun, sa Salinggawi kasi I saw that they only do folk dancing (hindi ko alam na may mga street dance din sa iba which is sa Project pax, Juvenile at iba pa) so choice ko nlng is FEU and Adamson pero sabi ko ayaw ko sa Adamson hassle kasi pag papasok, pero mas gusto ko lang din talaga yung FEU so ayun, sumali na ako sa group first term pa lang kasi siyempre galing na galing ako sa sarili ko, ngayon hindi ko alam may mga audition pala doon haha so nabigla ako kumbaga, bite dito, bite doon ng mga steps. Biruin mo ‘yon nag Team B pa ko.
⏩ ⏩ hanggang sa nakapasok na ako dito sa Exude Dancers, sobrang attitude ko noon as in wala akong inaattendan na training, hindi ako sumisipot sa mga practice kahit may event kami na sasayawan/salihan, dota dito, dota doon, gimik dito, gimik doon, at iba iba pang kasinungalingan ang ginagawa ko pag hindi ako umaattend ng training, kaya never ako naka experience ng intermission/events since 1st and 2nd term nung 1st year ako, until 3rd term dun ako nag start na mag active, I met new friends, and I entered new life dito nag bago buhay ko lalo nung ginawa nila akong officer.
⏩ ⏩ At ang pangarap ko na simula noon ay makapag intermission man lang or mapasama sa isang event ‘yon lang talaga, hanggang sa nag bunga ang pagiging masipag ko sa training, ikaw ba naman masingit mo pa conditioning at training bago matulog at pagkagising haha. Legit yan, namotivate kasi ako sa mga kabatch ko na lumakas talaga. Hanggang sa years din ako na puro lang intermission pero wala kong pinag sisisihan don, masaya ko promise. Hanggang sa napag isip isip ko na gusto ko din mag compete, maging Team A pero lahat pala hindi ganon kabilis, akala ko magaling na ako, sapat na yon pero hindi pa pala. Pawis at dugo yung kailangan mo ibuhos dito literal! Sakit at puyat. Pa konti konting nag babago yung takbo ng buhay ko dahil sa pag sasayaw, may mga time pa na ilang beses ako nag hintay, nag tampo, umasa at nabigao na maging line up na ng competing team (every time na mag aannounce sila ng bagong compet members) so shout out to Pressy/Nanay Danie Geli for not giving up on me and sobrang push niya sakin that time, hindi pa doon nag tatapos, meron pang tampuhan yung mga dumaan samin ng barkada ko noong high school dahil hindi na nila ko mayaya sa sobrang busy, maraming family events na ang hindi ko napuntahan, ilang beses ko na hindi nasasamahan sila mommy, tita, mama sa grocery at iba pa.
⏩ ⏩ After 2years, finally after lahat ng pag hihirap ko as a dancer, student and student leader. Mga sakit at puyat na pinag daanan ko, naging competing team ako ng Exude Dancers all thanks to God, Coach PJ, Nanay Danie and teammates :) Mga tao na nag silbing instrument para maabot ko 'to. Nag tuloy tuloy ‘to, hanggang sa napasali ang ilan samin sa main dance group ng FEU which is the FEU Dance Company.
⏩ ⏩ After so many college competitions *link here* (just checkout Exude and FDC labeled before the name of the competition), after being inspired to other crews outside school esp to the crews who are representing the motherland, doon nag start yung pangarap ko na makapag represent naman ako ng bansa, we finally made a decision to build a group that will represent the country someday, and Stump was built! |m| At dito nag sisimula ang panibagong yugto ng mga pangarap namin.
⏩ ⏩ So lahat ng maiisip mong struggle isa isa namin pinag daanan, and sinwerte kami sa unang compet namin which is yung Elite International Dance Championship, we bagged 2nd runner up, and dun nag tuloy tuloy yung mga puso namin na lumaban pa lalo. After 1 year, grabe bago at pinalakas na family yung bumungad samin, at eto na nga lalo na kaming napapalapit sa mga pangarap namin, luckily we are qualified to represent the PH (FINALLY!! THIS IS IT!!) for World Supremacy Battlegrounds 2017 in Sydney, Australia! Dati concert concert lang kami, intermission.. ngayon eto na kami na nag oorganize mismo. Dati nanunuod lang kami concert ng mga mag cocompet din international, yung mga fundraising concert nila, ngayon kami naman...
⏩ ⏩ October 5-8 World Supremacy Battlegrounds, guess what? We made it!!! Silver medalist of World Supremacy Battlegrounds 2017!!!!!!!! Dreams really do come true!!!! You just have to chase it, move forward, always remember why you started, everything is a step by step process!!











