12-07-2023
Para lang may mababalikan at mababasa ako pag naaalala ko na may tumblr ako, life update:
I got Married!
To commemorate lahat ng post ko nung M.U. (Mutual Understanding) palang kami nung 2011 to 2012, pati narin yung update ko nung naghiwalay kami pag ka-college niya, up to muling nagkita, at naging M.U. ulit (Magulong Usapan), hanggang sa naging kami na officially (at ulit) at ngayon nagpakasal na!
I did not expect na dadating ako sa ganitong moment ng life ko. Lagi ko blina-blog dito sa tumblr at even iniiyak during our walwal days ay bakit hindi ako nagkaka-lovelife, kung may problema ba sakin at mahirap ba ako mahalin. Yun pala kelangan ko lang maghintay ng sooobrang tagal at maging patient kasi darating talaga. Thankfully walang spoiler at naghintay talaga ako! As a girly na walang pasensya sa mundo, ang amazing na nagawa ko hindi magmadali. One of the best decision I have ever made. Ngayon, isa narin siya sa best decision ko.
Masasabi ko na this is a love story na I would love to tell my children at I hope a love story my children will get to tell my grandchildren.
Grabe, super roller coaster naman namin. Who would have thought talaga na kami rin pala sa huli kahit anong ikot ng mundo.









