Dear RYD
I know sobrang late na pero gusto ko lang batiin ka ng maligayang kaarawan. Masyado lang marami nangyari ngayon kaya di ko sinasadyang nakaligtaan ang iyong kaarawan pero alam mo naman na kahit di kita nabati ay lagi ka nasa isip ko kapatid. Wag ka sana magalit or magtampo dahil dito. Alam mo naman isa ka sa permanenteng tao sa buhay ko. At wala sa akin isip ang sadyain na ikaw ay kaligtaan. Sana ay maging masaya ka sa mga susunod na panahon. Ako ay lagi nagrito para sayo sana ay wag ka magatubili na kausapin ako tulad ng dati alam ko di tayo gaano nagkakausap lately pero alam mo naman na ako ay narito lang para sayo. Mahal kita kapatid magingat ka lagi.

















