SP002: make the world know (you're my girl)
Pairing: Jenica x Jeremy from You Make Me Sick
Other Characters: Lorraine
Prompt: Jealous Jenica
Merry Christmas and happy holidays! Ito na yung promise kong special ficlet sa inyo. Thank you for reading and loving YMMS, especially for being patient in waiting for this ficlet. Enjoy! 🫀
Minsan hindi makapaniwalang boyfriend na ni Jenica ang taong kinamumuhian niya. He also happens to be one of the most attractive doctors in the hospital. It feels like a blessing and a curse.
Jenica and Lorraine are walking to the cafeteria for their lunch. Jenica spots a familiar built at the entrance of the cafeteria. That was her boyfriend talking to a really attractive and sexy female doctor. The woman was chuckling and caressed Jeremy's biceps, which made Jenica's stomach flip. She caught Jeremy smiling at the lady. Now, she wants to throw up so bad.
As much as she wants to grab the lady by her hair, she stopped herself. Hindi siya pwedeng magpaka-squammy dito sa ospital ngayon at baka matanggalan pa siya ng trabaho. But she can't deny that it didn't feel good watching him laugh with someone prettier than her. It made her feel sick.
Nilagpasan na lang nina Jenica at Lorraine ang dalawa. Hindi na lang ito pinansin ni Jenica. Baka pagkain lang ang sagot sa nararamdaman niya. Sana nga, pagkain lang.
Nakakuha na sila ng pagkain at lahat-lahat, hindi pa rin maipinta ang mukha ni Jenica. "Teh, ayos ka lang ba? Ayaw mo ba nung pagkain mo?" tanong ni Lorraine.
Kunot-noong umiling si Jenica. "Wala 'to. H'wag mo na lang pansinin." Kumain na si Jenica kahit na masama pa rin ang loob niya. Kanina pa niya inaabangan si Jeremy na pumasok sa cafeteria.
She thought that when he sees her, he would immediately follow her inside. Boy, she thought wrong. A few minutes later, pumasok na sa cafeteria yung kanina pa niya hinihintay. She looks like a lovesick puppy with what she's doing and she doesn't care anymore. Si Lorraine lang naman ang nakakakita sa kanya.
"Ay, kaya pala parang nagusot 'yang mukha mo, teh!" sabi ng kaibigan niya.
"Kilala mo ba yung kausap niya kanina?"
Napatigil sa pagkain si Lorraine at napaisip. "Isa yata 'yon sa mga bagong intern na doktor. Hindi ko lang alam kung anong specialization no'n."
Tumango-tango si Jenica. Napansin niyang naglalakad papunta sa kanila si Jeremy kaya umiwas na siya ng tingin dito.
"Ay, papunta na rito si Sir Dok! CR lang ako," paalam ni Lorraine. Pipigilan pa sana ni Jenica ang kaibigan pero hindi na siya nakaangal pa.
"O, saan pupunta 'yon?" bungad ni Jeremy sa kanya.
"CR," maikling sagot ni Jenica.
Nilapitan ni Jeremy si Jenica para halikan ang pisngi niya pero umiwas lang siya. Alam na nito agad na may problema. "Ryl, what's wrong?" malambing nitong tanong. Nang hindi niya pansinin ang lalaki ay hinawakan nito ang baba niya saka iniharap sa kanya. "Baby, tell me what's wrong."
"Wala."
Jeremy kissed her hand. "Come on. It's obvious you're angry. Please tell me what I did to upset you," paglalambing niya. He ended it with another kiss on her hand.
Come to think of it, Jenica thought it was ridiculous this time. Mas lalo lang siyang nahiya sa inasta niya dahil lang sa selos. Ang pangit pala sa pakiramdam ang magselos. "Pagtatawanan mo lang ako kapag nalaman mo," nahihiyang sabi ni Jenica.
"What is it then?" He was still holding her hand, never letting it go unless he's sure that she's already pacified.
She let out a thin sigh. "Ang gwapo mo kasi masyado," reklamo ni Jenica. She could see him smirk from her peripheral view.
"And what about it? This handsome face is yours." She rolled her eyes at how good he was with his words.
Pumasok sa cafeteria yung babaeng kausap ni Jeremy kanina sa labas ng cafeteria. Bumalik na naman ang hindi maipintang mukha ni Jenica. That was when Jeremy understood what was happening.
He stole Jenica's attention by holding her chin and making her face him. "You are the most beautiful woman in my eyes, kahit na gusot na gusot na naman 'yang mukha mo. Ikaw ang mahal ko, Airylle Jenica de Leon, soon-to-be Ylagan." He ended his spiel with a kiss on the forehead. "Don't be jealous anymore, hmm?"
Jenica's face softened. It felt like all her jealousy faded away. He sure knows what to say. Hindi nito alam na isang halik lang sa kanya, mawawala na agad yung selos na nararamdaman niya.
Oh, to be loved by Jeremy Ylagan is probably the best feeling in the world.
"Are we okay now?" he asked. Tumango naman si Jenica. "Alright, I have to go now. Liam is probably looking for me."
"Hindi ka ba kakain ng lunch?" Jeremy smiled at how she worried about him. It's the most adorable thing for him in the world.
Umiling ito. "Kumain na ako, Ryl."
"E anong ginagawa mo rito sa cafeteria?"
"I just made sure you'd actually have lunch. I was actually waiting for you earlier then I bumped into one of the interns." Ahhh, maybe that girl from earlier. "Sige, kain ka na. I'll see you later."
"Alright. See you later."
Jenica watched him walk towards the cafeteria door. Halfway from the door, he turns back again and shouts, "I love you, Jenica!" She was so stunned at his loud proclaimation that even the entire cafeteria heard it.
Now, everybody's staring at her. Jeremy just stood there like he was waiting for something. When she didn't say anything, Jeremy repeated, "I love you, Jenica!"
Ramdam na ramdam na ni Jenica ang pagtaas ng dugo niya sa mukha. Sobrang namumula na siguro siya. Paano ba siya hindi mahihiya nito e lahat ng tao sa cafeteria, nakatingin sa kanya?
"Argh! Just say it back already!" Lorraine complained, coming back from the restroom.
Iyon ba yung hinihintay ni Jeremy? "I love you, too," mahinang sabi ni Jenica.
"Hindi kita marinig."
"Sabi ko... I love you, too!" frustrated na sigaw ni Jenica.
"That's more like it," he said like he's so proud of his girl. Nakangiting naglakad palabas si Jeremy. Samantalang naiwang namumula si Jenica.
"Hay nako. Ang lalandi!" komento ni Lorraine.









