Day 95/365 : Takipsilim Kapag ako ay nasa dalampasigan, ang bawat paglubog ng araw ay palagi kong inaabangan. Nais kong masilayan ang ganda na hatid ng araw bago balutin ng dilim ang kalangitan. Napakagandang pagmasdan, ngunit ang hatid naman nito ay kadiliman. Matatapos ang liwanag, babalutin naman ito ng dilim, ngunit di matatapos ang pag-asa para sa sanlibutan. Sana ay huwag matakot sa dilim, sa gitna ng gabi na puno ng kakahuyan. Kung saan malapit sa panganib at walang makapitan. Kahit anumang pagsubok iyong malalapasan. Darating ang liwanag magtiwala lang at iyong abangan. Magpapakita itong muli sa tamang oras, at ang pag-asa na ating hinihintay ay sa wakas makakamtan. #frenythought #onlyfrenylixus 📸 © #ynerf #lightroomph (at Tawhai Floating Bar)












