Day 41/365 : Birthday Cake Inabot na ng dilim sa daan, pauwi na lang huminto pa sa tindahan. Bumili ng cake wala akong kaalam alam. Hindi na nakakain ng hapunan kaya natulog na lang. Naudlot ang pagsurpresa kaya inabot na ng umaga. Wala akong magandang reaksyon, pero masaya ako at normal ko na yon. Sa totoo lang wala naman akong hiniling sa mga oras na yan nung hinipan ko ang kandila. Sa tingin ko wala na akong mahihiling pa kundi kaligtasan lang ng bawat isa. Nagpapasalamat ako sa mga taong naalala ako sa kaarawan ko, sa mga taong gusto akong pasayahin, at sa mga taong nagmamahal sa akin. Thank you God for another year, salamat kasi di mo kami pinapabayaan at lagi mo kaming pinagsasama sama at pinagtitibay ang aming pamilya. Salamat sa mga kaibigan na laging nandiyan in good or bad times, salamat sa mga taong nagstay at nagtiyaga sa ugali kong hindi maipinta dahil diyan nakilala ko kung sino talaga ang tunay kong kaibigan. Hindi man dahil sa paghipan ko ng kandila mula sa birthday cake kung matutupad ang wish ko, hindi naman ako humihiling na magkaboyfriend ako, hindi ako humihiling na maging mayaman, ang hiling ko lamang ay para sa kabutihan ng pamilya ko. Maraming maraming salamat sa lahat. #February #itsmybirthday #onlyfrenylixus #febnine #ynerf #thankful #thankyouGod (at Raymen Beach Resort Guimaras)









