Letter #1036:
Dear yougotchaarmed
Gusto ko lang malaman mo na naandito lang ako at nasasaktan ako kasi nasasaktan ka ngayon. Pero kahit nasasaktan ka hindi ka nagbabago masayahin ka pa din kausap. Charm, hindi mo ko kilala. Pero ako kilalang kilala kita. T'wing nagbabackread ako sayo, pakiramdam ko kilalang kilala na kita Charm. Huwag ka ng malungkot kasi may nalulungkot dahil nasasaktan ka. Huwag mo ng sisihin yung sarili mo, nangyari na, wala na kayo. Tama na… Hindi man siya yung para sayo, lumingon lingon ka lang… baka makita mo kung sino talaga yung makakaiintindi at mamahalin ka higit pa sa ginawa niya. Tanggapin mo na lang na hindi na talaga kayo pwede para hindi naman mahirapan yung mga gustong pumasok sa buhay mo… Mabait ka, nakakatuwa magbasa ng sagot mo sa mga anon mo, matalino, talented, sobra magmahal, at maganda. Napakaswerte niya pero mukhang hindi niya talaga nakita yung halaga mo kaya kalimutan mo na lang siya sige na. Nasasaktan ka lang kaka-asa sa kanya. Wala akong balak magpakilala, sorry. Masaya na ako kung mababasa mo to. Sana wag ka ng malungkot. Magpatuloy ka pa sa pagiging masayahin mo at kahit madalang na kitang makitang nagpopost ngayon, naandito lang ako Charm. Wag ka ng malungkot please. Kaya mo yan. Lahat naman tayo nasasaktan. Pero lahat din tayo malalampasan yung pinagdadaanan natin ngayon.












