minsan gig | @anaventurer + @aequorvoid | may 2026
special mention kay @kondensada! lovely to see you 🙂↕️🤍✨
na-late ako kasi may humabol na walk-in patient, kaya ayun di ko narinig the bloomfields tumugtog D: wala na akong nakumpletong gig amp. ayon, di ko tuloy narinig live yung "Ale". narinig ko sa labas ng venue, patapos na hahuhu pinagkait ng tadhana eme.
medyo inis lang ako sa utak ko kasi kilala ko naman yung mga artists/bands sa lineup, kaso di ko maalala mga kanta at lyrics nila. kaya ayun, parang first time ko narinig lahat. may wow factor, pero may frustrated side din kasi shutang depressed na utak 'to. kinalimutan halos lahat hahaha!
ramdam ko nang hindi pang-18y.o. yung katawan ko, kasi pagod na ako kahit pa nakaupo lang akong nanonood ng gig wao. di ko na kaya energy ng mga younger gen z's. pero sheeet Amiel Sol!!! omsim ka talaga. also Jensen and the Flips!!! walang kupas 🙂↕️
post-gig state: non-verbal na ang mga accla. nagpalipas na kami ng oras + nagpababa ng fare sa InDrive sa may Tomas Morato. nag-people watching din ng mga wasted club-goers haha!
kailangan ko kumayod nang extra, kasi mukhang gig year ko ata 'to. pambawi sa mga na-miss kong gigs after 2018. also, nagbabalik-loob ako ulit sa opm artists/bands 🤍
see you sa ber months na, ha? eme. not eme. eme talaga. unless.
👀😝🤍















