Bagong alak sa lumang sisidlan.
Wala daw nakainom ng alak na luma na umibig sa bagong alak dahil mas mabuti ang lasa ng luma.
Tulad rin ng:
• patuloy ang kurapsyon dahil masarap maging mayaman
• patuloy ang matataas na baha dahil mas madaling magtapon ng basura kung saan-saan
• patuloy ang kakulangan sa mga guro, doktor, inhenyero, nurses (atbp) dahil mas malaki ang sweldo sa ibang bansa
• patuloy ang katabaan dahil mas masarap kumain
• laging bagsak dahil laging late o laging absent
• namamanhid na dahil paulit-ulit na lang ang lahay
Matatapang ang mga nagsisimula at nagsimula na ng pagbabago. Hiling lang ng pusong may pakialam, ipagpatuloy kung alam na may kahahantungan na magandang resulta. Huwag matakot. Madami rin sigurong gusto magbago pero hindi sigurado dahil sa seguridad na nararamdaman sa nakasanayan.
Yes, you can't teach an old dog a new trick, but we can be a new dog with the best trick.