So ayun nga, he gave me my attitude when I'm mad and naiinis. It was really frustrating pala not to know why naiinis yung isa. Hahaha. Ayaw niya pa talagang sabihin sa'kin kung bakit, eh. Paano napaka babaw nga naman. He knows na mababaw kaya lalong ayaw sabihin. Men's ego!
Nahulog kasi si Yusay sa hagdan kagabi, ayun napilayan. Eh, iyak ng iyak, natural lang na I'll attend to her and siyempre i-comfort. Sabi niya, "Ang OA-OA niyo naman kasi. Magheheal naman ng kusa 'yan. ' Di naman kailangan na aluhin pa ng aluhin. Konting iyak aalo agad.", then he added, "Tapos, alam mo na ngang hindi sumusunod sa'kin pinapamukha mo pa. Alam mo na ngang ayaw sa'kin, eh." blah blah blah~ Hahahaha! I wanted to laugh at that very moment. Selos na selos talaga sa'kin si toyo. Haha. Ang ending dito na siya natulog sa bahay kaya nasabon siya paguwi. Kaartehan din kasi, eh.