23rd. Thank you, Tumblr. Goodbye and goodnight.
Mike Driver
Game of Thrones Daily
ojovivo
noise dept.

No title available
Cosmic Funnies
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
The Bright Sessions

Love Begins
NASA
KIROKAZE

if i look back, i am lost
🪼
Today's Document

shark vs the universe
hello vonnie

oozey mess

titsay
almost home

Origami Around

seen from Australia

seen from Indonesia

seen from Malaysia

seen from United States
seen from Italy
seen from United States
seen from Australia
seen from Brazil

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from Indonesia

seen from Canada
seen from Italy
seen from Brazil
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Netherlands
seen from United States
seen from Germany
@tagapagsulat
23rd. Thank you, Tumblr. Goodbye and goodnight.
Iniayos ko ang polo na iyong suot. Dinampian ng mga kamay na ito ang kwelyo na para bang huling haplos. Hinatak nang bahagya ang laylayan at manggas. Hinawi ang buhok na kortinang palamuti sa iyong mukha at mga matang nagmamasid sa nakapinid na pinto. Nakaturo na ang sapatos papalayo. Isa-isang isinara ang mga butones. Ipinaalala sa 'yo ang parating paalala sa mga umaalis.
Hindi sa ganitong mga salita kita gustong maalala. Ngunit, mas minabuti kong sa ganitong paraan kita huling maaangkin.
Natutunang manakit pero, hindi inalam kung paano maglunas.
Gabi-gabi kang bumibisita kahit na araw-araw ka ring nawawala.
Tinatalikuran ang dapat hinaharap samantalang mas hinaharap ang matagal nang dapat tinalikuran.
Mas madalas nating ipakita ang walang hanggan sa paningin ng taong bulag.
Salamat kay Yopop [na kasama ko dating mag-yosi at kakwentuhan tungkol sa tangang gobyerno na meron tayo] sa pagbabahagi. Pakikiramay para kay Mang Abner na parati kong tinatanaw sa madaling araw, malakas man o mahina ang ulan habang nasa sulok ng trianggulo.
(click click alt)
hope your days get softer from here on out. hope the hurt lessens and the dark turns to light. you deserve gentleness and good love. I hope it finds you soon.
seener ka ba?
Yes po, makasalanan po.
Isang araw, gusto mong pumanaw.
Isang gabi, ayaw mo na ulit magising.
Nalingat ka sandali, gusto mo ng kape.
Nalingat ka sandali, gusto mong manood ng sine.
Nalingat ka sandali, gusto mong pagmasdan ang mga puno sa parke.
Nalingat ka sandali, gusto mong bumiyahe.
Nalingat ka sandali, gusto mong makipagkilala ulit o ipakilala ang sarili, bukod sa pangalan na iniregalo nang wala ka pang muwang at pansamantalang paslit.
Ganito ang pagdalumat sa buhay. Ganito mo minsan kakaibiganin ang kalungkutan. Ganito mo ibubulong kay Kamatayan na maglagi siya sa ano mang oras niya gustuhin ngunit, ibibilin mo ring hayaan ka niyang maghanap ng dakilang kahulugan ng pag-ibig.
(Pasintabi't paghahalaw mula kay r/duckbunny)
"Napalaki ko ba kayo nang maayos?" ika niya.
"Hindi mo lang kami napalaki nang maayos, napalaki mo kami nang mabuti," sambit ko.
(Modesty aside. Maligayang Araw ng mga Ina at ganoon din sa mga katulad mong uliran.)
Makasarili tayo sa mga kwentong ginagamit natin.