Si Mark Deries Medrano, mas kilala sa tawag na N3. Ang Brigade Operations Officer ng Batch 41′ Class Masikhay 15′. Ang nagpunas ng uhog ko nung panahong nagluluksa ako sa pagkadurog ng puso ko! CHAROT! Bestfriend ang turing ko dyan. Kahit para sa kanya isa akong Clingy at Makulit na babae LANG na nilalandi sya. Binibiro ko lang naman sya e. Hindi ko naman syang gustong landiin. Nung mga panahong sobrang durog na durog ako sya yung kinapitan ko. Sa kanya ko sinabi lahat ng sakit. Alam nya lahat ng problema sa bawat ngiti kong yun. Hindi nya ako iniwan kahit na nagkagusto ako sa kanya. Oo, naging awkward pero bumalik agad yung dating kami. Ngayon nga e, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa kanila ni ‘BEST’ nya. siguro dahil nagseselos ako bilang bestfriend nya. HAHAHA. Niloko ko? Nagseselos ako kasi fallen ako? Aw. Si N3 na talaga ang ideal guy ko. Kumportable kasama. Kung may gusto man akong pakasalan? O makasama habang buhay? sya na yun. Sabi ko nga sa kanya. “10 years from now, 26 na tayo nun. Magkakaroon ng reunion. Magkikita-kita tayo? Hahanapin kita. sayo ko gustong ikasal. Sayo lang.” Sabi ko “Kung noon, Kay p1 ko nakikita ang sarili kong ikinakasal, sayo ngayon.” Sabi nya magbabago pa daw yon. Ewan basta ang alam ko kung papipiliin ako ng taong pakakasalan si N3 yon, hindi man siguro sya mismo, COPY-PASTE dapat ng ugali nya. HAHAHAHA. Imposible kaya sya nalang. Mahal ko yan e.

















