wallacepolsom
Mike Driver
Sade Olutola
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

roma★

titsay

oozey mess
NASA
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Misplaced Lens Cap
tumblr dot com
Xuebing Du
Sweet Seals For You, Always
Jules of Nature

⁂
DEAR READER
almost home

if i look back, i am lost

izzy's playlists!
seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from Türkiye
seen from Germany
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from Argentina
seen from Japan

seen from United Kingdom

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Canada

seen from Japan

seen from Türkiye
seen from Germany
@thebibliophilelady
- Leo Christopher
To all the front-liners who are sacrificing to make us safe and assuring that the recovery rate will increase, we salute you and we pray that you will be blessed with more strength to fight this invisible foe.
" He's always right by my side, that's why I thought that I shouldn't fall for him."
"Ghorge, I'm sorry but,... I'm breaking up with you"
"I'm breaking up with you"
"I'm breaking up with you"
"I'm breaking up with you"
HEP! PAULIT-ULIT?! UNLI LANG?!
"I'm breaking up wit-"
SIGE! ITULOY M! BAKA GUSTO MONG MAKITA NA LANG ANG BANGKAY MONG PALUTANG-LUTANG SA ILOG PASIG!
[A/N]: '^_^V
Haaaay,...pang-ilan na ba 'to? Wala na ba akong magiging matinong relasyon? Everytime I thought na okay na, tsaka naman nagkakaproblema.
They always say na mabait naman ako and they find me sweet pero isn't it enough? ANO BANG PROBLEMA?!! Bakit? Panget ba ko? Kapali-palit ba ko? WHY???
Oh well, at times like this isa lang naman ang matatakbuhan ko.
*opens door
"I'm here." bati ko na walang kagana-gana.
" Ghorge ano bang pinag-gagawa mo?! Tama ba namang sumususlpot ka na lang sa kwarto ng may kwarto? At worst sa kwarto pa ng lalaki?" mahabang litanya ni Mithc sa akin.
" Sabi kasi ni Tita Roselle nandito ka daw," sabay lapag ng bag ko sa study table nya. " tsaka para ka namang bago ng bago, eh lagi naman akoong pumupunta dito sa kwarto mo. For pete's sake, mula bata magkasama na tayo! Ano bang inaarte mo?" reklamo ko sa kanya habang nakahiga sa kama nya. Nakatinging lang s'ya sa aking ng may pagkairita.
"Haay, malala ka na! Ghorge, di na tayo bata no! Tsaka can't you give me some privacy?" patuloy ang panenermon nya habang nakupo sa couch sa kwarto nya.
Inirapan ko na lang sya. Ang arte daig pa babae! DUH!
"Ano bang problema?" biglang nag-iba ang tono ng boses nya. From a priest na puro sermon, naging soft and caring ang tono nya ngayon.
Nanantili lang akong natatitig sa kisame at hindi tinugon ang tanong nya. Iniisip ko kung paano ko ikukwento sa kanya ang nangyari. Sigurado sermon na naman ang aabutin ko nito.
"Maria!" winawarningan na nya ko. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam kong nakataas na ang kilay nya at naka-cross ang mga braso nya. Ganyan sya pag nagsisimula na syang magalit sa'kin.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako pumaling ng higa at hinarap sya. Tinignan ko sya sa mata at halatang naainip na sya sa sasabihin ko.
"Tell me, I'm listening." Haaay,...kaya nga sya ang best friend ko eh, he's understanding and willing to help pag kaya nya and he's a good listener too.
Pumikit muna ako sandali bago nagsalita.
" He broke up with me." nakapikit pa rin ako habang sinasabi iyon. Ayokong makita ang expression ni Mitchel. I know naawa na naman sya sakin. Pang-ilang beses na ba kasi? Lagi na lang akong iniiwan.
Naramdaman kong may kamay na nakapatong sa ulo ko. Pag mulat ko nakita kong nasa harap ko na pala si Mitch.
"Pang-ilan na to?" tanong nya sakin habang nakatitig sa mga mata ko. I can't distinguish the emotion in his eyes. Galit? Awa?
Iniiwas ko ang tingin ko sa mga mata nya. " Pang-apat." Mahina kong sagot. Nahihiya na ko sa kanya. Lagi na lang nyang nakikita how miserable I am padatinng sa love.
"What is it this time? Anong nagustuhan mo sa kanya?"
Tumayo ako mula sa pagkakahiga bago sya sagutin.
" Hmmm...perferct kasi yung height nya for me."
Nabanggit ko na noon kay Mitch na ang gusto ko sa isang ay yung mas matangkad sakin. Hangga't maaari ayoko ng ka height ko. Nakakadagdag kasi sa appeal ng guy ang height.
Nagulat ako nang hilahin ako ni Mitchel patayo.
"Kasing laki ko ba sya?" tanong nito habang ang isang kamay nya ay nasa ibabaw ng ulo nya na parang sinusukat ang height nya.
May kung anong kakaiba sa pagkakatanong nya kahit normal lang naman yung binato nyang katanungan kaya di ako nakasagot agad. At medyo naiilang ako sa distansiya na meron kami ngayon. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na malapit kami sa isa't-isa at nakatitig sya ng mabuti sakin pero di ko maiwasan ang pagkailang.
Pinilit kong wag tumitig sa mga mata nya.
"Uhmmm... medyo, parang mas malaki ka pa nga ng konti." Sagot ko.
"Bakit di na lang ako?" halata sa boses nito ang pagiging seryoso.
That caught me off guard. I never expected that one.
Seryoso pa din syang nakaktitig sakin. And I don't know what to say.
SPELL AWKWARD!
H-U-N-T-E-R M-I-T-C-H-E-L
Nahampas ko tuloy sya ng wala sa oras
"Ano ka ba, puro ka kalokohan eh! Hay nako gutom lang yan, halika kain tayo sa baba. Nakita ko nagbe bake ng cookies si tita." agad naman akong nagmadaling lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Bakit ganon? Bakit ako biglang nailang kay Mitchel? I used to stand too close to him pero yung kanina. Hay ewan! Puro naman kasi sya kalokohan eh!
Nasa kusina na kami at nagmemeryenda. Super bait talaga ni tita Roselle. Everytime na nandito ako sa kanila di ako pwedeng umuwi ng di busog.
"Teka, tuloy ba ang overnight nyo sa isang araw?" tanong ni tita Roselle. Kapag malapit na kasi ang exams lagi kaming nagoovernight study ni Mitchel. Tinuturuan namin ang isa't-isa sa mga di namin maintindihan.
"Uhm,....opo." sagot ko. Pero may konting awkwardness pa din dahil sa incident kanina. Actually never na kaming nagimikan ni Mitch after naming bumaba.
After naming maubos yung binake na cookies ni tita nagpaalam na akong uuwi at as usual hinatid ako ni Mitchel sa amin. Isang kanto lang naman ang layo ng bahay namin sa isa't-isa.
Tahimik kaming naglalakad nang bigla syang nagsalita.
"Ghorgeena, you know, physical attraction is not love." Sabi nya habang nakapoker face.
"What do you mean?" ay pagtatakang tanong ko.
"Isipin mo, sa mga past relationships mo, bakit mo sila nagustuhan?"
Napaisip naman ako.
"Si James nagustuhan ko kasi he looks so manly with those muscular arms. It gives me the feeling that he can protect me from anything. Si Alex namaan, everytime he says what he feels, he says it while staring at me with those straight forward eyes at si Mark, he's tall that's why I like him." Pag-eexplain ko.
"What if wala sila nung mga characteristics na sinabi mo? Do you think you'll still like them?"
Natahimik ako't napaisip, kung ganoon nga, tingin ko hindi. Tingin ko di ko sila mapapansin.
"See?" bigla naman akong natigil sa pagiisip ng magsalita syang muli.
"Ghorge, love is not based on physical appearances. It's based on what you feel towards the person. Alam mo bang pag mahal mo ang isang tao na maraming dahilan, marami ding dahilan kung bakit mo sya iiwan. But if you love a person unconditionally, that is true love." Sinabi nya sa akin iyon with straight-forward eyes. It seems like parang alam na alam nya ang sinasabi nya. Nawindang ako sa mga pangyayari, sa mga sinabi nya, this is the first time na makita kong syang ganito.
Pero mas kinabigla ko nang bigla nya akong hilahin at yakapin.
dug dug dug dug
A-ano to? Bakit ganito?
Nagugulluhan yung utak ko sa ginawa nya. Gusto kong itulak sya palayo at batukan pero di nag fa-function ng maayos ang sistema ko. I feel comfortable. I feel protected.
"Don't rush yourself in love." then he reuffled my hair. " Baka sa pagmamadali mo, di mo na makita yung dapat para sayo. Yung taong mamahalin ka despite of all your flaws. Yung kahit na walang anomang maganda sayo. The one who'll love your perfect imperfections."
Speechless ako. I tried but I can't utter a single word cause I can't think of anything to say.
Maya-maya pa'y humiwalay na sya sa akin at nginitian ako.
"Pano, una na ko, nandito ka na rin naman eh!" sabay turo sa likuran ko.
Di ko man lang namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
Paglingon ko naman sa kanya, nagalalakad na sya palayo. Di ko man lang nagawang magpaalam sa kanya. Ang weird ng bestfriend ko! >.<
Pero mas weird ako kasi nakakaramdam ako ng awkward feeling towards him na di ko naman nararamdaman sa kanya dati.
We even slept on the same bed nung mga bata pa kami. Wala naman kahit anong malisya sakin yun kasi bestfriends kami tsaka sanay na ko na may kasalamuhang lalaki kasi puro lalaki ang mga pinsan ko na ka-close ko. Sila yung mga kasama kong lumaki.
Hindi ako agad nakatulog ngang gabing yon. Dahil na din sa nangyari samin ni Mark kanina. Yung break-up scene namin. Yun nga ba o yung samin ni Mitch?
AISH! Pasaway ka Mitchel! Dumadagdag ka pa eh!
******
" Uy Ghorge, okay ka lang?" tanong sakin ni Lyra, isa sa mga close kong classmates.
"Oo naman." walang ganang sagot ko.
Waley ka Ghorge di papasang pang FAMAS ang acting mo! Halata namang hindi eh!
"Narinig ko yung nangyari sa inyo ni Mark." may pag-aalalangan sa boses nito. Hindi ya sigurado kung i-oopen ba nya yung topic na yon.
Napabuntonng-hininga na lang ako. Pag naaalala ko yung nangayari, di ko mawasang di masaktan.
"Bakit di na lang kasi si Hunter?" biglang tanong naman nito. Nagulat na lang ako nang nakupo na sya sa upuan sa harap ko, di ko man lang napansin. Pero ano yon? Ano yung tanong nya?
Halata sigurong confused ako sa tanong nya kaya naman inulit nya yung tanong nya kanina.
"Bakit di na lang kasi si Hunter? Mabait naman yung tao, matalino tsaka gentleman! Nagtataka nga ako kung bakit sa haba ng pannahon na magkakilalal kayo eh hindi kayo nagkagustuhan." dagdag nito habang nakatunghay sakin.
Bigla kong naalala yung tanong ni Mitch sakin nung nakaraang araw.
"Bakit di na lang ako?"
Seryoso sya nung tinatanong nya yun.
Ilang beses na kaming napagkamalan na may relasyon dahil lagi kaming magksama at sweet sa isa't-isa. Hindi na lang namin pinapansin yung mga sinasabi nila. Alam naming dalawa na bestfriends LANG kami.
Oh ako lang ang nagiisip non? Pano kung sya pala may...
AISH! Masakit sa ulo!
Basta sakin, di pwedeng mangyaring magkaroon kami ng relasyon, para na kaming magkapatid eh, pag nangyari yun, INCEST yun!
There's no chance na umabot kami sa point na yun kasi bestfriends lang kami, kasi yun kami. Iyon ang dapat!
Oh yun lang ang akala kong dapat?
Natigil ako sa mga pinagiisip ko nang mag-vibrate ang phone ko. For unkown reason kinabahan ako nang makita ko kung sino ang nag-text.
Tignan mo nga naman, parang kanina lang sya yung topic namin.
From: Mitch
Una ka na sa bahay. May practice pa ko basketball after class.
Tulala lang ako sa phone ko.
"Uy, ano na?" ay nandito pa nga pa pala si Lyra. Nawala na sya sa isip ko. Ang "May chance namang maging kayo diba?" tanong nito.
Ano bang sasabihin ko? Ano bang dapat kong isagot? Maski ako nagugugluhan na eh!
Buti na lang bago pa ko kulitin nitong si Lyra dumating na ang adviser namin.
WEW! SAVED!
HUNTER'S POV:
" Ma dito na po ko." Bungad ko pagkadating ko sa bahay galing ng practice.
" Oh anak, si Geena nasa kwarto mo na. Magpalit ka na tapos bumaba na kayo ni Geena para makakaen muna kay bago mag-review." sabi ni mama.
"Okay po." at nagsimula na akong umakyat patungo sa kwarto ko. Siguradong sisinghalan ako niong si Ghorge pagpasok ko ng kwarto. Ayaw pa naman nitong piang-aantay.
Hinanda ko muna ang mga tenga ko bago ko ikutin ang door knob. And to my surprise, walang babeng nakapamewang na may namumulang mukhha ang nagaantay sakin para sermunan ako. Instead nakita ko syang nakapikkit habang nakupo sa gilid ng kama at nakasandal sa kama ang ulo nito.
Nakatulog na siguro sa kakaantay sakin.
Nilapag ko na lang ang mga gamit ko sa study table at umuop sa tabi nya. Pinagmamasdan ko lang sya.
Mahal ko talaga ang babaeng to. Pero di ko alam kung manhid lang ba sya o ano. Halos lahat na ng mga nakapaligid samin ang akala kami. Syempre ako naman tong si tuwang-tuwa and hoping na sana nga. Pero tong si Ghorge, malala pa sa bato. Wala man lang epekto sa kanya yung pang-aasar ng mga tao sa paligid.
Ang totoo, natatakot din akong umamin. I know that our friendship is at risk. Yung matagal kong iningatan pwede na lang mawala sa isang iglap.
But I made up my mind. I'll let her know my feelings kahit hindi pa 100% yung chance that she'll accept my feelings for her. Paano mo nga naman daw malalaman yung sagot kung hindi mo itatanong diba?
Nakita kong nag-wrinkle yung noo nya nang hawiin ko ang buhok na nakaharamg sa magandang mukha nya. Maya-maya pa'y nagmulat na sya ng mga mata at halatang nagulat sya nang makita ako.
GHORGE'S POV
Bakit ganon? Feeling ko kanina pa may nakatingin sakin. Pag mulat ko nagulat ako ng namulatan ko ang mukha ni Mitch na sobrang lapit sa akin kaya naman napaayos ako ng upo. Nakatulog na pala ako kakaantay sa kanya.
"H-Hoy, bakit ngaun ka lang?" pagsusungit ko. Pero di man lang sya natinag seryoso pa rin syang nakatitig sa akin. Yung mga mata nya parang may untold emotions na gustong magpadiscover. Mahabang awkward silence ang namagitan samin.
"Ghorge,"pambabasag nya sa nakakabalisang katahimikan. "Hindi ba talaga pwedeng ako?"
Eto na naman yung tanong na yon. Mitch, tinatanong ko din sa sarili ko yon eh! Hindi ba pwedeng ikaw?
Naramdaman kong hinawakan nya ang mga kamay ko. Ako naman nakatingin pa rin sa kanya. Hindi ko mahinuha ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako.
"Ghorge, I like you. No, that's understatement." Umiling ito. " I love you, I really do." Patuloy niya.
Hindi ko alam kung ano ang eksatong nararamdaman ko. I just stared at him.
Moments past and I remain silent and the next thing I knew, palapit nang palapit ang mukha nya sakin and I know where this would lead. Ang initial reaction ng katawan ko? Tinulak ko sya, kinuha yung mga gamit ko at tumakbo palabas ng kwarto nya. Palayo sa nakakasuffocate na lugar na yon. Never have I imagined na mararamdaman kong di ako komportable sa kwarto nya where in the first place, yung kwarto ang pinaka comforatable place next to mine.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ako ni tita Roselle.
"Oh Geena, where are you going? Dinner's ready." Sabay ngiti nito.
"Uhm, I'm sorry tita, something came up." Sabay takbo palabas ng bahay nila.
HUNTER'S POV:
After I confessed what do I get? Isang malakas na tulak. Sana she just tell me directly na ayaw nya. Mas masakit yung umalis sya bigla leaving me hangin' in the moment. I wanted words but all I heard was nothing.
Sa frustration ko ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama. Itinakip ko ang braso ko sa mga mata ko. That's what you get when you let your heart win sabi nga ni Hayley Williams.
Narinig kong may kumatok. Siguarado si mama yon imposibleng si Ghorge yun.
"Nak, Hunter?" narinig kong bumukas ang pinto hindi ako natinag sa pwesto ko. I pretended that I'm asleep. Siguradong tungkol kay Ghorge ang itatanong nya at ayoko munang pagusapan.
After ng mga nagnyari kanina siguradong kung ano mang meron kami ni Ghorge na matagal kong iningatan, wala na dahil sa di ko pinigilan yung nararamdaman ko.
GHORGE'S POV:
Pagdating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto at nagdive sa kama ko.
"Bakit hindi na lang ako?"
AISH! Nag-eecho pa din sa utak ko yung tanong nya.
Bakit nga ba kasi hindi na lang sya? Nakakainis naman. Ilang beses ko ng itinatanong sa sarili ko yan but I can't seem to find a concrete answer.
Marami naman akong kilala na kapareho namin. Yung mag bestfriend tapos sa huli sila yung nagkakatuluyan. Mas maganda nga daw na nagsimula sa pagiging close na friends before having an intimate relationship.
Pumikit ako, anong problema at di ko mabigyang chance si Mich at ako?
Natatakot kasi akong masira kung anong meron kami. Natatakot akong baka pag nagkaproblema kami we can't go back to the way we use to before.
Pumikit ko and memories came flashing into my mind.
"Ghorgeena, you know, physical attraction is not love." Sabi nya habang nakapoker face.
"What do you mean?" ay pagtatakang tanong ko.
"Isipin mo, sa mga past relationships mo, bakit mo sila nagustuhan?"
Napaisip naman ako.
"Si James nagustuhan ko kasi he looks so manly with those muscular arms. It gives me the feeling that he can protect me from anything. Si Alex namaan, everytime he says what he feels, he says it while staring at me with those straight forward eyes at si Mark, he's tall that's why I like him." Pag-eexplain ko.
"Don't rush yourself in love." then ginulo nya ang buhok ko. " Baka sa pagmamadali mo, di mo na makita yung dapat para sayo. Yung taong mamahalin ka despite of all your flaws. Yung kahit na walang anomang maganda sayo. The onne who'll love your perfect imperfections."
Napatayo ako sa pagkakahiga when realization hits me. Bakit ba ngayon ko lang na-realize? Lahat ng characteristics na gusto ko sa lalaki na kay Mitchel.
Straight-forward eyes
Strong arms
His height
And he's got a thing that only he have from the rest. He got the thing that can make my heart race like this. Sabay hawak sa dibdib ko.
AISH! Naman! Bakit kasi ngayon lang?!
Mitch I think I love you bigtime!
Sorry. Sorry kung naging manhid at malala pa sa bato. Please don't you just give up on me that easily.
***********
KINABUKASAN...
Hindi pumasok si Mitch ano naman kayang nangyari don? Don't tell me dinibdib nya masyado yung nangyari kahapon?
Ang tanga-tanga ko naman kasi eh!
Nang dismissal na nagmadali akong pumunta ng bahay nila Mitch. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto nya nagulat sya nang makita ako.
Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko na lang syang dinamba dahilan para mahulog kami sa kama nya at ako ang nasa ibabaw. Ewan! Nababaliw na ata ako! Pakiramdam ko ayokong mawala si Mitch. Basta ewan! Ang alam ko lang mahal ko tong mokong na to.
"G-Ghorge, a-anong ginagawa mo?! Tumayo ka nga ang bigat mo eh!" pilit nya kong tinutulak patayo pero ako naman kumapit ng mahigpit sa leeg nya at binaon ang mukha ko sa leeg nya.
"Hunter I'm sorry." Tumigil sya sa pagtulak sakin. "I'm sorry if ganun yung naging reaction ko. I just really don't know what to say. Sa sobrang biglaan ng lahat kaya ganon." Huminga muna ako ng malalim bago nagslitang muli. " I'm sorry if I'm unaware of your feelings. No, sorry kasi aware ako ayoko lang aminin sa sarili ko. Napaka indenial ko. Lahat na ng tao sa paligid ramdam kung anong meron, ako na lang ang hindi. Natatakot lang akong mawala kung anong meron tayo. Natatakot akong baka pag nagkaproblema di na tayo makabalik sa dati. Natatakot akong mawala ka."
" Bakit ba di mo na lang sabihing mahal mo ko?" may pagkairitang tanong nito. Iniangat ko ang mukha ko para matitigan sya.
" A-Ano,..oo na."
" Anong oo na?" pang-aasar nito. Sapakin ko to eh!
" M-Ma... Ma.." ano ba ayan na realize ko na nga kung ano to di ko naman masabi. Next thing I knew our lips met. Saglit lang pero sapat na para malaman naming pareho ang nararamdaman namin.
" Don't worry. Promise, walang magbabago. I'll be not just a boyfriend who cares but a bestfriend that understands." Then he kissed me on my forehed and embraced me tightly.
Kung di lang ako naging indenial queen, kung dati ko pa na realie yung feelings ko eh di sana di ko na nae-experience yung mga past heartbreaks ko. Tama nga siya, I shouldn't rush myself into love at dahil nagmadali ako, yun ang naging resulta. Nasaktan na nga ako di ko pa nakita na may nasasaktan din akong iba which is yung taong kaya akong mahalin despite of all my flaws. Kahit na masungit ako, kahit napaka nagger ko, kahit di ako mahinhin, kahit na topakin ako at kung anu-ano pa. Tanggap nya lahat yun and he'll never get tired of listening to my rants.
He's always right by my side. That's why I thought that I shouldn't fall him. But I did and I won't regret it.
A little bit about me
Hi there!
This is TheBibliophileLady. I’ve been writing stories privately under a different name. Some were shared online but due to the fact that I am not that confident with my skills, I deleted them or hide them.
I stopped writing since I need to prioritize getting my life together first for me and my family to have food on our plates to eat but I realized, I missed writing stories though I know it won’t be suited for everyone’s tastes, I would like to garner up courage by sharing these thoughts boggling my mind. Cause if not, I think I’ll go crazy! 😵
Hope these stories will entertain you someway or another.
Feel free to leave comments. I would love to read them 😊