SIGNS KUNG PAANO MO MALALAMAN NA THIRD PARTY O FLING KA LANG NG TAONG DINE DATE MO
1. Hindi mo maview ang likers at comments ng default pic nya or sa kahit anong post dahil nilagay ka niya sa restricted list nya.
Paano mo malalaman na nasa restricted list ka niya? Pag puro public posts lang ang nakikita mo sakanya.
Ginagawa nila ito para hindi mo madiscover ang kailangan mong madiscover. Ayaw din niya na malaman mo kung sino ang mga friends and family niya na naglalike at comment sa posts niya dahil alam niya na sing galingo ang fbi agent sa pagsstalk.
2. Hindi siya nagsesend sayo ng selfie.
(s a m p l e )
Hindi siya mag iiwan ng kahit anong evidence sa messenger nyo dahil alam niya na ma-screenshot tayong mga babae. Mag send man siya ng selfie sayo, filtered or face Warp yan, kilig kilig ka naman dahil feeling mo pinapatawa ka niya. Kukunin niya ang personal cp number mo, doon kayo nag uusap.
3. Sa gabi lang siya may time sayo o madaling araw.
Parang lamok. Magpaparamdam lang siya sayo pag naihatid na niya ang girlfriend niya o pag tulog na ito.
4. Alanganin araw at oras kayo kung mag date.
Araw ng date nyo: Monday, Tuesday or Wednesday para busy pa sa trabaho ang mga tao. Maliit ang chance na mahuli kayo na nagdedate Hindi pwedeng Friday, Saturday at Sunday, dahil para kay girlfriend yun.
Oras ng date nyo: breakfast, lunch o worst, midnight snack. 𤣠Tinatanong pa ba yun? Para walang huli.
Kung hindi naman alanganin araw at oras ang date nyo, isasakto niya ito sa araw na nagtatravel ang gf niya. For example nasa Cebu ang gf niya, habang masayang nag pipictorial si gf with her friends sa Temple of Lea. Malayang malaya ka niya ide-date kahit san, cinemas, restaurant kahit i-take home ka pa niya. š
5. Hindi niya sinasabi sayo ang details ng trabaho niya.
Hindi mo na rin ipipilit na tanungin o alamin dahil papalabasin nya sayo na naiistress siya kapag trabaho niya ang topic niyo at ipaparamdam niya sayo na nawawala ang stress niya pagkausap at magkasama kayo. Kinikilig ka naman, ang ending Wala ka pa rin alam sa nature ng trabaho niya.
6. Ang layo ng dating place nyo.
Mga 10-30 km from his working place yung layo ng lugar kung san kayo nagdedate. Alam mo na, para walang huli.
7. Sobrang linis ng bahay niya.
Naglinis talaga siya ng bahay niya hindi dahil sa alam niya na magvivisit ka. Itatago niya yung mga gamit ng gf niya. Winalis niya yung mga falling hair ng gf niya sa sahig. Itatabi niya yung picture frame nila gf niya.
8. Check mo yung refrigerator.
Icheck mo lang kung may tirang takeout ng starbucks o milktea sa ref, basahin mo yung name ng baso.
9. Check mo yung CR.
Yung #7, yes maglilinis sila ng bahay para magtago ng gamit ng gf nila, pero nakakalimutan nila itago yung kojic soap o cow soap or gluta soap ng gf nila. š¤£
At pag dalawa ang toothbrush niya. Alam mo na kung kanino ang isa.
10. Icheck mo rin ang basurahan.
Makikita mo doon ang winalis na falling hair ng gf niya. Worse, kung makikita mo rin ang used panty liners niya.
IWASAN MO NA ANG TAONG YAN. PLEASE. š
Know your worth girl.
#two timer


















