To the boys I loved before. 😂
“Who would have thought?” Yan lagi pumapasok sa isip ko tuwing nakakausap ko sila like di talaga ako makapaniwala kasi kala ko pag nag-let go ka, tapos na. Na after mo sumuko ay dun na rin matatapos ang pagmamahal mo. Well somehow yes, the romantic love ended, but there’s something behind that. May nabuild palang relationship between you kahit di naman naging kayo, kahit umasa ka, kahit pa nasaktan ka. Hindi nagtapos yung samahan na yun at it could actually lead you to the better part nung kung ano mang nabuo nyo. Sa dalawa kong naunang minahal bago pa ang nagmamay-ari ng puso ko ngayon, gusto kong malaman nyo na lubos akong nagpapasalamat kasi nandyan kayo para sakin palagi, na kahit di man tayo nagkatuluyan ay hindi nawala yung pakialam nyo sakin. Na pinararamdam nyo na hindi baliwala kung ano mang meron dati, we ended up with the best relationship we could ever have. Higit pa kayo sa mga kaibigan ko dati pa kasi lagi kayo nangangamusta at nagpapaalala sakin na magpahinga, na wag sumuko at maging masaya. Thank you! Pakiramdam ko ngayon ay di ako nagkamali ng taong minahal dati dahil sa inyo, na hanggang sa dulo magiging thankful ako kasi minahal ko kayo. You both grew as better men, nakakaproud kayo, lahat ng narating at success nyo. Sobrang proud ako na minahal ko kayo. 🍁













