trix eden
Today's Document
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
Game of Thrones Daily
d e v o n

No title available
Peter Solarz
Xuebing Du

izzy's playlists!
occasionally subtle

★

No title available
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
sheepfilms
he wasn't even looking at me and he found me
taylor price

titsay

shark vs the universe
cherry valley forever
art blog(derogatory)
trying on a metaphor
seen from Italy

seen from United States

seen from Ireland

seen from Romania
seen from United States
seen from Malaysia

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Germany
seen from Türkiye

seen from Singapore

seen from France
seen from T1
seen from United Arab Emirates

seen from United States

seen from United States

seen from Poland
seen from T1

seen from United Kingdom

seen from Italy
@theprebby
trix eden
matapos lang ‘tong week, may mga ilelet go akong grudges and negative thoughts hahahahahahahaha i want to move on. i want to feel lighter. hindi na sila pwede sa sistema ko. :)
my time to me time | 25 APR ‘26
may mga araw na gusto kong ako lang—
ako lang ang aalis, walang kasama.
ako lang ang kakain, walang ibang iisipin.
tahimik lang na nagbabasa ng libro,
o nag-oobserba ng paligid at mga tao.
ako lang, sa gitna ng ingay,
mag-isa.
Mag-isa talaga ako ng time na ‘to. Me time nga eh di ba, pero di ko naman din inakala na me lang talaga yung tao sa pinuntahan kong cafe. Hahaha.
Naalala ko na naman yung unang me time ko after giving birth to Luna. Nanuod ako ng sine sa Evia, VIP pa yon para feel na feel ko. Luh arte. Hahaha. Tapos ako lang talaga yung tao kasi 11am show, medyo maaga pa siguro para sa ibang movie goers. Pero gagi, angsaya na nakakatakot sa sinehan. Hahahaha! Buti naenjoy ko naman kaya sulit na rin.
Ngayon, mag-isa na naman ako, pero sa coffee shop naman. Tamang tambay lang para makapag-isa at matahimik ang pag-iisip. Hirap maoverwhelm eh. Azza pisces, ganito ako humarap sa gulo o problema. Hindi ko talaga hinaharap, tinatalikuran ko muna. Wahahaha. Na para bang sa Shenzhen ang sorting center ko ng emosyon kaya it takes time, I need to breathe. Give me alone!
Ako lang yung customer nung una kaya medyo nakapagpicture pa ako. Hehe. Yung barista tahimik lang din, nagpupunas ng mga anek kaya parang ako lang talaga ang nag-eexist kasama ng mga daan daang libro. Yizz, library cafe siya kaya silence ang bida. Okay na rin, nakapagbasa ako habang kumakain.
Siguro kalahating oras pa bago pumasok yung bagong customer. Feeling ko tuloy isa akong karakter sa Before the Coffee Gets Cold. Medyo kavibes ng Kape Kape yung naiimagine kong Cafe Funiculi Funicula. Tapos ako yung multo. Hahahaahhahaha.
Natapos ang me time ko nang tumawag si Luna. Hinahanap na raw ako ni Nami, iyak nang iyak at di mapatahan ni JC. Kaya dali-dali akong nagbook ng ride pauwi at inayos ang bitbit na paperbag na may lamang diapers ni Nami. Na-out of stock kasi sa shapi kaya nagmall na muna ako bago tumambay at kumain.
Paglabas ko ng coffee shop, nanay na ulit ako.
10th year | 08 MAR ‘26
Nagdinner kami sa labas kasama ng kids. Last minute decision. Haha! Last year din naman kasama namin sila. Siguro ito rin naman ang point. Saka na kami magsolong dalawa. Hihi.
10years na kaming kasal ni JC. 10 years na ang binuo naming pamilya. Hindi man kilig kilig yung celebration as what we’d planned, but I’m happy and content being with them.
Sa town kami napadpad. Saktong dinner time. Hehehe. Wala nang ikot ikot sa mall. Kakain lang kami ng masarap. Enjoy na enjoy yung dalawang bata, jusko, mga anak nga namin! Love na love ang japanese food! Hahaha. Sana soon makapag Japan naman!!! Sa ngayon resto na muna. :D
Tagal ko nang gustong bumalik sa Ippudo kaya lang bakit ganon bakit di na ganon kasarap ang ramen nila??? O ako lang ‘to? Baka mali order ko? Pero kahit naaa~ hahaha. Yung ibang order okay naman. Nagtry kami ng iba pang dish since sa Kiwami Food Hall naman eh sama-sama sila ron. Tinry rin namin yung soft icecream. Busolb! Happy tummy, happy anniversary. Hahahaahaha.
Late na namin narealize na wala kaming picture ni JC. Kagagaleng. Hahahahahaha. Sa June na lang! Tutal 2 wedding anniversaries naman trip namin. 🤭🤣
PS. Natabunan pala sa drafts ‘to hahaha
gusto kong mag glow up kami ni jc. yung maging fit ba. bihira lang kami magpicture na fam, pero tuwing titignan ko chura namin sa picture, parang di kami bagay sa mga anak namin hahahahahahahaha mukha na kaming mga drum. ito na ata heaviest weight namin. 🙃
we’ll get there. not now but not sure. tsarrr. de, basta soon!
CREATE A “DEAR ME” LETTER
…
Dear Me,
I know you carry more than most people realize. Some days you move through life confidently, and other days you question everything — your choices, your timing, your worth. But even on those uncertain days, you are still growing.
You have survived moments you once thought would break you. You adapted, learned, and kept going, even when no one applauded the effort it took just to get through the day. That strength matters.
Please remember that your life does not need to look perfect to be meaningful. You are allowed to take your time. You are allowed to rest. You are allowed to change your mind, start over, and become someone new more than once.
There will be seasons when progress feels invisible. Keep going anyway. Small steps still count. Quiet healing still counts. Choosing yourself still counts.
I hope you continue to protect your peace without feeling guilty for it. I hope you stop shrinking yourself just to make other people comfortable. The people meant for you will never require you to become less.
And when you make mistakes — because you will — try to speak to yourself with kindness instead of punishment. You are human, not a machine built to be flawless.
One day, you’ll look back and realize that the version of you reading this letter was already becoming stronger, wiser, and softer in all the right ways.
So breathe. Trust the process a little more. Celebrate the little victories. And keep believing that good things can still happen for you.
With love,
Me
forgive the version of you that didn’t know any better
forgive the version of yourself that knew better but did it anyway. forgive every version of yourself. we are constantly learning from our mistakes.
forgive the version of you that didn’t know what to do and could not have foreseen what the right choice was, if there even was one. forgive the version of you that made a choice and regretted it.
May something to celebrate kami ngayong araw— LPT na ang bunso naming kapatid. 🥂
Big moment ‘to, lalo na kay Mama at sa isa pa naming kapatid na nagpaaral sa bunso. Getting his degree was already a huge milestone, but passing the licensure exam? Iba pa rin yung fulfillment. Ito na siguro yung pinaka pagtatapos. Pagtatapos ng mga sakripisyo para mapag-aral siya. Pero ito naman ang simula niya. Simula ng bagong life chapter. Hehehe.
Hindi pa namin alam anong balak niya ngayong licensed na siya. Kung magdedeped ba o mag-aabroad na gaya sa isa pa naming kapatid. Mag-abroad na lang din kaya sha para di makupal ng deped ‘no hahahaha tseret.
Proud ako sa mga kapatid ko. Di lang talaga halata kasi ako yung number one basher nila hahahaha pero masaya ako for them sa kung anuman ang nararating nila sa buhay. Lalo ngayon na pati ang bunso graduate at passer na rin. Nung ako yung pumasa sa LET, nagpost yan siya sa FB. Nagcongrats sabay sabi na buti pa raw ako, siya kasi walang honor man lang. Nasa elementary pa lang siya non.
Makulit na bata. Pilosopo. Tamad mag-aral. Siya yung hindi umaakyat sa stage tuwing recognition day nung elementary kasi wala ngang awards. Mas marami pa ata yung time na natawag siya sa guidance office. Hahaha. Pero simula high school hanggang college, naging achiever!
O diba, siya naman ang kinocongratulate ngayon! 🙌🏻
Grumaduate siya last year with Latin Honors. Siya lang sa aming magkakapatid ang nakaachieve non. Kami kasing mga ate niya with flying colors lang. Nyahahaha.
Gusto ko nang umalis ng Pinas, at sa ibang bansa manirahan. At least don, malawak ang mararating ng mga paghihirap at sakripisyo. Pang long-term ika nga. Dito satin survival mode na nga everyday hanggang mamatay, binababoy pa tayo ng mga pukininginang mga pulitiko na yan. Mga bowlshet. Maski lupa mahihiyang lamunin sila eh.
Ito na naman ako sa phase na naiirita sa trabaho. Pano, nawawalan ako ng oras sa mga interest ko. I’m way behind sa mga ganap ng BTS. I have to pause reading Tales from the Cafe. Hindi ko rin matuloy panunuod ng The Mentalist. Even life updates here di ko na magawa, andon na lang sila sa drafts hahahaa. It’s like my boat is about to flip and I’m just here rolling my eyes.
Happy Mother’s Day! 🤍✨
Yung ibang tao ngayon online, sa socmed lang din talaga malalakas ang loob ‘no. Walang empathy and compassion. Wala silang pake sa icocomment nila.
On Toboso killings, sabi ni Raquel Fortun, “I’ve seen a lot of bodies. You know what they look like? Tao. People. People with injuries. People who are killed. And that could be you.”
Simple lang yung pagkakasabi niya. Kumbaga respeto na lang sa mga namatay. Siguro humor or wit sa iba yung “corned beef” dahil nga raw sa “makibaka” pero mehnnn, stale naman, sa totoo lang. Their death is a tragedy, not a joke. Angdisappointng pa ng naging paghandle sa mga katawan nila. May nabasa ako na mali yung katawan na nairelease sa pamilya ng isa sa mga namatay. Pati mga damit at names, nagkapalit palit.
Tapos andaming kumukontra na hindi sila magagaya sa mga namatay dahil di naman daw sila armed researcher o namumundok. Huhuhu nabababawan ako, whhhyyyy are they like that.
Happy weekend? :)
mga pinapakinggan ko nung magulo pa ang aking love life kahit wala namang kasintahan, medyo magulong playlist din. 😂
Back Backer Backest
Di naman sa ungrateful ‘no, pero minsan gusto ko maghanap ng ibang work na walang kakilala. Baka sakaling mawala na yung invisible worry ko.
Yung mga work exp ko, lahat yon eh naichika sa akin ng mga kaibigan at kakilala. Simula first job hanggang sa current ko, ganon. Para ‘kong may “backer.” Sila yung naging tulay for all the job opportunities na nakuha ko. I’m really grateful, walang halong eme. Tinapatan ko yon ng effort to pass the exams and interviews, at maayos na trabaho. Pero dahil nga para kong may backer, feeling ko di ako deserving. Referral lang naman yon, wala namang assurance na mahahire talaga ako. Kaya lang pag nahire na, parang andon yung impression na si ganito ganyan nagpasok sakin don kahit hindi naman yon yung exact na nangyari. Babalik na naman ako sa thought na, kaya lang ba ako nahire dahil sa kanila at hindi dahil qualified ako? Di ko maiwasan. Dagdag pa yung utang na loob na di naman nababayaran, tanaw tanaw lang na walang katapusan hahahaha.
Sana wala na lang akong kilala kasi nahihirapan ako eh. Nacoconscious ako, na dapat di ako magkamali. Nahihiya akong magkamali, nahihiya akong makita ng kakilala ko na nagfifail ako or maski napapagsabihan. Hahaa. Kahit pa aware ako na di naiiwasan yon, mahirap pa rin for me eh. Parang under nila ako or parang nasa anino. Maybe I think too much kung ano iisipin nila sa akin.
Tsaka nagdadoubt ako sa sarili ko dahil dito. Iniisip ko, kung walang nagrefer sa akin, may tatanggap naman ba kaya sa akin? Hindi naman impressive ang resume ko. Hindi rin naman ako mukhang pleasing. Stutter din ako pag kausap. Pero sa output binibigay ko ang best ko. Wow nuks parang sumasayaw yan sha hahahahaha. De, basta. Napapaisip ako eh.
Ewan ko ba. Feeling ko loser ako.
Tapos sa current job ko ngayon, college friend ko yung katrabaho ko. Actually good and close friend, same circle. May shared blog pa nga kami non dito eh!!! At ninang siya ng anak ko. Hahaha. Siya nagchika ng hiring so si apply naman ako dahil ayoko na magcorporate. Natanggap naman. Yayyy~ It feels nice kasi magkakilala kami, kahit papano may nakakausap lalo na’t working remotely kami. Kaya lang work is work, syempre. Tskaa ito na naman nga yung pakiramdam na hindi ko ba kaya mag-isa? Baka dahil kay friend kaya ako natanggap? Ewan.
May feeling lang talaga na baka weak nga ako, kaya gusto ko sanang makahanap ng work na wala akong kakilala. I want to see myself thrive on my own. Yung walang feeling na nalilimit o nacoconscious. Hehehehe. Am I making sense? Basta. Hahahahaha.
Luna and Nanay | 14 MAR ‘26
Nagdate muna kami ni Luna. :)
Napadpad kami sa Southmall. Nirequest niya na mag-iba naman kami ng mall. Nanawa na ata siya sa SM Molino, Evia at Vermosa, kaya lumayo kami konte. Hahaha. Kako SM din naman yon, pero bigger nga naman compared sa Molino.
Na para bang di siya agad napapagod maglakad? Hahahahaha. Mamaya lang uuwi na kami niyan kasi ayaw na niya maglakad.
Unang stop namin ay NBS! Halos 1hr din kami don. Nagpapabili siya ng teen fiction. Ang sabi ko sa kanya, saka na, kapag natapos na niya yung Roald Dahl set saka siya ibibili ng mga pang teens. Kahit mag-PHR at Wattpad na rin siya. Hahahahahahahaha.
Natatawa lang ako pero may halong kaba na kasi ilang taon na lang talaga may teenager na kami. Woooahhhhh~
I really can’t believe we all grew up together on this goddamn bitch of a website
@theprebby from Luna to Nami 😭
@martylaurel na parang naging online tita na kayo ng mga anak ko 😂