Never beg for someone to love you. Bacause if they do, they will pursue you.
wallacepolsom
Keni
Xuebing Du
DEAR READER
tumblr dot com
h
Jules of Nature
I'd rather be in outer space 🛸
art blog(derogatory)
TVSTRANGERTHINGS

roma★
One Nice Bug Per Day

祝日 / Permanent Vacation

blake kathryn
Claire Keane
ojovivo

No title available
🪼

❣ Chile in a Photography ❣

Andulka
seen from Bangladesh
seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Germany

seen from United States
seen from Philippines
seen from Chile
seen from United States
seen from Albania

seen from Türkiye

seen from Australia
seen from United States
@titsermsoon
Never beg for someone to love you. Bacause if they do, they will pursue you.
This all begun
for no reason,
and it seems
baffling.
Out of the blue,
I glanced at
the moon,
and I fall.
So, my head
turns down;
glancing at
my foot.
Asking myself,
could it be you?
But, no one
responds to me.
No one...
Until someone's
whispering in my ear,
I closed my eyes
While the rhythms
of my heart quivered
faster than before.
My eyes opened...
Dreadful!
BOOK ALERT!! Ang “Pahinga‘t Pahina: Mga Selyadong Akdang sa Búhay Nagmula” ay naglalaman ng isang daang (100) babasahin na pinagsama-samang kategorya mula sa Dagli, Tula at Dayalogong Kuwento na may iba‘t ibang dyanra at temang tumatalakay sa búhay. Maaaring naglalarawan ito ng mga pangyayari na sumasaklaw sa iba‘t ibang karanasan. Ito ay binubuo ng dalawampu‘t limang (25) manunulat mula sa iba‘t ibang panig ng Pilipinas na naglalayong makapaghatid ng kakaibang emosyon at kaalaman sa bawat mambabasa‚ at higit sa lahat ay maipahayag ang kahalagahan ng búhay‚ hindi lámang ng tao kundi maging ng mga nasa paligid nito. *** PRE-ORDERING & PAYMENT DATE: FEBRUARY 07 — 21, 2022 BOOK DETAILS: —» Title: PAHINGAʼT PAHINA: Mga Selyadong Akdang Sa Buhay Nagmula —» By: Various Authors —» No. of pages: 160+ PRICE: —» P270.00 (PAPERBACK) + SF —» P100.00 (E-BOOK) WHAT`S INSIDE THE BOOK?: —» 50 MGA DAGLI —» 25 DIALOGUE STORIES —» 25 MGA TULA —25 AUTHORS` SHORT BIOGRAPHY —» COPYRIGHT-FREE ILLUSTRATIONS !!! — PAYMENT FIRST POLICY —!!! !!! — STRICTLY NO TO CANCELATION OF ORDERS —!!! SHIPPING FEE RATES: —» AROUND METRO MANILA: P95.00 —»LuzViMinda: P120.00 INCLUSIONS: —» Stickers —» Bookmarks MODE OF PAYMENT: —» GCASH: MODE OF DELIVERY/COURIER: —» J&T Express TARGET BOOK RELEASE DATE: —» 2ND WEEK OF MARCH 2022 This book anthology will be published under BLUE SKY PRESS SELF PUBLISHING & PRINTING in partnership with THE DREAM DREAMERS Organization. *** AUTHORS BEHIND THIS ANTHOLOGY: 1. Ivy Grace Inayuda✔️ 2. Pinky Martinez✔️ 3. Caren Lumakang✔️ 4. Edna Longakit✔️ 5. Edwin Orgin Jr✔️ 6. Lovely Serwelas✔️ 7. Benz Clann✔️ 8. Sheshe Sarmiento ✔️ 9. Joseph Pasco✔️ 10. Judel Manuel ✔️ 11. Sonny Bambao✔️ 12. Sha Lena ✔️ 13. Shing Calixta ✔️ 14. Leon Viginata ✔️ 15. Mark Joseph Bombase✔️ 16. Mi L Cah✔️ 17. Vincent Villasencio✔️ 18. Anaclito Acosta✔️ 19. Rainier Manceras✔️ 20. Simoun Ibarra✔️ 21. Amore Luna✔️ 22. John Mark Acana✔️ 23. John Michael Pabustan✔️ 24. Mia Cañares ✔️ 25. Daryl Franciledo ✔️ To order, kindly send us a personal message. Thank you and may you have a fruitful year. Godbless💜 https://www.instagram.com/p/CZuHxnPFZCQ/?utm_medium=tumblr
🌺Minsan na akong gumamit ng isang bulaklak para maging panulat, subalit hindi ko alintana ang kanyang naging paghihirap.🌺
-TitserM🌷
Kumusta Ka Na?
Ni: Milca Basa Sapinoso ❤
Kumusta ka na? Limang pantig Tatlong kataga na may kasamang tandang pananong. Tanong na tila napakadaling sagutin. Subalit para sayo tila isa itong balong napakalalim.
Kumusta ka na? Alam kong naranasan mo na ang kumustahin-- --Nang maraming beses. Sa tuwing darating ang tinatawag nating krisis. Kung kaya't nalalaman kong naranasan mo na rin-- --ang magsinungaling ng paulit-ulit. --"Okay lang ako," "Kahit papano'y natutulungan ako." Karapatan mong magsalita Nang mawakasan ang sumpa ng panahon. At hindi ka manatiling sa lupa'y nakabaon.-- --"Okay lang ako," "Kahit papano ako'y nakatutulong," Teka sandali... --Pwede ba akong makiusap? Maaari bang sa isipa'y muling papasadahin? Mga salita na sa'yong labi'y mismo nanggaling. Nakatutulong ka ba talaga? O baka naman nakapagpapabigat pa?
Kumusta ka nga ba? Ngayong dumating ang karimlan dito sa bayang sinilangan. Kaaway na di nakikita Patalikod pa kung tumira. Masdan mo ang mundo mo.. Kung dati-rati'y-- Trabaho dito, trabaho doon. Kayod ng kayod para sa pamilyang nais itaguyod..-- Masdan mo ang ngayon. Katahimikan ang siyang mismong nakabibingi. Maingay na lansangan ngayo'y tila isang pipi.
Kaya--- Pakiusap makinig ka! Tigilan na ang pang-aalipusta! Dahil may DELUBYO na sa ati'y nakabalandra. Tigilan na ang pagsasamantala! Dahil mas mabigat ang ngayo'y kinakaharap. Tigilan na ang paghatol! Dahil ang kailangan ay hindi isang palakol Kundi ang pagbibigay ng iyong panahon-- --at hindi ang 'yong pagtutol.
Makinig ka! Hindi ka na dapat pang lumaban Sa kinikilalang AMA ng Lipunan! Makinig ka! Respeto't paggalang ang sa kanya'y dapat na ibigay, Hindi ang kung anong panghahalungkay ng kanyang buhay. Makinig ka! Ang nais niya'y maligtas ka Hindi ang makulong sa rehas na ikaw mismo ang nagtalaga. Makinig ka! Ang buhay natin ay hindi isang laro, At ang kamatayan ay hindi isang biro!
ctto of photo
One of the most heartache is to let people know that I love them but still, they trying to ignore it as if they really never knew it all along.
TitserMSoon❤❤
time to visit my Wattpad =)
Ang piece na ito ay para sa mga taong nalilito at pilit nagtatanong sa kung paanong ang PAG-IBIG ay naging isang patibong sa mga taong hindi marunong maghintay sa tamang pagkakataon. "HANDA KA NA BA?" By: Milca Basa Sapinoso Handa ka na ba? Handa ka na bang masaktan? Masaktan sa bawat salitang aking bibitawan-- --Masaktan sa mga pahaging kong 'di naman sayo nakalaan-- --Subalit hindi ko maunawaan kung bakit tila isa ka sa naging dahilan-- Upang mas mabigyang buhay ang aking nasimulan. --Hindi naman sa nakikita kong nahihirapan ka. Ngunit bakas sa'yong mga mata ang sakit na nadarama. Mapipigilan kaya kita? Kung magka-gayon ma'y-- --Magpapapigil ka ba? Handa ka na ba? Handa ka na bang pakinggan ang samu't-saring isyu sa bawat kanto ng lansangan? Isyu ng mga kabataan na nasasaktan sa salitang "MAHAL KITA, pero may MAHAL KA NANG IBA! Isyu ng mga kabataan na patuloy na nalilito sa mga tanong na.. MINAHAL NAMAN KITA-- pero bakit?-- Bakit nakuha mo pa akong ipagpalit? Teka...Teka...Teka... Ilan taon ka na ba? 'Di yata't nalilito ka sa'yong nadarama. Mahal?! Mahal ka ba talaga? Baka naman kasi MAHAL-LAGA ka lang. At ang salitang mahal ay tanging nasa isip mo lamang.. Tandaan! --na sa kahit anong anggulo mo tignan may pagkakaiba pa rin-- Ang MAHALAGA ka sa MAHAL ka! Hindi lang ito basta ginusto ng puso mo ay pwede na. Hindi lang ito basta naisip mo ay okay na. Dahil hindi lang ito basta pagsasabi nang MAHAL KITA ng paulit-ulit.-- Ang PAG-IBIG ay hindi katulad ng iniisip mo. Na kapag nakakita ka ng bago tila nagiging dalawa ang puso mo. Hindi iyan LARUAN-- Na kapag nakahanap ka nang iba. Isasantabi mo na lang siya! Babalikan kapag ika'y muling nagsawa na. --Hihingi ng patawad at sasabihing ikaw ay magbabago na. Ngunit ang puso mo'y mananatiling dalawa.-- At hindi iniisip ang katumbas ng salitang patawad. Ay ang pangangakong hindi ka na muling lilingon. Kahit pa ikaw ay mayroong pagkakataon. Halika't pakinggan mo Ako.. MAHAL KITA... Paniniwalaan mo ba? Oooppppssss.... Sandali! Baka kasi iniisip mong-- --Tutol ako sa kaligayahan mo kaya sinasabi ko sayo ang mga bagay na ito-- Hindi! Hindi talaga! Hindi AKO tutol na magmahal ka! Maniwala ka! Dahil sa ngayon ang tanging gusto KO lang ay mapasa-akin ka! Mahal kita-- Higit pa sa pagmamahal na ibibigay niya. Mahal kita-- Dahil handa kitang hintayin. Kahit hindi ka pa rin sa AKIN nakatingin. Mahal kita-- Kaya ninanais Kong ilayo ka sa tinatawag nilang PATIBONG ng PAG-IBIG! Mahal kita-- Dahil kaya Kong ibigay sa'yo ang isang uri ng pag-ibig. At wala kang kahit na anong isyung maririnig. Tungkol sa kung paano AKO bilang isang mangingibig. MAHAL KITA! Inilimbag KO ang mga salitang ito para sa'yo. Iniaalok Ko ang isang pag-ibig na hinding-hindi mo makikita sa daigdig. Handa ka na ba? Handa ka na bang piliin ang nararapat sa aming dalawa? #ValentinesProd #SpokenWord ❤
BY: TITSERMSOON ❤
Trying to add more of what you say is not good. So, don't be too exaggerated! 😠😠 There's a lot of people who always found themselves as alone. Pathetic one! 😡
🌷 A nerd in her own way 🌷
🌷 A nerd in her own way 🌷
FOOLISH HEART: MY BLIND LOVER (on Wattpad) https://my.w.tt/K5iugO6Un2 Naranasan mo na bang maghintay? Maghintay sa pinapangarap mong makasama habambuhay.. Naranasan mo na bang umasa? Umasa na ikaw rin ang pinapangarap niya? Kung oo, malamang sa ngayon ay humihiling ka na sana mapangasawa mo na siya.. Hindi katulad ko.. Yes, I am his wife.. And he is my husband.. Subalit tanging sa papel lamang iyon. Mahal …
I am someone who inspired to wrote poems for you.
-TitserMSoon
"Lumuluha Din Ako"
Ni: Milca Basa Sapinoso
Lumuluha din ako
Ng hindi mo napapansin
Pinipilit ko itong itago ng lihim.
Lumuluha din ako
Ng hindi mo nahahalata
Ayaw ko itong ipakita sa madla.
Bakit nga ba hindi mo makita?
Kalungkutang aking nadarama.
Bakit nga ba hindi mo pinapansin?
Ako ma'y nahihirapan din.
Ilang bugso ng ulan pa ba ang dapat hintayin?
Upang mailabas sakit na dulot mo sa'kin.
'Di ako tulad ng bato upang 'di masaktan.
Ako'y tao rin at may nararamdaman.
Ilang galong luha pa ba ang dapat pumatak?
Sa mga mata kong halos ayaw ng kumurap.
Anong mga salita pa ba ang gusto mong marinig?
Sa mga labi kong ngayo'y nanginginig.
Lumuluha din ako, halika't masdan mo.
Masdan mo, ang bawat pagpatak ng luha ko.
Luhang hindi alintanang magmumula sa isang malakas--
Malakas na tulad ko.
Mali pala ang iniisip mo.
Lumuluha din ako, halika't pakinggan mo.
Pakinggan mo mga salitang binitawan mo sa'kin.
Alamin mo, alin nga ba dito ang nakasakit sa'king damdamin.
Gusto kitang hatakin pabalik sa'kin.
Gusto kitang paulit-ulit yakapin
Subalit sinuko mo kung anong meron sa atin
Siguro nga wala akong sayo'y halaga
Dahil kung mayron man
Dapat sana'y binigyan ng pagkakataon--
Pagkakataon na pakinggan
Mga salita kong naghuhumiyaw sa isipan.
Nilihis mo ang mga salitang mahal kita.
Na siyang naging dahilan ng aking pagdurusa.
Bakit nga ba?
Bakit akala mo hindi kita mapapasaya?
Bakit akala mo sa'ki'y iiyak ka?
Subalit tandaan mo
Ang naging pagpasok mo sa puso ko'y parang isang kadena.
Kadenang pinulupot ngunit binigla mo sa paghugot.
Aaminin kong masakit.
Sobrang dinurog mo ang puso kong akala mo'y bato--
Na hindi kayang maghinagpis.
Subalit nagkamali ka.
Nagkamali ka ng ikubli mo ang salitang--
Hindi sasabay sa buhos ng ulan
Ang mga luha kong ikaw ang siyang magiging dahilan.