"The Scapegoat and The Villain"
---A past collective reading from Sept. 19, 2024, posted at 3:22 pm---
Pic: Reversed Death Arcana from Persona 4 (a game screenshot)
---------------------------------------------------------------------------
"One has denied of His voice, but not His actions to justify His way of faith."
- a line from my own poem, must gatekeep HAHAHA!!
---------------------------------------------------------------------------
Good morning, madlang folks! 🥳
Maaaring late na ako sa balita, pero, how are you noong Lunar Eclipse in Pisces event? Lawit na ba ang mga dila sa kapaguran? Jonks! We must rest in peace sa katahimikan at kadiliman upang tayo'y magpahinga at manahimik sa ating mga kama in this bed weather season. The Lunar Eclipse in Pisces reminds us na matulog muna kung kinakailangan at susunod na yang mga gawain na yan. Even reflecting things can be tiring, make sure you are in a right state of mind to think about it. The world will wait, your health comes first muna. Batugan mode base sa POV ng burnout society, joke! 😉
Ingat sa s4kit, mga folks! Except sa problemang pag-ibig dahil love is everywhere and love is in the air (inutot ni Cupid), yikes charotski! Labyu! 🤘
Since follower din ako ng Tarot Radio PH, something has made me thinking dun sa isa sa mga live na collective reading na noong isang araw ko lang pinakinggan. Something made me think of another own quotings in my writings na pwede maging topic for today's reading and at the same time, a poem pero tinatago ko muna for myself because I need to make it longer for a reason that me and myself is the only audience for that poem. A shadow work poem, in particular. Just a line will suffice pangdagdag info sa araw na ito. Hehe...
The scapegoat and the villain, both the madmans of the Uni-verse of collective hooman multiverse for me. Ang isang scapegoat na ubod ng self-sacrificial to the point of k1lling themselves "wisely" (because they justify it with "inhumane" respect to that principle, and with great optimism pa nga kung minsan kaya nagagawa nilang sumunod dito like it's some kind of duty to do so) while the villain presents themselves as an "incarnate of evil" or "Satan himself in human form" basta mga sumasalungat sa batas ng nakararami because they feel sh1t sa kasusunod sa layaw ng lipunan and they feel suffocated from it, like, they had enough from it. Both rely in their ways of thinking about faith and how they are so sure of it talaga to the point of forgetting their own humanity. Parehong may victim complex at may kanya-kanyang pamamaraan ng pagbubulakbol at pagpapasensyoso sa pinanghahawakang prinsipyo.
Stagnancy rises hangga't wala ring nakontrang matinong rationale sa isang prinsipyong matagal nang hinubog ng panahon at hindi natinag sa bawat sitwasyon. Matigas na makunat pa. Nako! That sometimes even the authorities and with their utmost power and tools na pwedeng magamit in every possible way can't help them kahit anong hila sa kanila palayo sa kanilang nakapako nilang kinasasadlakan.
Most of the unbalanced principles na meron sila ay nanggagaling sa kanilang unhealed wounds na hindi pa tukoy kung saan nanggagaling basta mostly nyan ay nasa nakaraan titingnan at nagmamanifest hanggang kasalukuyang panahon.
If there is one near you, or are you one, gaano kahaba ang pasensya mo sa mga katulad nila o katulad mo? At ano ang gagawin mo kung papaano mo sila panghahawakan? 🥱
Here... Susubukan kong bigyan ng emphasis ang point of views ng dalawang panig na ito and how they manifest in their own ways base sa interpretations ko, but still, ang complexity nyan ay syempre nakadepende sa bawat individual. Take what resonates and alisin ang hindi.
---------------------------------------------------------------------------
(8 of spades reversed, 9 of hearts upright)
Every dream falling apart
Still aching, still aching
Oh, baby, I need your love
-Heartbeat, Heartbreak (Persona 4 OST)
Seeking refuge, and personal freedom by means of restricting oneself sa pagsalo ng pwetmalung bad karma ng iba and ang malupit pa rito ay sila mismo ang napag-iinitan, as if one lives for it while they d1e alone and gradually dahil sa totoo lang ay despite their God-given gifts (kahit ang pagpapasensya sa mga katulad ng ganito ay quite a feat naman talaga) on doing something ay wala man lang "sukli" sa kanilang kabutihan and yet, their so-called "nature" tells them to do it kahit naaagrabyado na sila o dehado na sila from their own limitations. Kung sumama man ang loob, wala rin sila magawa — o sabihin nating iniisip nila na wala silang magagawa dahil they subjected themselves to it out of love na alipin ng damdamin lang without basis ng logic or out of spite as if one is nasa isang hostage situation. Feeling or thinking na laging "walang choice".
Guilt tripping and gaslighting ang may malaking factors kung bakit nagmamanifest kay Scapegoat ang ganung klaseng mindset. Kahit degradation can give attention din naman talaga sa mga katulad nila, parang pagdila lang ng breadcrumbs sa lapag tapos inaamag pa masabi lang na "ok lang, panglaman tiyan din yan!" tapos hyping sa paligid na "sige dig in! Basta nakakain!".
Nako! Lalong pinagmukhang timang. Tapos ang tyaga-tyaga pang makisalamuha! 🙄😆
Tapos ito pa, paulit-ulit pa sa pag-asang may magbabago pa roon sa other party pero sige ang lapit dahil akala may mawawala. Welp, for your safety mga Scapegoat folks, better avoid or detach paunti-unti or stop na talaga sa mga taong mahilig mang-akusa at mambaliktad (tapos nan4nakit pa) nang walang sapat na basis para maging safe, secured, and sane ka pa.
Hays... There is freedom more than being free sa pagiging Scapegoat because you "chose" it and may "freedom to choose" naman, mga folks! Hindi porket may kalayaan ay tinatake advantage na ng mga oppressors (maski of the Self) ang magago sa buong lifetime. Wala ka sa BDSM set-up hoy! Make sure you know your rights as an individual person. 🤦🏼♂️😆
Pagsawaan mo na yang kadena na yan, lubid naman! Tapos sunod, goma naman. HAHA!!👌🤣
A question... Mawawalan ba ng saysay ang buhay kung walang ipeplease na ibang tao na wala naman talagang essence sa life natin? Bakit hindi natin subukan ang ating mga sarili na bigyang halaga starting this day? Bakit ba? Paladesisyon ako eh. Ayusin mo buhay mo hoy! 😆🙄
Just one try... not once, but when it happens kapag umiral ang resentment dulot ng kasasalo sa bigat ng ibang tao. Baka sakali lang, try lang. Pagaanin din ang sariling buhay nang may tamang balanse at naaangkop. 😉
"I am a cage, in search of a bird."
(8 of hearts reversed, 5 of clubs reversed)
Turning misery into meaningfulness
Your affection, your affection, taking pride from fear
Past will tell you when to make yourself a hero
-Your Affection (Persona 4 OST)
A villain to many, a hero to some...
I'm gonna get myself cancelled sa ganireng wikaan, lols. We think of a villain as certified a-hole characters na hindi deserve mabuhay, maski kumain at uminom kung papalarin ang self-righteous selves natin just to freaking t0rtur3 them HAHAHA!!
Reclusion, repulsion, revenge... mga sawa na sa sariling kahinaan ang mga ganitong tao.
Eh, mabuhay ba naman sa oppressive household or lipunan na umaabot sa punto na ang lala na ng amats ng mga ganito na kailangan na nilang ilabas ang pagkabarumbado't pusong bato nila like you know, atleast they are being hero to themselves kahit minsan. There are times that others follow because of the confidence they have for themselves. People like certainty din talaga in the midst of unpredictable but certain kind of vi0lence. Sabik na sabik sa pagbabago, like they need to do it with utmost respect sa kanilang nature na may dapat mabago sa kanilang current shituation as per their personal POV. Hearts in so much self-indulgence along with mindless and reprehensible hedonistic anarchism may lead to reckless actions that will cause unfavorable situations and sudden change of course sa life na kung saan ay hindi na mismo macontrol ng Villain ang mga nangyayari sa kanyang buhay due to those "unfavorable" SHITuations na gumulo at patuloy na gumugulo sa kanyang "pagkavillain" dahil sa maikling sabi ay ang pangit ng kanyang pag-uugali at pag-iisip kasi, yung tipong ang mga self-righteous peeps ay mapapasabi ng "buti nga!". Charots. Masyadong pangkupal ang labas HAHAHA!
Hindi... ganito, ganito...
Kahit gaano pa sila "kasama" sa "moralist society standards", they don't deserve kung ano mang pangbabaldado ng pananaw na ininstill din nila sa sarili nila na nagmumula sa lipunang tinarantado at ginutom ang kanilang sikmura.
Plakda! Plakda! Ang barado't matigas na sistema sa mga katulad nilang nakatikim ng paghihingalo pamulat sa mundo ng kabilang parte ng moralidad at sosyedad 'pagkat ang mundo ay hindi lamang sa kanila naikot dahil bawat taong makasalamuha ay lubhang mga inosente at nangangapa lamang sa buhay na walang kasiguraduhan.
Nawa'y hindi na maulit ang malungkot na genre ng buhay na ito, bagkus, kaawaan ang kasamaang nanaig sa pusong pinuno ng pagkamasalimuot kahit sa totoo lang ay imposible ito dahil sa pagbabalanse ni Universe sa bagay-bagay. All we can do is to take it as a lesson if may ibang tao na naging ganito sa atin kung nasa Villain era sila, simply detach and motivate yourself to be a Villain of them naman, but with a twist of goodness and righteousness for the both of you and mas pabor syempre sa sarili dahil alam na ang tama sa hindi, not just feeling but by thinking kung ano ang talagang kasalanan na sumasalungat at prinsipyong sablay at wala sa hulog kaya wala rin sa tamang ayos. Wasak ang equilibrium ng individualism at collectivism, ayun naging individualism vs. collectivism.
Clash between two worlds na hindi naman necessary dahil wala naman talagang lalaban at walang kalaban in the first place kung hindi ang mga sarili tapos ang pangit ng delivery ng mga personal demands sa life. 🤣😅
Misunderstood parehong panig kung tutuusin tapos self-righteous world is ang lala ng mga binabatong interpretations. Ay jusmiyo yawa!! XD
Basta may moral grounding ka pa sa buhay ay kaaawaan mo na lang ang mga tulad nilang hindi nakawala sa sistemang gusto nila sila lang ang pakikinggan at susundin. Kung ikaw man ay pending malalang Villain ng masa, mag-isip isip ka na dahil malalang pagsasabotahe ang gagawin mo sa sarili mo dahil magiging katulad ka na ng bagay na kinamumuhian mo. Sige konti pa, destruction occurs and war will follow. Ano gusto mo? Ikaw ang magpapasimula o sila? Kaya mo bang dungisan ang mukha mo kung ikaw man ang magpapasimuno? Sana maayos pang maihatid ang pakikiaklas patungong kalayaang deserve mo, make it a peaceful kind of war. No need for bloodsh3d, sana ano? If may manipulation malala, need ng mga professional na mamamagitan like some mental health therapist or a spiritual counselor kumporme sa personal beliefs for some objective kind of knowledge — an unbiased one. 😅🤣
Ang tanong, sino ang totoong Villain sa inyo? Ikaw na pending bida sa sarili mong buhay (you must reclaim your power) o yung feeling bida at talagang bida-bidang other party na kinamumuhian mo. Good luck investigating that matter. Patulong kayo sa iba (at sana sa iba't ibang prinsipyo para mapag-isipan maigi) if needed para sa balanseng moral grounding while doing the deed. Hehe... 😉🥱
"Being against evil doesn't make you good. Tonight I was against it and then I was evil myself. I could feel it coming just like a tide... I just want to destroy them."