Takot
Natatakot ako kapag nagagalit sya. Natatakot ako dahil baka bigla na lang nyang sabihin na βTama na, ayoko na.β Natatakot ako na iwan nya ako. Natatakot ako na baka dahil sa pang aaway ko sa kanya bigla na lang magbago ang isip nya. Natatakot ako na baka magsawa sya sa ugali ko. Natatakot ako na baka dumating yung panahon na makahanap sya ng iba na hindi baliw baliw tulad ko. Natatakot ako na baka may magpakita sa kanya ng ugaling mas maayos sa ugali ko. Natatakot ako. Natatakot ako na mawala sya sakin. Hindi ko alam kung pano tapatin ang takot ko. Umiiyak lang ako kapag naguusap nga para maayos ang alitan namin. Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko kayang ilabas lahat ng gusto ko sabihin. Hindi ko kayang tignan sya at sabihin lahat ng salitang gustong kumawala sa aking bibig. Pano? Pano ko ba haharapin ang takot ko. Tulungan nyo ako!











