Unemployment
Ating tatalakayin ang kontemporaryong isyung Unemployment at susubukan nating ibase ang ilang mga documentaries na may konek patungkol dito.
Dalawang documentaries ang ating ibabase; I-Witness: ‘Kapit sa Patalim’ at ‘Kayod sa Kalsada’.
Kapit sa Patalim
a.) Kaugnayan ng Unemployment sa dokumentaryong "Kapit sa Patalim"
Sinabi nga, mahigit dalawang milyon ang Pilipino sa abroad AP Quiz — madalas ay HSW, kasambahay o katulong. Subalit, pana-panahon, sinasalubong ang mga ating mga kakababayan na OFW ng trahedya.
Ilan-ilan na ang kasong umibabaw sa mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan, kung saa'y nakababalita ng mga nagsiyumao.
Malimit sa 252,000 na mga Pilipinong nag-hanapbuhay sa Kuwait, kadalasan ay DH (Domestic Helper), lumaganap ang nagsiumanong pahiwatig na sila'y inaabuso at minsan pa'y pimagsasamantalahan ayon sa karanasan.
“When will this inhuman treatment of these Filipino workers end?”
ani ng Pangulong Duterte.
Ipinagbawalan niya muna ang pagpapalipad ng mga 'magtratrabaho pa lang' patungong Kuwait, at ipina-uusog sa mga Gabinete ang adisyonal "legal protection" para sa mga naroon na.
"Exploitation" at "Pangangabuso" — isa sa mga paktor na tumulak sa mga empleyadong umibang-bansa na makauwi na. Batikos na ito'y nagbibigay sindak sa lahat, dahil hindi naman 'to ginusto ng sinuman. Maaaring "trauma" marahil sa tinrato sa kanilang diskriminasyon, at kawalan ng pagpapahalaga ng amo ang naghatid sa kanilang kawalan ng trabaho o unemployment.
b.) Reaksyon sa Dokumentaryo
"Ayaw ko na sa bandang huli, mawawala 'yung pangarap ng anak ko, dahil lang sa akin na hindi nagsikap. Ayoko maging hadlang 'yon na hindi sila makapagtapos ng pag-aaral".
— Sa mga pakikipanayam, ito ang tanging tugon, ng mga may karanasan at magsisimula pa lamang sa pagiging DH.
Hindi na kailangang palawakin pa, dalamhati ang pahid nito sa iba't ibang aspeto. Nakakapanlumong marinig na napakaraming kababayan ang umibang-bansa, makaahon lang sa dalita, bagama't alam na nilang mapeligroso, kahit na nakaranas na ng pagdarahop sa kamay ng kanilang amo, sila'y tutuloy pa rin, para lang sa pamilya.
Kayod sa Kalsada
a.) Kaugnayan ng Unemployment sa dokumentaryong "Kayod sa Kalsada".
Isa sa mga pinaka "vulnerable" ang matatanda, sa laganap na pandemya. Madaling matamaan, lalo na't may iba pang alintanang sakit.
Hango sa dokumentaryong ipinasilay, halimbawa na lamang si Mang Charlie Asis, 62, mula sa Calamba, Laguna. Minsan siyang nag-viral sa socmed, dahil sa kakaibang diskarte - ang "pasabuy", habang nag-bibisikleta kahit ma-edad na 'to. Sinabing siya'y may "Stage 3 Prostate Cancer", ngunit patuloy pa rin ang pagtratrabaho. Base sa pang-araw araw na karanasan, siya'y makakaabot pa nga raw sa Maynila. Siya'y minsan na lamang mapapa-upo sa gitna ng kalsada, dahil sa pagod. "Baka atakihin ako, papahinga muna" aniya.
Gayon din ang kinikilalang si Frank Ramos, 64, mula sa Marikina. Sa kaniyang mga balikat, ang kaniyang paglalako ng Taho nakaatang ang araw-araw na pang-gastos sa Pamilya (Para sa kaniyang asawa, at apat na apo).
Masasabi kong sila'y "self-employed" sa pinapatakbong maliit na negosyo. Kakulangan sa "employment" ang identipikasyon sa pangunahing rason kung bakit nga ba may mga taong ganito ang trabaho.
Ngunit, ang kawalan ng pormal na trabaho ay maiwawangki sa Unemployment, dahil pumapasok ang age limit, status, at natapos upang dumepende kung ika'y mabibilang na "employed".
b.) Reaksyon sa Dokumentaryo
Nakalulumbay ng pusong isipin na dugo't pawis ang mga indibidwal na 'to, kahit matanda na, kakayod pa nga rin sa kalsada, na ang sakit man, ang pawis at ang edad ay 'di mabibilang na hadlang kung adhika ang bumangon sa karukhaan.










