Things like this - I now agree.

PR's Tumblrdome
Misplaced Lens Cap
trying on a metaphor

roma★
TVSTRANGERTHINGS
cherry valley forever

祝日 / Permanent Vacation

Product Placement
$LAYYYTER

No title available

Kaledo Art

No title available

Discoholic 🪩
almost home
Today's Document
dirt enthusiast
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
h
Claire Keane

JVL
seen from T1
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Netherlands

seen from Malaysia

seen from Hungary
seen from Brazil

seen from United States
seen from Germany

seen from United States

seen from China
seen from Kuwait

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
@wordpool
Things like this - I now agree.
“Mental health is just as important as physical health.”
— Unknown
Wtf
I think I am falling into depression. I just don't (technically) know for sure.
#Depression #LifeIsShit
“It’s been a long time since I’ve been me.”
— Fernando Pessoa
Fucking on point.
Minsan mari-realize mo na lang pala na: Tama na.
Tangina, I was so happy back then.
Tangina nyong lahat.
Setting Sun
"As trees grow, I wish too, my soul
As winds blow, take away my sorrow
As the sky glows, tears will then flow
If not with you, I care not for tomorrow"
Sabay Sa Byahe Ng Buhay
Manong, bayad po
Aalis na po ako
Iiwan ko na po yung nakasanayan ko
Bibitawan ko na po yung takot nito
Ng puso kong ayaw buksan
Ang sarili para sa sinasabi nilang 'pagmamahalan'
Ng isip kong takot lumayo
Sa mga nakasanayan ay gustong mabilanggo
Manong isusugal ko na rin
Yung buong ako at lahat ng akin
Ate paki-abot naman ito
Itong bayad ko, ako yan - mula paa hanggang ulo
Masaya naman pala ang bumyahe
Kahit hindi ako pamilyar sa nangyayari
Masaya naman palang kumapit
Sa hawakan ng jip na abot langit
Masaya pala dito
Dito na lamang ako
Mananatili ang puso
Sa byaheng iyong pinangako
Mga pangakong ating sinambit
Sa isa't-isa na tila'y walang bahid
Ng takot na baka hindi matupad
Baka mawala na lamang sa isang iglap
Pero alam mo, dito ako'y komportable
Na uupo sa tabi mo't magbabakasakali
Na sana ay tignan mo at kilatisin
Kilalanin at wag babaguhin
Akala ko itong byahe na to'y patungo
Sa lugar na kung saan lahat ay totoo
Pero bakit nagkakaganito
Hindi ko na kilala ang sarili ko
Medyo nakakapagod pala
Gusto ko nang bumaba kaso wala na kong barya
Lahat pala naibayad sa kanya
Manong, 'yong sukli ko, pakibigay na
May kalayuan na ata ang aking narating
Naliligaw na ata ako, wag kang mapraning
Manong, sandali lang, ika'y pumreno
Teka, mali ata yung nasakyan ko
I highly disagree to this one.
People, if you're really into him/her, you compromise! Kapag nagkamali siya, you try to understand kung saan siya nagkamali. Hindi yung nagkamali siya and you expect him to be "better" next time. Walang perpektong tao. Don't try to mold someone's personality para lang umakma sa kung paano yung ideal partner mo.
Sabi nga, "When someone showed their true colors to you, never try to repaint them." Love is acceptance! Love is genuine forgiveness. Hindi yung you will expect your partner to be a "better version" na parang naka-program para lang maging kaaya-aya sayo.
Mahalin mo kung paano siya maging masaya mahalin mo kung paano siya nalulungkot; mahalin mo kung paano sya nagiging matagumpay; and mahalin mo kung paano siya nagkakamali.
Iparamdam mo na mahal mo siya with all his/her imperfections. Hindi yung ifi-filter mo yung gusto mong features nya and then you'll make him/her change yung ayaw mo. Kapag kumain ka ng chopseuy, kasama lahat, wag mong piliin yung karne lang. Kasi lahat ng alat, pait, tamis ng isang chopseuy, complimentary yan para mabuo yung putahe.
Don't ever try to change a person based on your preference. Kasi that way, you're not loving; you're just amusing yourself.
#WhatIsLove #LoveIsAcceptance #Hugot #Realtalk #PinoyHugot #Hugot101 #Preach
"Always the umiintindi; never the iniintindi"
Axle Denar
RIP
Teka ganito na lang:
Isipin mo na lang patay na ako
Isipin mo na lang wala na ako sa mundo
Kunwari na lang hindi ko na nilalakad
Yung mga kalsadang lubos kong hinangad
Isipin mo na lang wala na ako dito
Kung saan maraming tao
Na akala ko ay mahal ako
Magpanggap tayong hindi na ako nage-exist
Hindi mo rin naman ako kinilala nang labis
Teka, bakit parang ang bilis?
Parang ayoko pang umalis...
Ayoko pa...
Wag muna...
Marami pa akong gus-
Pero masyado na akong malungkot
Hindi mo naman gusto yung taong naging ako
--- kung sino talaga ako
Minamahal mo yung gusto mong maging ako
Gumawa ka kasi ng ibang bersyon ko
Tapos doon ka nahumaling
Doon ka naglambing
Sa kanya mo binigay yung pagmamahal na pangako mo sa akin
Sa kanya napunta yung mga pangarap na akala ko ako yung kasama mong aabutin
Kaya anong nangyari nung nalaman mong hindi pala ako yung gusto mo?
Pinilit mong magampanan ko yung katayuan ng nilikha mong tao
Nagagalit ka kapag hindi mo siya makita
Kasi totoo naman, hindi ka naman sa akin hanga
Pinakita ko naman ako sayo nang buo
Pero anong napala ko sa pagpapakatotoo?
Kaya sa totoo lang, ikaw yung mamamatay-tao
Pumatay sa akin na ngayon ay ligaw na multo
"Ganito kasi dapat; heto mga dapat ginawa mo; heto mga dapat sinabi mo; heto mga dapat inisip mo..."
Teka, ganito na lang:
Isipin mo na lang... Ay teka... Oo nga pala...
Patay na ako.
You could not understand me and you never will because you never wanted to.
Sa Bawat HAHA, May HAHAyaan
Hahayaan kang maging masaya
Kasama ang mga totoong taong nagmamahal sayo
Hahayaan kang maging malaya
Mula sa taong baluktot na kagaya ko
Hahayaan kang ngumiti
Kasama yung nga taong kabisado yung mga lungkot mo't pighati
Hahayaan kang kumalas
Mula sa taong puro sakit na lang ang ipinadas
Hahayaan kang maging totoo
Oh, giliw, sabihin mo, mahal mo pa ba ako?
Hahayaan kang iwan ang lahat
Pati ang mga bukas na sabay nating pinangarap
Hahayaan ko na
Hinahahayaan na kita
Paalam na, humayo ka na.
Baba Po Muna Kayo
Kapag nagbabasa ka tapos
malabo yung sulat sa isang papel
Anong gagawin mo?
Ilalayo mo.
Kasi masyadong malapit
Masyadong nakakapit
Minsan hindi mo na sigurado yung binabasa mo
Minsan hindi na yun yung buo
Kasi hindi natin nakikita yung paligid
Siguro masyado tayong nabulag -
sa alam lang natin
Sa kung ano lang napapansin
Kaya siguro dapat lumayo tayo
Tignan natin kung tayo'y sigurado
Hayaan nating makita ang paligid
Siguraduhin natin gusto natin ang mga kalakip
Huwag yung kung kailan huli na ang lahat
Tsaka tayo didilat
Tsaka natin imumulat -
Yung mga mata nating matagal na nating binulag
Kung nagiging malabo at hindi sigurado
Siguro... Baba po muna kayo.
Huwag
Baka sakaling mas madalian ka kung hahayaan mo na lang ako. Kung iiwan mo na lang ako. Kung hahayaan mo na lang yung sarili mong maging malaya sa akin. Kung iiwanan mo na lang yung mga pangakong sabay pa kung ating sabihin.
June 12
Ngayong Araw ng Kalayaan, oo, gusto kong maging malaya. Malayang sabihin na malungkot ako. Malaya mula sa mga kalungkutan na dinaranas ko dahil sayo Malayang maging masaya nang totoo Malayang mag-isip ng mga bagay na makakabuti sa akin Malayang bitawan yung mga bagay na aking inangkin Malayang tumawa at ngumiti nang wala nang iisipin Pero bakit ganon? Bakit ngayon araw ng kalayaan, Ayokong maging malaya mag-isa? Gusto ko maging malaya tayo. Gusto kong maging malaya kasama ka Malayang sabihin na mahal natin ang isa’t-isa Malayang magmahalan nang walang iniintinding iba Malayang sambitin na “mahal kita” nang walang pangamba Hindi yung parati mo na lang bukambibig eh, “Malaya ka na.”