“Bakit ka sumali sa COC Cheering Squad?”
Nung una hindi ko talaga alam kung bakit ako sumali. Walang direksyon, intensyon o kung ano pa man. Wala akong background or kahit anong alam sa cheering before ako sumali. Hindi ko din alam na may malawak na mundo ng Cheering na nageexist before. Sinabi ko na lang sa sarili ko “Gusto kong may bagong ma-experience. Yung tipong hindi ko pa nasubukan gawin dati pa or wala akong planong gawin ever.” Grabe sobrang random lang nung pag iisip ko na yun. Tapos ayun na nga. Bigla na lang akong sumulpot isang gabi sa COC Lobby at sinabi sa kanila na gusto ko sumali. Dito nagsimula magbago yung takbo ng buhay ko. Hindi ko inexpect na sa isang random thought at sobrang hindi pinagisipan na desisyon magbabago lahat ng lahat ng plano ko sa buhay. (Kahit wala naman talaga) Sobrang daming hirap yung pinagdaanan ko para matuto kung paano yung tamang lift, kung paano yung tamang jumps, crunches, push-ups at iba pa. Sobrang daming sakit yung naranasan ko physically dahil sa pagpu-push ng split, sa mga siko, hita, paa, ulo at kung ano pang bahagi ng katawan ng flyers na bumabagsak sa buong pagkatao mo, sa flexibility tuwing bumubuhos yung ulan na mapapamura ka na lang. Yung tipong namamaga yung mga hita mo na halos hindi mo na magalaw na para kang sumali sa fraternity. Yung Sobrang challenging na pag akyat sa bus or sa mga hagdan ng LRT para lang makauwi ka, at malalaman mo na lang na ibang petsa ka nanaman nakauwi. Yung Sanlibong Jogging, at Full out sa carpark at backyard. Pero lahat ng hirap, sakit, at kung ano pang komplikasyon sa buong pagkatao ko lahat sobrang rewarding. Sobrang layo na pala ng narating ko mula nung unang beses ako sumali. Sobrang daming skills yung na acquire ko during the process. Hindi ko alam sa bawat sakit na dulot nila sa katawan ko pinupuno nila ng pagmamahal bilang kapalit. Hindi ko alam kung paano nangyari pero ganon e. Biglaan na lang talaga. Tyaka feeling ko naman kapag nagmamahal ka hindi mo naman alam yung totoong dahilan. Basta ang alam mo lang mahal mo siya. Eto yung ilan sa mga kasabihan na pinanghawakan ko sa tuwing ipupush nila ako.
”Pansamantala lang ‘tong sakit na ‘to. Laban lang. Laban.”
“Hindi mo mararamdaman na nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan.”
tyaka pala “Ang push ng pep squad parang tadhana, Hindi mo kayang labanan. Bababa at bababa ka talaga.”
Kabog sa hugot diba? Pero eto talaga yon. No joke. Eto yung newbie diary ko. HAHA Eto yung mga bagay na pumasok sa isip ko nung baby boy pa ko ng squad. Pero ngayon iba na. Hahaha
Gusto ko pa mag kwento kaso antok na ko. Baka bukas na lang yung katuloy. :)
Babalik-balikan mo.













