I'd rather be in outer space 🛸

oozey mess

No title available

PR's Tumblrdome

⁂
Xuebing Du
h
ojovivo

@theartofmadeline
trying on a metaphor
Cosimo Galluzzi
🪼

No title available
YOU ARE THE REASON

shark vs the universe
tumblr dot com
Sade Olutola
d e v o n

#extradirty
Noah Kahan

seen from Germany
seen from Mexico
seen from United Kingdom
seen from Mexico
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Mexico
seen from Argentina
@yaojasmine11
DARAGANG MAGAYON
Centro Bato, Camarines Sur
Photo by Danica Rose Llave
Be the change you want to see in the world
DE FRUTA.
My Chum
While walking around to this site, the blow of the wind softly touching my skin and waving my hair slowly, I close my eyes and open it leisurely. I look around and I apparently notice that nothing has changed. The tree’s who witness as we build our friendship. Way back, the bench with the tint of our colored pens. Our much loved swing with the blemished of our childhood days. In the midst of my thoughts suddenly my feet drag me in one of the seesaw, deep rooted with the mark of old times with my friends. I recall the memories from the past when I was a child.
I park myself with my hands under my chin. I saw adorable children running and laughing “hurry up! I want in the swing”. I smile as I witness that moment. The swing continue to move backward and forward, the seesaw slowly go up and down, the slide give smile to their faces and it feels good to see this innocent children enjoying their childhood days. When the bell of the ice cream strike “cling cling cling” all of them run fast towards the ice cream vendor. But out of the blue I immediately stand up to help one of the children. This little kid accidentally tumbles. When I’m going to step, I was amazed, one of them help the little girl to stand up and I clearly heard it with my two ears “best for you don’t cry the ice cream will melt”. The view immediately faded away. That was the time I miss my friend.
When you feel in trouble of facing a difficult situation who do you depend on? When you feel like crying they are always there to cheer you up and try to sing a song even if their voices are like frogs. Yes! You’re right I’m trying to illustrate the characteristics of my friends here but of course we have our best buddies right?
She’s probably the most honest and trustworthy friend of mine. She tells to me the truth even if it hurts sometimes. One of my favourite line she’s always telling to me is “hey you! Go to the bathroom stay there for ten years, you smell fishy!” She loves to eat, always at war with her siblings and it was a funny side about her. Make time and effort just to hang out with me, burst into laugh in my embarrassed moment, tease me when my crush is there, and tap my shoulder when I’m about to cry. She’s not even popular, good looking, wears cool clothes, failed to know the latest fad or fashion, but one thing I like about her is she’s a good listener and a sadist in a good way.
Everyone wants to have a kind friend that will be there for them no matter what. Who are your friends? Are they just bubbles that quickly disappear when you’re in need or like a gum that will stick to you forever?
I stop for a minute and smile. I slowly walk and my hands are inside my pocket and for the last time I glanced up in the playground were our friendships will be forever.
ECO-FRIENDLY BAG.
Stores in Cagsawa offers unlimited and affordable bags for women.
Mukha ng Kabataan
Habang patuloy sa pag-ikot ang mundo, kasabay nito ang pagkalimot sa mga alalaang nakagisnan mula pagkabata. Mga pagbabagong pilit hinihila tayo sa ibang dimensyon na mistulang hinuhubog ang ating pagkatao. Mula sa mga nagsisiangatang teknolohiya, pananalita, at pati sa gawi, tunay ngang lumalawak ang dunong ng isang indibidwal at hindi imposibleng lamunin tayo nito sa bawat pag-agos ng panahon.
Hindi maikakaila na ang ganitong pangyayari ay may iba’t-ibang epekto sa pamumuhay ng isang tao. Mabuti o masama man ang dulot nito, bawat isa ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan upang imulat tayo sa realidad ng buhay.
Ngayon ay nasa “new generation” tayo at ang sentro ng mundong ito ay mga kabataan. Tinatanggap ng mga batang ito ang mga pagbabagong sanhi ng kuryusidad at pakikisabay sa uso. Mga batang nasa murang edad na magdamag karga ang kanilang Ipad o net book sa kagustuhang mapuksa lahat ng zombies sa larong “plant vs. zombies” Bakit hindi sila bigyan ng mga laruang mahahasa ang kanilang kakayahan tulad sa pagsagot ng mga katanungan sa matematika o hindi kaya ang paglalaro ng “building blocks”? Siguro nga ay lilipas at makakalimutan na ng tuluyan ang ganitong kinamulatan. Mga “video games” na may tema ng karahasan. Ano kaya ang pakiramdam kapag “nakakapatay” at nauubos ang mga kalaban? Galak sapagkat hasa ang mga kamay sa kakapindot nito sa “playstation” hindi ba? Kapansin-pansin din na mistulang linalamon na ang kanilang inosenteng pag-iisip.
Halina’t tumayo at iwanan ang mga iyan, maglaro ng patintero sa ilalim ng araw, taguan sa ilalim ng buwan at maghabulan kahit maulan, nariyan na ang pakikipagkapwa nakabuo ka pa ng bagong mga kaibigan.
Parang isang kabuteng sumulpot ang iba’t-ibang “social networking sites” tulad ng napakasikat na facebook at twitter, na minsan ang dala nito ay kapahamakan lalo na sa mga kabataan, sa kadahilanang gustong magkaroon ng bagong kaibigan. Ngunit, kung titingnan natin sa positibong paraan iba ang hatid nito para sa mga kababayan nating malayo sa kanilang pamilya. Siguradong abot maging saang panig ka man ng mundo.
Hindi magpapahuli ang mga angat na angat na “celebrities” sa panahong ito. Isa na riyan ang“Girls generation” ng bansang Korea, kahit hindi maitindihan ang paraan ng pananalita ay pinipilit pa rin bigkasin kahit nagkakabuhol-buhol na ang dila. Ang sikat na sikat na “boy band” ng bagong henerasyon “One direction” na kinahuhumalingan ng mga kababaihan pati ng mga kalalakihan. Mapapaindak ka talaga sa kanilang musika. Pati sa pananamit, istilo ng buhok, at kung ano-anu pang dekorasyon sa katawan ay kopyang-kopya ng mga modernong kabataan. Unti –unti ng naglalaho ang mga musikang nakalakihan tulad ng “Build me up buttercup” at dayang dayang.
Sa telebisyon man ay may laya tayong pumili ng mga panonoorin ngunit kung minsan ba ay nakakabuti ito sa atin at wastong nagagabayan ang ating pag-uugali? Mula sa mga pinauso ni Vice-Ganda na linya sa pagsagot ng mga katanungan tulad ng “paulit- ulit?” o hindi kaya ang “ay hindi hindi!”. Iba ang naging hatak nito sa mga tagapanood lalong-lalo na sa mga kabataan. Pati kayo ay nahawa na ng dilemang ito, pansin niyo ba?
Hindi mabilang na pagbabago ang sakop ng mundong ito. Ngunit totoo bang nagbibigay sila ng kaginhawaan o puro sakit sa ulo ang hatid nito sa ating mga magulang? Meron pa kayang kabataan ang hindi nahahawaan ng mga pagbabagong ito? Nakakatakot ngunit ito ang realidad na susukat sa hangganan o kayang abutin ng mga mamamayan. Nakakapanabik ang mga susunod na kabanata sa mundong ito. Pagbabagong tatangayin ka saan ka man lupalop ng mundo makarating.
Bicol Express
Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa taglay nitong lasa?
Saan mang dako nang bansa
Ito ay kilalang-kilala
Puno nang sarsa na hanap ng bawat isa
Bawat nagluluto mayroong sikretong itinatago
Espesyal na gawa mula sa puso
Pagharap sa plato siguradong ganado
Upang bawat subo ligaya ang matamo
Siguradong ikaw ay pagpapawisan
Sa sangkap nitong sili ang may kagagawan
Bagoong alamang at may karne pang laman
Ito’y babalikbalikan maging sino ka man
Hindi nawawala sa bawat piyestahan
Hanap nang bisita tuwing kainan
Kahit ito’y maanghang walang tirang madadatnan
Sarap nitong handog sa inyong kalamnan
Bicol express ibang nuot ang dala
Amoy nito pang-ulam na
Kapag nasa labi na mapapapikit ka
Dahil sa taglay nitong sarap na kakaiba.
Mga Albayano ito ay paborito
Pati sa pasiklaban ito ay panalo
Sigla at sustansiya iyong matatamo
Kapag tamang tikim lamang nito.
Bicol express talagang kakaiba
Pwedeng tumagal kapag tama ang timpla
Lasa nitong ibang klase talaga
Walang kapantay anghang nitong taglay.
Pati sa medya ito ay nailathala
Buong bansa Bicol express ay nakilala
Mga sangkap nitong dito lamang makikita
Sili, bagoong alamang, at sarap ng gata.
Ngunit kahit ibang lahi ito’y dinudumog
Mga kano, hapon Bicol express sinusuong
Mamamangha ka sa kanilang angking galing
Sapagkat anghang sa kanila ay walang dating.
Sa paglipas ng mga oras at panahon
Kahit sa pagtanda bitbit pa rin
Mga pagkaing sarap ang angkin
Na totoong maipagmamalaki natin.