Our Fanney Story (July 11, 2013)
Ysa’s POV
Weeks ago before July 11, 2013, nag download si Yna ng JGMAR ng “Brenshane” sa laptop niya tas gandang ganda siya. Pinarinig niya sa’kin ng dalawang beses kaso, ayun, wala nga akong pake kasi ‘di ba parang elite daw ang music ng Western sabi ng na-feed na standard sa akin.
E bago rin kasi yung laptop ko. Walang mga kanta. Ayoko naman i-bluetooth yung mga kanta ni Yna sa laptop niya sa laptop ko kasi nga weird saka may Hale yata dun. E ayoko ng “The Day You Said Goodnight” for a reason I cannot explain. Di lang ako mahilig siguro sa insekto (tutubi). Saka kumbaga, virgin yung laptop ko. Walang music kahit isa, so nag download ako ng kanta ni Taylor Swift kasi nga Swiftie talaga ako. Ayun iba iba. Yung iba first time kong napakinggan.
Hanggang sa, napunta sa suggestions yung Just Give Me A Reason ni Pink. Dinownload ko. Ganda kasi. E naalala ko yata or nakita ko yung sa “Brenshane” kaya binuksan ko. Pinakinggan ko. Idol ko talaga si Yna, pinagbigyan ko siya. Maganda talaga si “Brenda” tapos si “Shane”, magaling. Ewan. Di ko siya masyadong na-feel.
Kaso nakita ko yung sa “I don’t want the world to see me” something kasi nga di ko talaga alam yung title ng Iris noon. Kasi di mo talaga maisip na Iris pala yung title kasi no sense. Wala talaga kong idea sa literary criticism noon. Ngayon na lang. Kasi tumanda na ko. Pero ang sabi ko sa sarili ko, “Aba, mas okay ‘to ah. Nice.” Kaso, pinatay ko agad kasi duh. I was like, “I am so wursh wursh, so I cannot listen to OPM artists. Di ko bet!”
Pero tinapos ko na ang kahibangan kasi di raw pang elite ang OPM.
Pag-uwi ni Yna, excited akong pinarinig sa kanya yung mga kanta ni Taylor Swift na nadownload ko. Both of Us ata yung pinarinig ko. Tapos pati yung Fearless, gano’n. Mga sikat na songs. But she isn’t really so into pop genre. Kung pwedeng wala na lang siyang pinakikinggan na pop, mas gusto niya yung mga acoustic, alternative, metallic. Shocks.
Tapos, sinabi ko sa kanya na may kinanta si “Brenda” and “Shane”, kasi di ko pa alam na may “Brenshane” eh, ng “I don’t want the world to see me…”
Sabi niya, “Iris?!” with intensified feelings like there was no tomorrow, like it was the end of the era of globalization at naging first world slash dominant na ang Pilipinas.
Feeling elite.
“Hindi. I don’t want the world to see me…”
“Iris title no’n! OMG! Akin na iyang laptop mo.”
Doon na nagsimula ang pagbabago sa buhay naming dalawa.
Yna’s POV
Bawal na mag-internet no’n kasi mga 11 pm na no’n. Ay hindi, bago pala mag-11 yun. Mga 9:30. Sa totoo lang hindi ko na matandaan kung ano ‘yong pinag-uusapan naming ni Ysabells tuwing gabi no’ng hindi pa kami puro “Brenshane”. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko no’n kasi ayoko talaga mag-aral. Si Ysabells sa sobrang martir, nag-aaral lagi like Ysa mas mahirap subjects ko! HAHAHAHA!
July 11 pa rin to. Bumaba ako para mag-internet kasi di pa uso sa’min nung panahon na yun yang WiFi WiFi na yan. Ayaw din ni mommy na madistract kami sa pag-aaral (Mom the world is distracting enough).
In short, sinuway ko si Mommy para marinig ko ‘yong Iris ng “Brenshane”. Ang sama ko ano? Pero may purpose pala yung pagsuway ko na ‘yon.
(Yna, kung di mo sinuway si Mommy, maayos sana ang buhay natin ngayon.)
Ysa, kung di mo binuksan yung JGMAR ng BS hindi tayo ganto ngayon!
(Yna, kung di mo binuksan yung TV ng May 5, 2013 edi sana hindi natin sila nakilala. Sayang yun kung sakali. Sige na. Okay na. Go on with the story.)
Ayun nga, edi napanood ko. Fresh na fresh yung video. ‘”Brenda M” and ”Shane” Jamming’. June 2013 inupload.
Grabe na-stun ako. Sobrang galing ni “Brenda”. 1st verse pa lang, pak ganern na siya! Hindi niya ata alam pa yung kanta. Pero no’ng si “Shane” na ‘yong kumakanta, nagulat ako. He wasn’t really impressive at first, kasi parang siya na mismo ‘yon… yung kanta. While everyone else seemed so focused on improving on their craft (including “Brenda”), “Shane” was, and is (hopefully will be) the craft itself. (OK cheezieee)
So dinownload ko. Mga 20 minutes lang siguro ‘yon because I was so drowned in that video (last time I checked, recently lang, 1K pa rin ang views). I don’t think it’s mere coincidence. Maybe we’re blessed to be one of the few to witness a gist of the backstage. In short, kinilig ako. And then I came across the video of Ms J, one of the “Brenshane” pioneers and one of our first friends in the fan base. It was a “Headstart with Karen Davila” cut, where “Shane talks about Brenda”. At the end of the video, “Shane” sang his part from his and “Brenda’s” conditioned arrangement of “Iris”.
Mas kinilig ako dun kasi I found light in his eyes, na parang Brenda was the woman for her. Parang ‘yong music… si “Brenda” yun. Kasi kinikilig siya. Kita mo sa mga mata niya.
Masaya siya.
And then, I went up and made my sister listen to the jamming and the headstart thingy. She wasn’t really taken by the mp3 version ng video(para mabilis DL) ng jamming pero sabi ko sa kanya “Te nakakakilig sila!” Kaya parang, bes, bukas dapat panoorin na nya.
Nung yung headstart na ‘yong pinapatugtog, nag-iba siya. Parang nafeel din niya yung nafeel ko kasi ang sensual ng boses ni “Shane”ybells.
Wala kong plano maging fanney no’n pero noon pa man, mahilig na akong magship ng mga ship na mahirap i-salvage (denotative meaning, bruh, come on!).
Ang naaalala ko lang no’n is yung feeling ko pwede sila. Feeling ko may pag-asa sila. Feeling ko, sila kasi bagay sila. Feeling ko lang pala. Lord, sana “sila” na lang.
Ysa’s POV
“Te, bagay sila! Shocks! Kinikilig ako!” Hindi iyon ang eksaktong sinabi ni Yna, pero iyon ang gist. Para siyang nag-defense sa akin dahil sa explanation niya tungkol sa pagiging bagay ng “Brenda” and “Shane” niya.
Hindi ko alam kung bakit ako nakinig. Sa katunayan, bulag ang mga mata ko kasi ‘di ba nga, mp3 lang yun. Hindi pa namin alam na pwede yung “ss” technique para maka-dl ng videos.
Hindi ko alam kung bakit ako ngumiti. Aside from the fact na, shocks, ang sensual ng voice ni “Shane” kahit di naman talaga siya pogi sa paningin ko noon. NOON. Pero nakinig ako sa boses nila. Nakinig ako sa explanation ni Yna.
Anak ng baka. Na-sales talk ako ng bruha.
Di ko sure bakit. Ano ba ang prompt ng response ko? Malamang, ang na peperceive ko lang na dahilan ay ang pagkakatanda ko sa itim nilang jacket sa show nila tuwing Sabado at Linggo. At ang sort of resemblance nila.
Sabi ni Yna, “Te! Bagay sila!
Nag confess pa siya sa akin na nakita raw niyang nagkikiss si “Brenda” at “Shane” sa imagination niya. And I was like, “WHAT?” but that was okay, because I thought, “Single naman iyan si ‘Brenda’ eh.”
Hindi ko alam, pero mga after 3 seconds, nag respond ako ng, “Yes.”
Tumili si Yna. Pero mahina lang kasi mga 10 na yun. Wala, okay naman siya sa nangyari. Tapos ako, okay na rin, kasi ship lang naman eh. Ano bang masama? I mean, I ship others as well. Snamoine nga ako. Pero yun talaga ang first time ko mag-ship ng totoong tao.
Then, I knew I was starting to not just fall in love with a “ship”. I was also starting to formulate stories inside my head kaya lang sabog.
To be honest, hindi ako hardcore. Hindi kasing hardcore ni Yna. Kasi, alam mo iyon, bet na bet talaga niya. E ako, sakto lang. Ang hirap mag-adjust kasi mas intense siya.
Sabi ni Yna, “Te sulat tayo ng fan fiction!”
Ako naman, “Sige sige.” with matching intense nodding. Nag light up ang mood ko.
Pumwesto siya sa may study table, tapos ako naman, sa kama nila Yna. Kasi naka separate ako dahil may problema ang back bone ko.
Habang nagsusulat ako, nakaramdam ako ng intense feelings sa dalawang characters na nakikita ko sa utak ko. Kumbaga kahit cliché yung story ko, na-attach ako sa dalawang iyon. Yung attachment na hindi mo ma-gets kasi para kayong meant to be.
“Shane’s” name became so ordinary to write even if it was weird. And “Brenda’s name” seemed to be mine. I was like, “I OWN THESE CHARACTERS.”
Dumating sa point ng story na nagkaroon sila ng hug scene.
“BAGAY SILA MAG-HUG!”
Sobrang weird kasi “Brenda” and “Shane” weren’t important minutes ago, pero dahil sa story, na-attach ako. Nagkaroon ako ng something to hold onto. Kahit na it was just a story.
But it wasn’t really just a story.
It was a start. Again.
Ang daming commencement exercises, di pa man kami natapos sa 1st sem sa college nung freshman year.
Shocks.
Yna’s POV
Masyado kasi akong weird no’ng pa-17 y/o ako. Bago ako mag-ship officially, gaya ng sinabi ni Ysa, gumawa na ako ng ff. Sa totoo lang akala ko premonition ‘yon kasi napansin ko talaga sila na parang close na parang may something na parang ewan. Hindi pa ako masyadong conservative no’n kaya ‘yong imagination ko medyo R-13 ha-ha. Isa lang ang naisip ko no’n:
Eyyyy enebeyeeeeen. Begey pele sile meg- kiss!
Nagka-premonition pala ako no’n kung ano ‘yong mga maiisip ko sa mga kasunod na araw hanggang sa present-day haahha! Joke lang siyempre!
I had thoughts like they were made for each other that night, and hindi kasama do’n ang imagination ko before. Ang intense, kasi 17 pa lang ako no’n. Ano bang alam ko? NBSB pa ako, kaya aside from knowing how it feels ‘pag di ka crush ng crush mo, wala talaga akong alam.
Pero kasi nga, iba. Hindi ako bumase sa mga movie na napanood ko. Gumawa ako ng fairytale. Friends sila tapos na-stuck sila sa isang moment kasi umulan tapos the girl said she’d marry him pag wala pa siyang asawa at 40. Akala ko kasi no’n nasa 30s lang siya.
Nakagawa ako ng ibang mundo na pwede nilang galawan. Gumawa ako ng possibility. ‘Yon ang maganda sa stories… nagbubukas sila ng possibilities…
Pero nagulat ako sa nabuo ng story ko no’ng July 11, 2013. Nakabuo ng pangarap. Nakabuo ng pagmamahal. Nakabuo ng bagong simula.
Nakalabas na sa maliit na mundo sina Alyanna at Alyssa. Pagdating ng July 11, 2013, lumaki ang pagbabago.
At hindi ko ‘yon pinagsisisihan.
Ewan ko lang kay Alyssa.
Ysa’s POV
Marami rami na rin ang nagbago sa buhay namin. Hindi ko naman inexpect na magiging ganito ako. Hindi ko inimagine na magmamahal ako ng celebrity kasi ang pangarap ko nung 11 years old ako, ako yung mamahalin kasi ako yung celebrity. Nakakatawa isipin na mula sa July 11, 2013 na naging shipper ako, nauwi ito sa pagiging fangirl. Nauwi ito sa mas marami pang experiences na naranasan ko habang nag fafangirl ako.
Maliit ang mundo ko noon, pero pinalawak ito ng pagiging fangirl ko. Aaminin ko na dumating sa point ng buhay ko na lumiit ang mundo ko dahil na rin dito. Kasi, dito na lang umikot ang buhay ko. Pero natuto ako dito. Balance kumbaga. Malaki ang mundo. Mag explore ka. Dalhin mo ang pamilya mo, kaibigan mo, pati sila… sa puso mo.
Habang nabubuhay ka, nakaka-experience ka pa rin pala talaga ng mga bagay na tuturuan ka ng lessons na madadala mo hanggang sa paglabas mo sa comfort zone mo.
Sila na kasi yung comfort zone ko in terms of escape. Sila yung main characters sa mga storya na sinusulat ko. Hindi alam ng mga professor ko sa school na pag nagsusulat ako ng kwento, sa characters na na-attach sa akin no’ng July 11, 2013 ang sinusulat ko. Sila na kasi yung dahilan din kung bakit nagkaroon ako ng idea na pwede pala ako makapag-pasaya ng tao gamit ang talent kuno na binigay sa akin ng Diyos.
Malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Nagkaroon ako ng friends, natuto ako na ‘wag maging judgmental (kasi diba immoral nga RAW yung ship namin). Natutunan ko na malaki ang contribution ng plot twists sa buhay ng tao.
Salamat din pala sa fangirling dahil naging stronger yung bond namin ng kakambal ko. We had all the reasons to fall apart, but fangirling became God’s instrument para maging close kami sa isa’t isa…
Para na rin siguro maging mas close kami sa Diyos.
Marami kayong hindi maiintindihan siguro kasi baka sinasabi niyong fake fan ako dahil hindi ako nag v-vote or hindi ako nagpupunta sa mga gig at concert. Pero ang fangirling kasi sa akin… it’s more than that. It’s about loving someone who doesn’t know you. Unrequited love.
Pero shipping…
Shipping was like falling in love, but like all other love stories, may ending din pala minsan.
Shipper pa nga ba ako?
Hindi ko rin alam eh. Nawawala na kasi siya, minsan bumabalik.
Pero may hindi nawala.
Siguro iyon ang pag-ibig at paghahangad na sana…
Sana masaya si “Brenda”.
Sana masaya si “Shane”.
May “Brenshane” man sa dulo o wala.
Yna’s POV
I wasn’t really a deep person before. Pero now, I, sort of, am. Baka nga minsan, kailangan babalik tayo sa basic para magets natin kung bakit tayo nagkaganito.
Sa totoo lang, a lot of things didn’t make sense. I’m not a showbiz type of person (parehas kami ni “shaney” bells sana kami na lang jk) and yet I started loving people from a distance.
I’ve always had a penchant to stay away from bandwagons.
And at that point, I believe, fangirling is not a bandwagon, so I pushed through it.
From our July 11, 2013’s shenanigans, my life started to break, make and made whole again. Ironically, my soul-searching and fangirling happened spontaneously. It was ironic because people thought of me, along with my co-shippers slash fangirls, as an immorally, disillusioned, insane and nonsense fangirls(boys) for wanting a married man to end up with his junior, who has her whole life ahead of her.
It’s not my fault that I’ve seen magic, is there?
Judgment was right behind me, and so I tried understanding everyone despite their beliefs and morality. Some people couldn’t help “sinning” even if they try. And like these people, I’m imperfect.
I thought about millions of possibilities, and unwritten possibilities, about both “Brenda” and “Shane” and I realized that even if they are not like the people I perceived them to be, I would still love them. It’s real this time. I’m sure.
I don’t care if they end up together. I just pray, hope and wish that they’re happy… genuinely, that is.
If they would make each other happy, then, better for me.
Music started this. And I JUST WANT A CONCERT.
Sometimes I wonder how all this happened. I try looking back and making an invisible timeline. I realize how everything was a puzzle piece, and these pieces make a whole –my present self.
Everything has a purpose. I don’t know about you, but that’s what I believe in. I believe there’s always a purpose (parehas kami ni “shane”ybells sana kami na lang huhu).














