Media Critic: Starting Over Again
Naging usap-usapan sa takilya ang pelikulang Starting Over Again kung saan tampok sina Toni Gonzaga (Ginny) at Piolo Pascual (Marco). Nagsimula ang kuwento ng pelikula sa pag-ibig ng isang kolehiyala sa kanyang propesor sa History. Dahil sa mga liham na ipinadala ni Ginny kay Marco ay natutunang ibigin ng propesor ang kolehiyala. Nang makapagtapos ng Arkitekto si Ginny ay nagpasya ito na mag-aral ng master’s degree sa Barcelona.
Sa paglaon ng istorya ay hindi maikakaila sa pelikula ang mga social issues ng ating bansa. Mapapansin natin ang pag-uusap ni Ginny at ng kanyang ina sa cellphone. Nang maghiwalay ang mga magulang ni Ginny ay naninarahan na sa Barcelona ang ina nito at doon nakapangasawa muli at nagkaroon ng anak. Karamihan sa ating mga kababayan ay kumakapit sa patalim at nakikipagsapalaran sa ibang bansa dahil hindi matamo ang kasaganahan dito sa ating sariling bansa. Kung papalarin ay doon na mamumuhay at magkakapamilya. OFW o Oversea Filipino Worker kung itawag sa kanila. Doon nila mararanasan ang pagod at pagkawalay sa pamilya. Marahil ang iba sa atin ang tingin sa mga may magulang na nasa ibang bansa ay may kaya, ngunit hindi nila batid na kaya pinili nilang mangimbang bansa ay resulta ng paghihirap ng bansa sa kamay ng mga corrupt na opisyal. Mas pinipili ng ating mga kababayan na makahanap ng trabaho sa ibang bansa dahil wala silang mahanap na trabaho dito sa Pilipinas o kaya naman ay maliit lang ang kinikita kung kasakaling makahanap ng trabaho dito sa atin. Isa ito sa mga dulot ng kahirapan ng ating bansang Pilipinas.
Kudos para sa mga tao sa likod ng pelikulang ito dahil naisagisag ninyo ang isa sa mga larawan na hinaharap ng ating bansa.










