Ang hirap naman talaga isipin, lalo na pagka pano if mababa lang ang sahod. Ang hirap balansehin ng mga pangarap sa bansa na ito lalo na ngayon trade na lang mga meron tayo kaya nag hihirap ang mga pilipino kasi ang laking problema ng gobyerno. Pero hanggat malakas ka pa, hanggat kaya mo pa mag trabaho at makapag ipon sulitin mo. Dumating rin ako sa punto ng buhay ko na miski pang sachet ng shampoo potek inaabot ko pa ng ilang araw maka tipid lang.
ang hirap maging mahirap. Pagka dumating yung time o panahon na may opportunity na lumaki ang salary mo. Advice ko, grab that opportunity na mag ipon. Hindi tayo yayaman sa sahod lang totoo yan hindi ko nga rin yun kinayaman eh the fact na 6digits nung nasa POGO ako, instead sinamantala ko yung nga pagod ko na sabihing "hindi pwedeng ganito ako hanggang pag tanda"
natutunan ko to nung nasa POGO industry ako. Nung malaki na sahod ko, andun parin ako sa level na ayaw kong taasan ang demand ng living ko. Hinumble ako ng chance na yun. Kaya nung sinabe sa aking maalis lahat ng pinoy, sabe ko "ito na yun" makaka alis na rin ako sa wakas. May dahilan na para umalis kasi hindi talaga ako mahinto sa pag stay sa work ko dati. Kaya hindi ako kinabahan nung nawalan ako ng trabaho.
inisip ko talaga nuon sa wakas makakapag pahinga na ako at makaka uwi. Naka invest ako ng 2hec aprroaching 4hrc this year na bukid. Hindi ko man naipatayo yung business na gusto kong Pet shop. Nakapag tanim ako ng bukid na ngayon ako na yung nakikinabang. Simula umuwi ako hanggang ngayon inipon ko yung pera na yun at hindi ko pinasok sa mga accounts ko kundi inipon ko muna sa kapatid ko. kasi buti na lang kasi makukuha rin yun ng demonyo kong asawa. Pinakita nya kasi yung laman nung pera na yun naiyak ako. Kasi napa tang ina na lang ako. Kasi nag reflect sa akin yung pagod at hirap ko at paano ako hinumble ng panahon. Sabe ng kapatid ko "baka may balak kang bawasan ses" sabay pakita at tawa sya sa akin sabe ko sige kuha ako 100k para mabawasan onti.
Sa kapatid ko na lang ako mayabang eh hahaha tapos inaya ko agad si lords taraaa mag grocery bilhin mo lahat ng gusto mo kako. 🤣
Tapos lahat ng labas namin ni bobs at pag stay nya dito never ko talaga sya pinaglabas.
yung pangarap ko na: maglalabas ka ng pera sa bulsa "pera naka goma" alam nyo yang kanta na yan ni skusta ata at flow g. Tottoo yun. Pag madami ka ng pera,hindi ka na gagamit ng wallet kundi naka goma na yung pera na yun na magkakasama sa bulsa mo. Goma na yung gamit mo para mapag isa mo yung pera. At pangarap ko yan before na ngayon naranasan ko na. May back pain nga lang before. 🤣
Kaya hindi na ako takot umalis sa sitwasyon na hindi ko deserve, kasi hindi na ako takot mawalan. Miski kahit sa anong aspeto pa yan. Hindi na ako takot. Hindi dahil meron, kundi dahil if ayoko na ang isang bagay aalisan ko na, pag ayaw sa akin, wala na rin akong paki alam. Pag hindi ko ikaka unlad para sa future ko hindi na rin ako nag sesettle. Siguro kung nagpabaya ako, baka ngayon nag aask ako ng pera sa iba, though hindi naman yun masama pero yung mag titiis ako sa mga taong hindi ko deserve, sa sitwasyon na hindi ko deserve. Mag titiis kang mag stay sa mga tao.
Labas kayo sa comfort zone nyo, hanapin nyo kung saan kayo uunlad, wag kayo mag settle sa less. I mean habulin nyo ang trabaho na alam nyong makakapag bigay sa inyo ng malaking oportunidad at growth. And samantalahin nyo yun. Alam kong hindi magiging madali ang lahat. Pero hanggat may araw at may nag babago maliit man yan o malaki ibig sabihin gumagalaw at yung pag galaw na yun maging grateful ka kasi nililead ka na para sa susunod mong gagawin at steps.
pag nahanap mo yun, mag reflect ka kung saan na narating mo at gamitin mo yun na ma humble ka at makapag ipon. Dahil walang permanente sa mundong ito. Hanggat may nag babago gamitin mo rin yun para baguhin mo ang kalakaran ng pera sa kamay mo.
Hanggang mabago mo na someday yung systema na. Kailangan kong mag trabaho para sa pera. Kundi yung pera na yung nag tatrabaho para sayo.