Hi!
Ang kasiyahan ay utang na pagkatapos mong maramdaman ay kailangan mo na kaagad pag bayadan. Siguro nga't para sa iba lang ang kasiyahan at di pwede sakin. I can't wait na dumating yung panahon na wala na kong maramdaman, walang emosyon, walang saya para walang lungkot. Kapag may dadating na problema biglaan, isang bagsakan, bumubuhos, nakakalunod. Bawat pagkalunod ko humihina na ang katawan ko; unti-unting bumibigay yung katawan ko. Ayoko ng sumigaw para humingi ng tulong, ayoko nang ubusin pa yung lakas ko. Regalo ko na sa sarili ko para kahit papaano hindi niya maramdaman na mag isa lang siya, na may nag aalala pa rin para sakanya, na may isang handang mag sakripisyo at hindi maging maka sarili para sakanya. Kasi mahalaga siya, masyado na siyang maraming pinag daanan, masyado nang malayo ang nalangoy niya pagod na pagod na siya. Ejhay dadating pala sa punto na kahit gaano ka kalakas, gano ka pa katapang sa tingin mo na ni kailanman di mo naisip magpa kamatay. Dadating at dadating pa rin pala yon. Pangalawang beses mo na umayos ka. Ang sakit sakit ng mga naisip mo ngayon. Handa ka nang iwanan lahat ng pangarap ng mga gusto mo maabot makamit ayaw mo nang makita ang hinaharap. Hindi ikaw yon pero alam mong paubos ka na pabitaw ka na. Konting tiis pa. Kaya mo yan :) kayang kaya mo :) kayanin mo :)













