Madalang lang ako magkuwento ng tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. 'Pag nangyari 'yon, ibig sabihin either gustong-gusto ko talaga magkuwento kasi there are a lot of emotions swimming in my mind and heart or gusto ko lang talaga magkuwento kasi ang gaan ng araw ko. Ngunit sa pagdaan ng mga araw at sa makailang ulit kong madalang na pagsubok sa pagkukuwento sa iba na humahantong sa pagkadismaya... sa madalang na mga pagkakataong iyon, parang mas pipiliin ko na lang tuluyang huwag magkuwento pa. Ang hirap kasi 'yong minsan ka lang mag-open up... minsan ka lang magkuwento sa isang pangyayari sa buong araw mo o buong buwan mo, tapos you'll end up hearing things na mag-eemphasize kung gaano ka kalaking failure at disappointment. Kesyo ganito, ganyan... then you try to make your "voice" louder to make them realize na hindi ganyan 'yong point mo... na gusto mo lang naman may makausap... na gusto mo lang naman magkuwento sana pero your voice will be drowned na kasi para sa kanila, sila 'yong laging tama at kahit gaano ka-positive 'yong kuwento mo, mayroon at mayroon silang masisilip na negative at 'yon ang i-eemphasize nila. Tapos ayon, sira na. Iisipin mo na sana huwag ka na lang nagsabi. Iisipin mo na ang tanga mo sa part na akala mo naman kasi gusto nila marinig kuwento mo. Ang tanga mo sa part na mag-open up e sanay ka na namang sinasarili ang mga bagay-bagay. Pero tanga nga e! Pero ang hirap 'no? Nasanay kasi sila na hindi ka nagsasabi tapos kapag nagsabi ka, kesyo "Ang laki mo na, kaya mo na 'yan." "Hindi ko na dapat pinuproblema 'yan." Pero 'di nila naisip, minsan ba tinanong ka nila kung kamusta ka na? Kung okay ka pa ba? Kung kaya mo pa ba? Magugulat sila na ganito nangyari sa'yo... magagalit kasi bakit nagkaganoon... bakit hindi mo nasolusyonan...pero no'ng mga panahong kailangan mo sila kasi hirap ka na, nakinig ba sila? nangamusta ba sila? Pero alam mo 'yong pinakamasakit? 'Yong sasabihin nilang, "Bakit hindi mo sinabi?" Nagsabi ka pero hindi sila nakinig.













